Eleven

1.4K 119 33
                                    

Unedited

Dalawang linggo ang mabilis na lumipas, inabala ni Joanna ang sarili sa pag-aasikaso ng mga papeles na kakailanganin niya sa kasal nila ni Hans,pilit niyang iwinawaksi sa kanyang sistema ang imahe ni Trevor, ngunit kahit anong gawin niya ay tila isang pelikulang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya si Trevor na kahit isang message ay wala siyang natanggap dito, alam niyang wala naman dahilan ngunit ipaalam pa rin niya dito na maayos siyang nakarating ng Pilipinas, nabasa ng binata ang mensahe niya ngunit wala itong sagot, na ikinalungkot niya. Tama nga siguro si Stephanie, baka nalilito lang siya sa kanyang nararamdaman.




"Love, everything is ready para sa engagement party natin sa friday." nakangiting bigkas ni Hans habang papalapit da kasintahan.




"hmm, can I take a vacation for 3 days." tugon niya dito na hindi niya alam kung saan nagmula ang idea na iyon na basta na lang lumabas sa kanyang bibig.




"vacation!"



"yes with Stephanie, mag out of town lang kami girls out."




"saan naman?"




"I don't know, you Stephanie marami siyang alam don't worry 3days lang naman, then ikaw din enjoy with your friends for 3days,."



"kelan ang alis niniyo?"



"tonight, and I will see you on fridaty okey."



"alright, ihahatid na lang kita kila Stephanie o sa airport?"



"airport na lang, thank you." bigkas ni Joanna at yumakap sa binata.





Nang magpaalam si Hans ay agad niyang tinawagan si Stephanie na nagulat sa kanyang sinabi.




"crazy ano ba ang nangyayari sayo? Saan ako hahanap ng resort ura-urada ka naman."



"sige na maghanap ka na sagot ang lahat ng expenses, 2 nights and 3 days."




"eto na nga naghahanap na, sabihin mo nga ang totoo Joanna, nagdadalawang isip ka ba pakasal kay Hans?"




"I don't know, Steph. I felt suffocated I need sone fresh air to breathe, to think for everything."




"Joanna ano pa at naging bestfriend mo ako, sa mga sinasabi mo I knew it, Trevor is the main reason of everything, Gosh! Kung alam ko lang na magiging ganito sana hindi na lang kita hinayaan na  lumalim ang commitment kay Hans,."




"Steph, hindi sa ganon. Hans is.



" he's a good man? Pero he's not anymore in your heart! Aminin mo man o hindi iyon ang totoo, huwag kang magpaka martir kung natatandaan mo matagal ng patay si Gat Jose Rizal, hindi na uso ang martir ngaun Joanna! Umurong ka na habang maaga pa."





"Stephanie hindi ganoon kadali! Atsaka isa pa mahal ko si Hans."



"I don't believe you in that matter, hindi ka maguguluhan at lalong di ka mag iisip ng ganan kung walang dahilan, and correction he was your love." mariing sabi ni Stephanie at ipinagdiinan pa ang salitang was.





"Stephanie, Im not.....




"I have the reservation Joanna so pack your things, sa Palawan tayo pupunta may bagong bukas na resort doon at nakapromo sila, but since sagot mo lahat I took the presendential suite, 2 nights and 3days at at si Yanie lang ang available sa iba natin friends? "





Born To Be Yours (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon