Chapter 2

1.9K 33 0
                                    

Kinabukasan ay pinapasok agad ako sa trabaho dahil urgent ang lakad ng papalit saakin. Binigay na rin sakin yung address ng bahay kaya ang gagawin ko nalang ay hanapin ang lugar na ito.

Medyo hindi ako nahirapan hanapin yung bahay dahil naka subdivision naman ito at alam ni manong guard kung saan ito. Nag lalakad ako sa gilid ng kalsada nang makakita ako ng malaking bahay na tumugma sa address na binigay sakin. Seryoso? Ang laki naman baka siguro mayaman yung may ari.

Nag doorbell ako at nag hintay ng ilang minuto para may mag bukas ng gate. Ilang minutong pag hihintay at mabuting may nag bukas nito. Isa sa mga guard ng bahay nito.

"Uhmm.. para po sa papalit na katulong" sabi ko dahilan para papasukin ako nito.

"Oh? Siguradong ikaw?" Tanong nito.

"Opo" tipid kong sagot. Bat mukha bang hindi? Nakita ko sakanya na tumingin pa ito sa kanan at napa takip ng bibig

"Napaka gandang dilag" bulong nito.

"Po?"

"Ah w-wala sige na pumasok ka na" nang pinapasok na ko nito ay nag tungo na ko sa front door. Hindi kakapalan ang pag pasok ko pero natatakot pa akong dumiretsyo dito.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ng dahan dahan ang pinto. Dahan dahan din akong pumasok at tumingin sa paligid.

"Uhmm.. hello? Tao po" napag pasyahan kong pumasok na dito at tumayo sa likod ng pinto. Hmm. Infairness malaki rin itong bahay na to ha. "Uhmm. Nandito na po yung papalit" sabi ko upang marinig nila ako kaso wala pa ring nag reresponse kaya napag decision kong hanapin ang mga taong nag sisilbi dito.

Sinimulan kong maglakad papuntang pool at tinignan ang paligid ngunit wala sila, pinag masdan ko muna ang paligid at napakatahimik dito. Bumugtong hininga muna ako sanadali at naisipan nang bumalik sa front door. Hindi ko akalain na nakakarelax pala dito, Pabalik na sana ako ng may lumapit sakin na ale.

"Naku naku pasensya na at ngayon lang kita nakita jusko po marimar halika na dito dali"

"O-ok lang po" hinawakan ako nito kamay at dali dali akong dinala sa maid room. Tatlo kaming nandito at yung isa naman ay na meet ko na para sa pansamantalang palitan.

"Ako ngayon ang papalitan mo kasi may anak ako sa probinsya na nag kasakit at kailangan ako dun"

"Ahhh yun pala ang reason"

"Pero sa ngayon dito muna ako at tuturuan kita sa mga bagay na hindi mo alam at kinabukasan eh aalis na ako. Ok ba yun nak?" Pagpapaliwanag nya.

"Ok na ok po sakin. Oww myles venturo nga po pala" pag papakilala ko sa kanila.

"Hmmmm. Napaka ganda mo naman ija. Osya tawagin mo nalang akong nanay" sabi nito habang naka ngiti.

"Sige po nay" sagot ko at binigyan ng magandang ngiti.

"Nay, sigurado ka po bang sya yung papalit sayo pansamantala?" Tanong nang isa naming kasama

"Oo nak, bakit?" Lumapit ito saamin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nang matapos nya akong tignan ay nilagay ang kanyang kamay sa bewang nya.

"Hindi halata ghorl"

"Sshh. Wag ka na mainggit parehas kayo maganda"

"Awww, kaya the best ka nay eh" sabi nito at nag puppy eyes.

"Oo nga po pala, sino po ang amo?" Tanong ko.

"Si sir Calvin na kasalukuyang nasa america kaya ang anak nya lang muna ang naririto"

"Ganun po ba"

"Mamaya ipapakilala kita sa kanya at sasabihing ikaw na muna ang papalit saakin pero sa ngayon kailangan na kitang iguide dito if incase na hindi mo alam"

"Sige po nay"

Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay nalaman ko rin kung anong gagawin at kung ano ano ang mga proper ways sa paggamit ng mga bagay dito sa bahay. Nasa sala ako ng hindi ko namalayang mag gagabi na.

