Chapter 11

271 11 1
                                    

*hachuuuu*

[A/N: NAG-SNEEZE SI TAYLOR WAG ANO. HAHAHAHAHA.]

"Pez, pahawak naman nitong ice cream." Pinahawak ko kay Perrie yung ice cream na kinakain ko habang nagmo-movie marathon.

"El, pakuha naman ng tissue." Utos ko kay Eleanor. Paanong hindi ako magkakasakit kung nagpakabasa ako sa ulan kanina. Siningahan ko na yung tissue. Ubo, sipon, lagnat, lahat na ng virus na sa'kin na!

*sniff sniff*

"Oh Sophia. May sipon ka na din?" Tanong ko habang kumakain ng ice cream. See, i'm not alone. I have all my friends sitting beside me.

"Hindi. Nakakaiyak kasi. Mahal na mahal talaga ni Jack si Rose. Masakit kasi sa damdamin na hindi ko nararamdaman yan Liam. Huhuhuhu." Kahit anong landi mo, may sisira at sisira sa relasyon niyo. Ay! Ako pala ang sumira. Di ko na dapat nilandi pa si Harry.

Eleanor's POV:

Naks! May POV ako dito? Maraming tenchu sayo author. ^_^v

Napansin kong natulala si Taylor pagkatapos nung sinabi ni Sophia. Nakita ko kung gaano siya nalungkot sa mga nangyari sa Cafeteria.

"Hoy, iniisip mo na naman ba yung nangyari kanina?" Tanong ko sakanya.

"Uhmm. Ano..... uhm."

Taylor's POV:

"Uhmm. Ano..... Uhm." Walang lumalabas na mga salita mula sa bibig ko. Gustong-gusto kong sabihin na OO, NASKTAN AKO MASYADO SA MGA SINABI NI KENDALL AT SA MGA NALAMAN KO.

"Taylor, we gotta go na. Pupunta pa kami sa party ni Niall eh. Are you sure you're okay?" Sh*t! Oo nga pala. Birthday nga pala ni Niall ngayon! Sh*t! Nag- pramis pa naman ako na  pupunta ako.

"Wait girls! Sasama ako." Lalabas na sana sila nung sinabi ko yun.

"Are you sure? Kaya mo na ba? Di mo......" Pagpigil ni Perrie sa'kin.

"Yes. I'm sure. I'm okay." Tumayo na 'ko pero di pa rin talaga ako okay. Hilong-hilo pa rin talaga ako at barado pa ang ilong.

Nagpunta ako sa kwarto ko at nakita ko yung sinuot ko nung photoshoot. Pakalat kalat lang siya sa lapag. Sinuot ko yun at inayos ko yung buhok ko at naglagay ng red lipstick. Paglabas ko ng kwarto natulala silang lahat.

"You look so hot." Puri ni Sophia sa'kin.

"Matagal na Sophia. Tara na. HAHAHAHAHA." Gusto ko lang magpakasaya ngayon at  kalimutan ang nangyari kanina.

May kotse kami na pagmamay-ari naming apat. At dahil mayaman si Eleanor siya ang gumastos sa lahat ng nasa labas at loob ng kotse na ito. Magkatabi kami ni Eleanor sa harap at si Perrie at Sophia naman sa likod.

"You know what Taylor? Kailangan mo talagang magpakasaya ngayong gabi." Sabi ni El.

"Yes girl. Kalimutan mo ang mga nangyari ngayong araw. Kalimutan mo na din na may sakit ka. Pati pangalan mo kalimutan mo na!" Sabi ni Sophia.

"Pero wag mo kaming kakalimutan! Yan tayo ehh!" Sabi ni Perrie.

"Kayo pa ba? Woooh!" Sabi ko. Malapit na siguro kami.

Hays. Sana nga makalimutan ko lahat ng nangyari ngayon. Kaya ko ba talaga? Bakit hindi pa tumatawag si Harry para ipa-liwanag ang lahat?

Ayokong sabayan ng inis o galit tong sakit ko. Baka lumala pa. Sumusunod lang ang mata ko sa mga kotase na nauuna sa'min. Naka-sandal lang ako. Medyo inaantok na pero keri lang.

"Tay, sure ka bang okay ka lang? Di ka naman kasi nagte-take ng gamot mo eh." Tama si El. Kapag nagkakasakit ako di ako umiinom ng gamot o kung ano mang magpapagaling sa'kin kasi ayokong gumaling agad. Yan lagi ang dahilan kung bakit ako laging absent nung Elementary. Pero ngayong college na hindi ko na pwedeng gawin yan.

Ano pa ang mukhang maihaharap ko bukas? Napahiya na 'ko sa maraming tao. Alam na nila na mang-aagaw ako ngboyfriend. Pero,  bakit ko naman inagaw si Harry kay Kendall? Meron ba silang past o kung ano?

Kailangan ko munang malaman kung anong storya kung bakit ako naging BOYFRIEND STEALER kuno. Pero, di ko kaya na kausapin si Harry. Masyado akong nasaktan sa nangyari.

Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko di ko na namalayan na nandito na kami. Kaya ko ba talaga? Ang sama ng pakiramdam ko. Pero anyway, pumasok kami sa madilim at crowded na parang bar but it's not.

Jusko. Ganito ba talaga karami ang kaibigan ni Niall? Ito ba yung mga taong natulungan niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sideline?

"Tay, tara! Upo tayo dun." Tinuro ni Sophia yung sofa naparang naka-reserve talaga sa'min kasi walang naka-upo. Sa tapat ng sofa namin may isa pang sofa. Umupo na kami dun tapos si Niall nasa likod pala namin hindi nagsasalita. Umupo siya sa tapat ng inupuan naming sofa.

"Oh hi girls. Taylor, HAHAHAHA. Regalo ko? Wala kang dala? Sige. Kiss na lang." Tapos tinuro niya yung cheeks niya. May tama na siguro toh.

"Hoy Niall! Wag ka nga. Baka kasuhan kita ng Sexual Harassment!" Halos magsigawan na kami dito sa sobrang ingay.

"OA mo! Girls, una na 'ko. Magtawag nalang kayo ng waiter kung gusto niyo ng drinks. I'll be back later." Binitbit ni Niall yung beer niya papunta sa dance floor tapos nakipagsayaw sa iba't ibang babae.

Tinitignan  ko lang na magpakasaya yung mga kaibigan ko habang ako eto, pinagnanasahan yung mga hot na guy na dumadaan.

Wala akong magawa dito. Napagdesisyonan kong pumunta sa counter. Gusto ko lang pumunta dito.

"Isang beer please, kuyang bartender." Ayokong ipakita sa mga kaibigan ko na may sakit na nga umiinom pa. Biglang may lalaking umupo sa upuan na katabi ko. Dahil naka focus nga ako sa iniinom ko hindi ko tinitignan yung lalaki.

"Beer." Napaharap ako dun sa lalaki. At hindi lang siya basta basta lalaki o kung ano man. SI HARRY!

Nakatingin lang ako sakanya at naaalala ko yung mga nangyari kanina. Lahat ng gusto kong makalimutan ay hindi ko magawang kalimutan!

Blank Space (Haylor Tagalog FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon