Chapter 14

229 11 1
                                    

"Tay." Nagulat ako sa tawag ni Perrie. Nandito kami ngayon sa may fast food chain. Tinawagan ko sila na pumunta dito kasi di ako makakapasok dun ng walang kasama. Masyado na kong hiyang hiya sa sarili ko.

"Kaya ko bang pumasok? Makakapasok ba ko?" Nagtinginan silang tatlo. Hays. Gusto ko munang  magbakasyon. Ayoko munang pumasok. Kahit 3 araw lang.

"Taylor, wala si Kendall at Harry ngayon." Sabi ni Sophia. At bakit pareho silang wala? Nevermind wala naman akong pake.

"Uuwi nalang siguro ako. Mga tatlong araw akong mawawala. Di ko pa kasi kaya eh." Tumayo na 'ko sa kinatatayuan ko. Paalis na sana ako nung hinawakan ako ni Perrie.

"Mawawala din yan. Eh ano naman kung nag-break kayo diba? Sige. Hahayaan ka muna naming mapag-isa. Tawagan mo lang kami kung may kailangan ka." Tapos ngumiti siya sa'kin.

Tumungo lang ako tapos umalis na. Maglalakad lang muna ako siguro ngayon. Tumulo na naman ang luha ko. Di pa ko nakakalayo sa fast food chain grabe na yung luha ko. Nakito ko yung store ng Donut na pinagbilhan namin ni Harry dati. Di ko mapigilang lumuha. At kasunod nun yung eskinita na kung saan hinalikan ako ni Harry.

Lumapit ako sa eskinita na yun at nakita ko si Harry at Kendall. Yung kamay ni Harry ay nakapasok sa loob ng blouse ni Kendall. They're kiss is so deep. Deeper than our kiss. Hinawakan ni Kendall yung crotch ni Harry habang ako eto mamamatay na.

Napaluhod ako sa sobrang sakit. Napalingon si Harry sa'kin at wala man lang ginawa. Nakatitig lang siya sa'kin at tinuloy ang paghahalikan nila ni Kendall. Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"PAGSISISIHAN NIYO YANG GINAGAWA NIYO! MAGSISISI KAYO HANGGANG HINDI NA KAYO MAKALABAS NG BAHAY NIYO!" Natigil sila sa paghahalikan at nagsalita si Kendall.

"Patawa ka talaga." Tapos tumawa siya. Tumakbo na 'ko papalayo at nag-taxi pauwi. Hindi ko na talaga kaya! Ang sakit sakit na! Ano bang nagawa ko? Ayoko na talaga!

Ayoko na talaga! Masyado na nila akong pinahihirapan! Ayoko na talaga.

*kringggg*

Kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko at sinagot yung tawag.

"Hello?"

"Hey Taylor."

"Oh Perrie, ikaw pala." Basang-basa na yung mukha ko ng luha ayoko na neto.

"Okay ka lang ba?"

"Oo Perrie. Sobrang okay Perrie. Sa sobrang okay ko Perrie naiiyak na lang ako. Bye muna Perrie ha?"

AYOKO NA! AYOKO NA! DI NA KO MASAYA SA BUHAY KO! LAHAT NG MAHAL KO SA BUHAY NAWAWALA!

"Ma'am andito na tayo." Binayaran ko si Manong tapos bumaba na 'ko. Tumakbo ako papunta sa condo ko.

"Mag-handa kayo sa gagawin ko." Binulong ko yan sa sarili ko. Di na 'ko magpapaloko sa kahit sino. Mag-handa sila. Gagawin ko ang lahat makapag-higanti lang. Pero masakit pa rin talaga! Ang dami na nilang kasalanang ginawa!

Nakarating na ko sa condo ko. Nagpalit ako ng damit at humiga kama ko. Siguro nga di ko pa kayang maghiganti. MAHINA AKO! INIIYAK KO LANG LAHAT NG SAKIT! KAILANGAN KONG LUMABAN!

Itutulog ko nalang toh. Baka sakaling mabawasan ang sakit ayoko na talaga.

----------

Sorry. Mabagal ang update bc school. HAHA. :)

Blank Space (Haylor Tagalog FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon