Napatingin sa'kin si Harry. Nakita ko kung gaano din kalungkot yung mata niya nung nakita niya ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya. Gusto ko siyang sigawan! Binitawan niya yung beer niya at nilapag sa counter. Nakatingin siya sa sahig at paramg may guilt na namamayagpag sa katawan niya.
"Taylor, look...." Natigil siya sa pagsasalita nung may um-extra.
"Oh hi guys. Magkasama na naman pala kayo? Ano? Sasaktan niyo na naman ang damdamin ko? Ano Taylor? Mang-aagaw ka na nanaman?" May bukol yung pisngi ni Kendall dahil ata sa sapak ko. Lumapit si Kendall kay Harry. Hinarap ni Kendall yung mukha ni Harry sakanya tapos hinalikan niya si Harry sa labi. Hindi pinigilan ni Harry si Kendall. Wala siyang ginawa. Bakit ba nila ako ginaganito? Ano bang kasalanan ko? Hindi ko alam kung anong storya at ginaganto nila ako. AYOKO NA!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa sofa kung nasaan sila Perrie. Gusto ko ng umuwi. AYOKO NA TALAGA!
"El, uuwi na ko." Pero paano ako makakauwi? Ang sakit ng ulo ko.
"Tay, ihahatid na kita. El, pahiram ng susi." Sa lahat ng bestfriend ko si Perrie ang pinaka-thoughtful. Nababasa niya sa mata ko kung may problema ako. Dinukot ni El yung susi sa bulsa ng pants niya tapos binigay kay Perrie. Pagkaabot ni El kay Perrie yung susi ay tumayo na siya. Lumabas na 'ko rapos sila nagbabatian pa. Paglabas ko nakatayo si Harry sa labas. Nakatayo lang siya tapos ang lalim ng iniisip.
Lahat ng nangyari ngayon ay biglang lumitaw sa isipan ko tapos napaiyak ako. Nakita ako ni Harry tapos lumapit siya sa'kin. Tinitigan niya muna ako tapos niyakap niya ko. Gusto ko siyang sigawan! GUSTO KO SIYANG SUMBATAN! GUSTO KO SIYANG SAPAKIN!
"Baby, i missed you." Sinapak sapak ko siya pero di niya pa rin ako binibitiwan sa pagkakayakap niya sa'kin.
"WHY'D YOU DO THAT?!? TELL ME! YOU KNOW THAT IT'LL HURT ME ALOT! WHY?!? WHY ME HARRY?!?" Finally. Naisigaw ko na ang dapat kong isigaw. Naitanong ko na ang dapat kong itanong. Basang basa na ng luha yung mukha ko.
"I don't know, baby." I pulled all my power to push him. Nakawala na ko sa pagkakayakap niya. Nagsimula na ring tumulo yung luha niya. Dinuro-duro ko siya pero wala akong masabi.
May humawak sa braso ko mula sa likod tapos dinala ako sa kotse.
"Uy. Ikaw pala Perrie." Nakatawa kong puna sakanya habang umiiyak. Siya na yung nagbukas ng pinto ng kotse para sa'kin.
"I know, Tay. Alam ko yang nararamdaman mo ngayon. Alam ko. Sa tingin ko kailangan niyo ng closure. Kailangan niyo pareho ng space. Time para mag-isip kung ipapatuloy niyo pa yang relasyon niyo." Perrie is such a good friend. Sa tingin ko tama siya. Mapagkakatiwalaan talaga siya.
"Thanks Perrie." I just don't know what to do. I just wanna cry for weeks? months?
"Alam mo Taylor, Sinasayang mo lang yang luha mo. Iyakan mo nalang siya kapag alam mo ng desrve niya yang tubig sa mata mo!" Ang galing niyang mag-payo samantalang siya yung may pinakamagandang relationship saming apat.
"Hindi ako umiiyak! Nagpapawis lang tong mata ko." Tina-try ko namang mag-joke pero hindi talaga. Tumutulo pa rin yung luha sa mata ko.
Hindi ko talaga alam kung anobg gagawin. Hayyy. Gusto kong matulog muna kahit saglit. Gusto kong magpahinga sa hirap na dinadanas ko. Habang tumatagal ang biyahe papunta sa condo ko mas lalo akong ginaginaw at mas lalong umiinit ang katawan ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Ang sakit na ng puso ko, ang sakit pa ng ulo ko.
Ganto ba talaga ka-hard ang mundo sa'kin? Kung kailan ang sakit-sakit na ay mas lalo pa kong sinasaktan. Hindi ka naman ata talaga galit sa'kin? Ha? Mundo? Sobrang sakit talaga. Ayoko na. Luha ako ng luha. Deserve niya ba ang luha ko? MAHAL NA MAHAL KO KASI SIYA! Bakit kailangang mangyari toh? Pinalo palo ko yung bintana. Nakalimutan kong nandito pala si Perrie. Ang tanga tanga ko talaga. Nakatingin si Perrie sa katangahang ginagawa ko.
"ANG TANGA KO. NANDYAN KA PALA. SORRY." Tinigil ko na ang pagpalo sa bintana at umayos ng upo. Tumulo yung luha ko hanggang sa labi kaya pinunasan ko. Wala na akong pake kung kumalat o hindi yung lipstick ko. Basta ang alam ko, ayoko ng mabuhay! Napakasakit na ng ginagawa ng mundo sa'kin. Masyado ng naaapektuhan ang buhay ko dahil sa LOVE na yan!
"Taylor, hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Pati kami! Nasasaktan kami kapag malungkot ka. Minsan nga, gusto na naming sapakin si Harry dahil sa kagaguhan niyang yan. Taylor naman!!! Kailangan mo ng panahon para mag-isip. Hindi yung puro iyak ka nalang. Nandito na tayo." Dahil sa katangahan ko, bindi ko na namalayan na nandito na kami.
"Akalain mo yun, nandito na pala tayo!" Binuksan ko na yung pinto tapos pagbaba ko natumba ako. Nakalahati ko din kasi yung beer kaya medyo lasing. Napatakbo naman si Perrie sa'kin tapos tutulungan na niya sana akong tumayo pero tumanggi ako.
"Okay ako. Okay na okay." Humawak ako sa sasakyan tapos tumayo. Nagka-gasgas yung binti ko tapos ang hapdi. Naglakad ako papunta sa kaliwa.
"Taylor dito! San ka pupunta?" Hays. Ang tanga tanga ko talaga! Nanlalabo na yung mata ko dahil sa mga luha ko. Bumalik naman ako papunta sa tinuturo ni Perrie. Hinawakan niya ko sa likod tapos nagelevator pataas sa condo ko.

BINABASA MO ANG
Blank Space (Haylor Tagalog FF)
Roman d'amourSometimes, you meet someone and before you know their name, before you know where they're from. You know that sometime in the future, this person is going to mean something to you. I have found both freedom and safety in my madness; the freedom of l...