Ten

1.3K 94 12
                                    

Unedited...






"shhh!"putol ni Trevor sa sasabihin ni Joana." I don't need an answer now. Just leave okey go back to Hans and you'll find the right answer ." mahinang bigkas ni Trevor.



Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Joanna, ilang ulit niyang ipinilig ang ulo dahil baka nanaginip lang siya ngunit hindi dahil gising na gising siya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, at hindi niya lubusang maipaliwanag ang kakaibang damdamin lumukob sa kanya. "do I feel the same?" tanong ng isip niya. "No!" mariin niyang bigkas. "nami-miss ko lang si Hans."





Ilang minuto ang lumipas ng lumabas si Trevor sa kanyang kwarto,napatayo si Joanna sa pagkakaupo niya sa sofa at agad na lumapit sa binata.



"maaga pa you can a have a cup of coffee, bago tayo umalis."



"I'll drink it later, mas okey na ang maaga baka kapag hindi ka pa umalis ngaun hindi ka na makauwi pa."



"Trevor, thank you."



"you're welcome, kung pagkatapos nito mag file ka ng resignation letter hindi kita pipigilan it's yiur choice, just take care of yourself and be aware sa lahat ng mga taong nakapaligid sayo."




"okey, I will call you kapag nasa Pinas na ako."




"Alright, but no need to bother yourself alam ko naman safe kang makakarating ng Pinas. So paano shall we go?"




"okey." maiksing tugon ni Joanna at bago siya tuluyang lumabas ay iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay ni Trevor na naging tirahan niya sa loob ng dalawang linggo. "I'll surely miss this place." bulong niya at sinundan ang binata sa labas na naghihintay sa kanya sa loob ng kotse nito na nagpatikwas ng kanyang kaliwang kilay. Nag-atubili siya kung saan siya mauupo sa unahan ba o sa likuran.




"Im sorry ha pero alam kong gasgas ng salita ito, balak mo ba ako pag mukhain na driver mo?"




"Alam mo nagtataka and narin ako sa attitude mo!" nakasimangot niyang sabi dito. "isang araw na mabait ka akala mo kung sinong romantiko tapos ngaun, daig mo pang naglilihing ewan! No wonder mahirap maniwala sa mga sinasabi mo your such a moody person, hot and cold and."




"get in bago pa kita buhatin pabalik ng bahay ko! At sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Hanson!"




Inis na binuksan ni Joanna ang pinto ng kotse ng binata at pabalibag niya iyong isinara. Matapos ilagay ang seat belt at nakahalukipkip siyang tumingin sa labas ng bintana.




" your impossible!"bulong niya.




"I'm not! By the way did you know that your fiancé is in Manila? And according to my source Miss Lucy is there also, what a coincidence right?"




"hindi ko alam na may pagka tsimoso ka pala, to spread those gossip, and as far as I know they're business partners so walang masama if ever magkasama sila in one place."



"really, ganoon ba kalaki ang tiwala mo sa kanya? What a lucky man, sana hindi masayang ang tiwala mo sa kanya."




"can you just focus on driving huwag 'yungsa buhay ng ibang tao."



"alright, wag mo lang sana isipin na minsan nagpaalala din ako."



Namagitan ang minutong katahimikan sa pagitan ng dalawa hanggang marating nila ang Airport, tahimik na bumaba si Trevor at pinagbuksan siya ng pinto bago nito ibinaba ang kanyang maleta. Hindi maiwasan ni Joanna ang mapatingin sa binata na naka itim na salamin na alam din naman niyang nakatitig sa kanya.




Born To Be Yours (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon