"HAPPY BIRTHDAY, Mak!" masayang sigaw ng mga kaibigan niya, then, they raise up their wine glasses.
"Cheers!" ani Makaio.
Lumapit sa kanya ang mga magulang at ang kapatid na babae.
"Happy birthday, anak," bati ni Myca sa anak.
"Thanks Mom," nakangiting sagot niya, saka niyakap ang ina.
"Are you having fun?" tanong naman sa kanya ng Daddy niya.
"Yes Dad, very much. Thank you," sagot niya, saka niyakap din ito.
"Sayang naman, Kuya! Sana nagpa-party ka na gaya ng suggestion ni Mommy," ani Karin.
"Hindi na, okay na ako sa simpleng celebration. I only want my real friends to come," sagot ni Makaio.
It's Makaio's twenty first birthday, kumbaga, debut. His parents originally wanted a big party, pero siya mismo ang tumanggi. Hindi siya komportable sa mga malalaking parties, he hates formal occasions. He hates wearing neckties, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Pinalaki silang magkapatid na simple ang kanilang mga magulang sa kabila ng karangyaan sa buhay. They taught them how to be humble, at dala nila iyon hanggang sa magdalaga at magbinata silang dalawa ni Karin. Gayundin ang mga kaibigan niyang naroon sa birthday party.
"Enjoy the party with friends," nakangiting sabi ni Ken sa anak.
"I surely will," sagot ni Makaio.
"And do not drink too much, baka porke't niregaluhan ka ng Black Label ng Ninong Justin mo, dumale ka ng inom," paalala ng ina.
Umakbay si Makaio kay Myca. "Mommy, malaki na ako, kaya ko ng sarili ko. Saka kilala mo ako, I only drink occasionally," sagot niya.
"Oo nga naman, Mommy. Minsan lang naman kami uminom," sabat ni Karin.
Biglang humarap si Makaio sa kapatid, sabay pitik sa noo nito.
"Aray naman, Kuya!" daing nito.
"Anong kami, ha? Tumahimik ka! Huwag mong isali sarili mo, hanggang champagne ka lang," saway niya sa kapatid.
"Nakakainis, tikim lang naman," pagmamaktol ni Karin.
"Hindi nga puwede!"
"Sabi ko nga."
Napailing si Makaio, saka muling tumingin sa mga magulang ng magsalita ang kanilang ina.
"By the way, ang sabi ng Tita Nancy ninyo, Nadia's back in Manila."
"Really Mom? Loka 'yon ah, walang binabanggit sa chat kapag nag-uusap kami! Bakit hindi daw po sumama?" sabi naman ni Karin. Ang Nadia na tinutukoy ni Myca ay ang bunsong anak ni Justin at Nancy Chua, ang nagma-may-ari ng Skyland Hotel.
"Pagod daw sa biyahe," sagot ni Myca.
"Oh, the spoiled brat Princess will be back," sabad ni Makaio.
"Ano ka ba, Kuya?! Mabait siya," pagtatanggol ng kapatid sa kaibigan.
"Yeah, yeah," tila nabo-bored na sagot niya.
"Kaya ko nabanggit sa inyo para naman i-welcome n'yo siya ng maayos. Matagal siyang nawala dito sa Pilipinas, kailangan n'ya ng tulong n'yo para makapag-adjust ng maayos," ani Myca.
"Kami po ang bahala," sagot ni Karin.
"Balik na muna ako ulit doon, Mom, Dad," paalam niya.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...