Unedited
"Joanna tama ba ang narinig ko?"
"iiwanan ko muna kayo at mag usap kayo ng maayos." paalam ni Winona sa mag kasintahan.
"Joanna! Bukas na ang kasal natin tapos ngaun sasabihin mong ayaw mo na?"
"Hans, intindihin mo naman muna ako, hindi......
" ako ang intindihin mo Joanna, anong ginawa ko para ganituhin mo ako, we've been together for almost 7 years tapos ganito? "
" Hans, hindi nasusukat ng haba ng panahon sa totoong nararamdaman ng isang tao."
Nanlaki ang mga mata ni Hans sa narinig buhat sa dalaga, agad na bumangon ang sakit at galit sa kanyang dibdib pero pinilit pa rin niyang maging mahinahon.
"Joanna what is bothering you?" tanong niya sa kasintahan na lumuluha.
"ako, naguguluhan ako Hans. Hindi pa siguro ako handa, and I don't why that I have this feelings na parang may mali."
"dahil ba ito kay Lucy? Does she threatened you?"
"No! Hans please hindi pa ako handa."
"Do you love someone else Joanna?" tanong ni Hans na hindi inaasahan ng dalaga. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot sa binata.
"Hans this is not about loving someone else, this about you and me, 'yung mga doubts ko between you and Lucy, 'yung mga alibis mo noon, lahat iyon ay hindi ko pa rin malimutan, yes I love you but may kulang pa rin."
"Joanna mahal na mahal kita alam mo iyan, ano pa ba ang kulang?"
"your honesty Hans, that's bothering me."
Laglag ang balikat na napaupo si Hans sa tabi ni Joanna, ngaun pa lang ay natatakot na siya paano kung totohanin ng dalaga ang sinasabi nito. Paano kung maunahan siya ni Lucy. Ibubuka pa lang niya ang kanyang bibig ng lumapit ang isa sa kasambahay nila Joanna.
"Ma'am Joanna, may naghahanap po sa'yo."
"Sino po Manang?" kunot noo na tanong ng dalaga dahil wala naman siyang inaasahan na bisita.
"oh well, Im sorry for inviting myself here." bungad ni Lucy na taas noo na naglakad papalapit sa kanila ni Hans. "I guess Im on the right time."
"Anong ginagawa mo dito Lucy!" mariing tanong ni Hans sa dalaga.
"Hans naisip ko na para hindi ka na mahirapan na ikumbinsi si Joanna na makipagkita sa'kin naisip kong ako na lang ang pumunta dito."
"Anong kailanga mo Lucy?"
"hindi mo man lang ba ako pauupuin? oh well never mind, maiksi lang naman ang sasabihin ko kaya ako nandito."
"Lucy! Get out of here." muling mariin na sabi ni Hans at hinila sa braso ang dalaga na agad pinigilan ni Joanna.
"let her speak Hans, for once and for all maliwanagan nga ako kung ano ang meron kayong dalawa."
"Joanna, please believe everything....
"c'mon Hans, ikakasal na nga kayo maglilihim ka pa rin, hindi pa ba maliwanag ang sinabi ko hindi kita hahabulin, ang gusto ko lang kilalanin ninyo ang anak ko na anak mo."mahabang sabi ni Lucy na nakatuon kay Joanna ang paningin. Kitang-kita niya ang pagguhit ng kirot at galit sa mata ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Born To Be Yours (On Going)
RomansFontana Siblings#9 Joanna Sheika Tagalog-English Story
