Chapter 22

981 16 0
                                    

Myles P.O.V

Matapos ang ilang araw namin dito sa boracay at finally makakauwi na rin ako at excited akong umuwi dahil gustong gusto ko na makita si mama. Miss ko na sya eh. Hihi

5pm nang umalis kami sa boracay dahil ang flight arrival namin papuntang manila is 1 hour so around 6pm nasa manila na ako and i guess 7pm ay nasa bahay na ko.

--

Ilang oras lamang at nakalapag na ang eroplano sa manila. Exact 6:23 nang sumakay kami sa sasakyan. Si Zayn ang nag mamaneho ngayon at nasa tabi nya naman ako. Medyo nakaramdam ako ng konting pagod dahil sa byahe. Tinignan ko ang orasan at malapit na mag 7pm nang tanungin ko si zayn.

"Anong araw na ngayon?" Tanong kong matamlay at naka tingin sa relo.

"It's September 5 baby" 5..? Agad akong napatingin Sa cellphone para siguraduhin ang araw.

"5? Bakit hindi ko napansin yung araw??" Sabi ko na parang hindi alam ang gagawin.

"Dalhin mo ko sa intramuros ngayon" pag mamadali ko sakanya.

"W-wait..What is going on?" Tanong nya.

"Basta zayn dalhin mo ko sa intramuros. ngayon na!" sigaw ko at dinala agad ako sa lugar.

Binilisan nya pag takbo sa sasakyan at nag tungo sa Plaza Mariones kung saan ang antayan namin.

Nang makababa ako ng sasakyan agad akong tumakbo at pumunta ng plaza. Hindi gaano karami ang taong nandidito  pero sinikap ko pa rin syang hanapin. Binuksan ko ang messenger ko at makikita ko dito ang tadtad nyang message kaya agad akSinubukan ko syang tawagan ngunit hindi nya ito sinasagot.

Sa sobrang kaba ay inikot ko ang plaza kung sulok sulukan ko man sya hahanapin gagawin ko makita ko lamang sya.

Kaliwat kanan ang paghahanap ko nang makita ko syang nakatayo sa gilid ng fountain. Naka suot ito ng itim na jacket, black pants at white short. Pinag mamasdan ko lamang ito at napag desisyunan kong lumapit sakanya. Dahan dahan akong lumapit sakanya at tinawag.

"Harold.." mahinang tawag ko ngunit hindi nya ako tinitignan.

"Harold" sa pangalawang pag kakataon muli ay tinawag ko sya at sa wakas. Dahan dahan syang humarap sakin.

"I'm sorry" pag hihingal ko, "sorry at late na ko nakarating-"

"I awaited you here in 3 hours" singit nya. Agad akong napapikit ng ilang beses at inalis at tingin sakanya para kumalma.

"I-im sorry galing pa kasi akong boracay at nag-"

"Sino kasama mo?" At napabuntong hininga na lang ako.

"Zayn.."

"Alam mo... Simula nung dumating yang boyfriend mo. You no longer have time for me" agad akong humawak sa kanyang bisig at kinulit ito para patawarin ako.

"Babawi ako harold, pangako. Please Patawarin mo ako" agad syang napakunot ng makita nya ang singsing ko sa daliri habang hawak hawak ko ang braso nya.

"W-what is this? I know you didn't have that before"

"A-ahmm.. it's... It's engagement ring" makikita ko sa kanya ang blangko nitong emosyon nang malaman nyang engage na ko.

"What?"

"Engaged na ko kay zayn" aniya na hindi nakatingin sakanya. Inalis nya ang pag kakahawak ko sakanya at makikita ko ang lungkot nitong ekspresyon.

"Engaged ha. Well, i have nothing to say but congrats" at natahimik lang ako. "It's really my plan today to confess that i love you... not as a friend but more than that, but i was too late haha"

"A-anong ibig mong sabihin"

"Matagal na kitang gusto.. at akala ko hindi pa huli ang lahat but i was wrong"

"Harold..."

"Nah" at pinalit nya ang lungkot nya sa ngiti "wala na akong ibang hihilingin pa kundi maging masaya ka sa iba. I'm so really happy for you" makikita ko sa kanyang mata ang luha kahit pinipigil pa nito na wag maluha. bigla ako nakaramdam ng dissapointment sa ginawa ko. Mahal ko si zayn at mahal ko din si harold bilang isang kaibigan. Wala naman akong ginawang masama kundi ang mag mahal lang. Pero bakit ako nakakaramdam ng sakit?

"Sige na, hinihintay ka na ng magiging asawa mo. Mauuna na ko. Ingat ka" aniya at umalis na sya sa harapan ko. Hindi na ako nakapag salita pa kundi ang umayak nalang. Ilang sandali pa lamang ay lumapit si zayn sakin mula sa likod at dinamayan ako. Hindi ko na kinaya pa at napayakap ako ng mahigpit sa kanya.

--

Nasa sasakyan na kami ni zayn at pauwi na kami. Hindi ko pa rin lubos maisip ang mga sinabi ni harold. He.. loves me? Back when? Ugh, hindi ko man lang din sya nabati. Ang swerte ko naman ngayong araw! Haysst

"S-sorry about what happened" pag pasensya ni zayn.

"Wala ka dapat ika sorry, ako ang may kasalanan, ako ang nakalimot"

"Sorry.. i just wanted to make you happy-" at napahawak nalang ako sa ulo ko.

"Zayn.. please, Stop. I need a piece of mind" aniya ko ng mahinahon.

"Ok.." at napalunok nalang sya habang bumabyahe.

Nakaupo lang ako at naka dungaw sa bintana nang may nag call sa phone ni zayn. Hindi ko alam kung sino yun at hindi ko lang ito pinapansin.

"Baby, can you answer the call? It's your mother's doctor" sabi nya kaya agad kong sinagot ang tawag na nasa pagitan lang naming dalawa.

"Hello" tawag ko.

"

Is this one of the relative of Mrs. Venturo, can i talk to mr. Zayn?" Aniya.

"Ako po yung anak, bakit po?" Tanong ko na may pagtataka. Bumugtong hininga muna ito bago ito mag salita. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit.

"Nasa hospital po ang inyong ina"

"H-ha? Bakit? anong nangyare?" Ilang tanong ko at dito na nagsimula ang pangangamba ko.

"Hey what's wrong?" Zayn ask.

"I'm sorry Ms. Venturo but your mother has passed away. We did our best pero hindi na kinaya" agad akong napaghinaan ng loob sa nalaman kong wala na aking ina. Para akong binagsakan ng langit at lupa at hindi ko alam kung anong ekspresyon ang aking idadama. Sunod sunod na bumagsak ang luha ko at napatakip nalang bibig ko.

"Hihintayin ko ang inyong pagpunta. Im very sorry Ms. Venturo" hindi na ako nakapag salita pa at binaba nalang ang tawag.

"Hey, what's wrong!?" Paulit ulit na tanong nito.

"Take me to the hospital" aniya at agad kaming nag tungo ruon.

Pain & Pleasure 1: Zayn Jacksovich (COMPLETED)Where stories live. Discover now