"Uhmmm nay, anong oras po dadating yung amo?" Tanong ko.

"Malapit na yun, hintayin nalang natin ang pag uwi nya" sabi nya habang naka ngiti. Tumango lamang ako bilang sagot na oo, mga ilang sandaling paghihintay ay may pumasok na sasakyan.

"Sya na yun" sabi ni nanay kaya agad kaming nag tungo sa front door at para hintayin ang pagpasok nya.

Nang makapasok siya dito ay agad nyang hinubad ang suot nyang glazer at ibinigay kay nanay.

"Maligayang pag babalik nak. Kumusta ang araw mo?" Tanong ni nanay.

"Hmm, mabuti naman po nay" wow, sa tingin ko mabait naman tong magiging amo ko.

"Syanga pala ito muna ang papalit sakin pansamantala" sabi nya at itinuro na ko.

"Goodevening sir" pag kumusta ko.

"Hmm i see, nice to meet you. By the way i have to rest now nay mamaya na po ako kakain"

"Osige nak. Pag hahain nalang kita mamaya"

"I'll call you later then" sabi nito at umalis na sa harap namin. Nang makaayat na ito papuntang kwarto nya ay tska ko kinausap si nanay.

"Uhmm, nay. Sa tingin ko mabait naman po sya, ano po bang pangalan nya at tsaka anong personality na meron sya?" Tanong ko.

"Ay sya, sya si Zayn Jacksovich. Hindi pa sya pinapanganak eh nag sisilbi na ako dito. Purong amerikana ang mama nya kaya dun sila tumitira at madalang lang sila dito. Mabait si zayn sa mga taong mabait sakanya. Maasahan mo sa lahat ng bagay"

"Hmmm ganun po ba, pero satingin ko marunong din sya mag tagalog"

"Half filipino kasi papa nya tska nakasama ko na rin sya ng isang taon dito"

"Ahhh sige po"

"Kaso sa tingin ko may tinatago itong problema eh hindi lang sya nag sasabi"

Hindi ko alam pero kung ano man yun si mama ang bibigyan ko ng buong pansin at trabaho lamang ito. Kailangan kong kumita ng pera.

Mga ilang minutong pag dating ng amo ko ay napag pasyahan ko nang umuwi na rin dahil inaantay na ako ng mama ko.

"Aalis na po ako nay, ingat po kayo sa byahe bukas" sabi ko.

"Osige anak, mag papakabait ka dito kung ayaw mo magalit sayo ang amo mo lagi mo syang susundin ha"

"Makakaasa po kayo nay"

"Osige paalam na anak eh magkita nalang tayo sa susunod kapag ok na anak ko"

"Sige po. Paalam po" nang makapag paalam na ako ay deretsyo uwi na ko para makapag pahinga na.

Nang makauwi na ako ay nadatnan kong nakaupo si mama sa sa harap ng lamesa at akmang inaantay ako nito.

"Saan ka galing anak?" Mahinahong tanong nito at kinakabahan ako sa pwedeng sabihin nito.

"Uhm, inasikaso ko lang po yung research ko ma" pag papalusot ko.

"Ganun ba, kumain ka na ba?" Tanomg nya muli

"H-hindi pa po"

"Kumain ka na. Naipag luto na kita"

"Maraming salamat po ma"

"Osige na mag papahinga na ako at pagod na ako. Ikaw na muna bahala jan ha"

"Sige po ma. Pahinga na po kayo" nang matapos kong kausapin si mama ay naupo na rin ako para ikalma ang sarili.

Gagawin ko ito para sakanya. Mahirap na, walang kasiguraduhan na baka dumating yung araw na kinaaayawan ko. Mahirap man ang sitwasyon namin ngayon ngunit kailangan kong lumaban para sa aming dalawa.

Pain & Pleasure 1: Zayn Jacksovich (COMPLETED)Where stories live. Discover now