HALOS magiba ni Makaio ang pinto pagbukas niya pagdating sa ospital. Bumagsak ang luha niya ng makitang nakaratay sa kama si Prue, puno ng sugat ang mukha, braso at hita nito. May benda ito sa noo, habang may nakakabit na dextrose sa kamay nito. Nang makarating sa kanya ang balita na na-aksidente si Bong at Prue, hiniling niya na sana'y walang totoo sa mga nangyari, o kaya naman ay nagkamali lang ang tumawag sa kanila. Pero pagpasok niya sa silid na iyon, tumambad sa kanya ang masakit na katotohanan. Umiiyak na yumakap sa kanya ang Mama ni Prue.
"Makaio, anak, si Prue, baka kung anong mangyari sa kanya," humahagulgol na sabi nito.
Kahit mahirap ay ngumiti siya sa ginang. "Huwag po kayong mag-alala, alam n'yo naman po na matapang si Prue. Makakaligtas po siya," pagpapalakas niya ng loob dito.
Matapos iyon ay hinarap na niya ang dalaga. Naupo siya sa bakanteng silya sa gilid ng kama nito saka hinawakan ito sa kamay. Marahan niyang hinalikan ang likod ng palad nito, saka dinala sa kanyang pisngi.
"Hey, wake up. Nandito na ako," garalgal ang boses na sabi niya.
"Prue, nangako ka noon na kahit anong mangyari. We will always be bestfriend, walang iwanan. Partners in crime, sanggang dikit tayo palagi, di ba? We've been together for most of our lives, so, you should stick with me, hanggang sa tumanda tayo. Ako man ang piliin mo o hindi, wala akong pakialam..."
Sa pagkakataon na ito ay tuluyan na siyang nag-breakdown.
"Kahit hindi ako ang mahalin mo, okay lang. Basta, mabuhay ka lang," sabi niya.
Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon, at pumasok doon sa silid si Bong. Malayo sa kinahinatnan ni Prue, kaunting galos, may benta sa noo at bugbog sa katawan lang ang inabot ni Bong mula sa aksidente. Ayon sa daddy niya na siya mismong tumingin sa dalawa. Hindi daw nakasuot ng seatbelt si Prue, pasalamat na
lang sila sa airbags ng kotse, kung hindi ay baka kinamatay daw ng dalaga ang aksidente. Si Bong naman ay nailigtas ng seatbelt na suot nito at front airbags, kaya minor injuries lang ang inabot nito. Nagulat sila nang bigla itong sugurin ng galit na galit na Mama ni Prue, sabay sampal ng malakas sa pisngi nito.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang anak ko!" galit na sumbat nito.
"Patawarin po ninyo ako," umiiyak na sagot nito.
"Hindi perpekto si Prue, pero mabait siya. Bakit mo hinayaan na umabot sa ganito ang problema n'yo? Kailangan ba talagang manganib pa ang buhay niya?!"
"Hindi ko po sinasadya," ani Bong.
"Sinabi sa amin ng mga pulis ang dahilan kaya nabangga kayo, nag-overspeeding ka daw at huli na ng malaman mong may sira ang preno. Talaga bang gusto mong patayin ang anak ko?!"
"Hindi po, maniwala po kayo, hindi ko po ginusto ang mga nangyari," umiiyak na sagot ng pinsan niya.
"Kumalma ka, tama na 'yan," awat ng Tatay ni Prue, sabay tingin sa kanya.
"Mak, ilabas mo muna ang pinsan mo," utos nito.
"Opo," sagot niya.
Walang naramdaman na galit si Makaio, sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan. Alam niya na hindi nito gugustuhin mapahamak si Prue.
"Tita, tama na po. Ako na po ang bahalang kumausap sa kanya," baling naman siya sa ginang.
Umakbay siya kay Bong. "Doon na muna tayo sa labas," baling niya dito.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...