BIGLANG napakurap si Prue ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Regine. Bahagya pa siyang napapitlag ng marinig sa earphone ang boses ni Bong, sabay tingin sa cellphone na hawak niya. Noon lang niya naalala na magkausap nga pala sila nito via video call.
"Babe, are you listening?"
Tumikhim si Prue at huminga ng malalim.
"Sorry, sorry, ah... may bigla lang akong naisip kaya napatulala ako. Sorry, ano nga ulit iyong sinasabi mo?" aniya.
Bumuntong-hininga si Bong, saka napailing.
"I said I'm sorry, kung naging unreasonable ako noong isang gabi na nagkausap tayo," anito.
Ang tinutukoy ng nobyo ay ang gabi na nagkatampuhan sila at birthday ni Makaio. May usapan kasi silang dalawa na tatawag ito sa kanya ng alas-sais ng gabi sa oras dito sa Pilipinas kaya kailangan niyang mag-online sa phone niya para makatawag ito. Pero nawala sa isip niya ang usapan nila dahil naging busy si Prue sa paghahanda ng regalo at cake na siya mismo ang nag-bake para kay Makaio. Kung hindi pa nag-overseas call si Bong, hindi pa niya maalala na mag-online.
Nagalit ito sa kanya dahil halos isang oras ito naghintay sa kanya. Lalo itong nagtampo ng sabihin niya kung bakit niya nakalimutan. Bong is starting to get jealous, naiinggit na rin ito dahil mabuti pa daw si Makaio ay napag-bake niya ng cake. Samantalang ito kahit kailan ay hindi niya napag-bake, isang bagay na hindi maitanggi ni Prue. Hindi naman niya sinasadya iyon, isang taon pa lang naman sila nagkasama sa tatlong taon nilang relasyon. Dalawang taon niyon ay naroon na ito sa ibang bansa. At mabuti pa daw si Makaio ay ginagawa niya ng handmade gift, si Bong daw ay hindi pa niya nagagawan kahit isang bracelet. Video call na nga lang daw sila nagkakausap at nagkikita, nakakalimutan pa niya.
"No, it's okay. Kasalanan ko, hindi ko dapat kinalimutan 'yon," sagot niya.
"I just miss you so bad, gustong-gusto ko ng umuwi diyan para makasama ka. I want to hug you, I want to kiss you, babe," naglalambing na sabi nito.
Parang binuhusan si Prue ng malamig na tubig. Biglang nabalot ng guilt ang puso niya, hindi dapat iyon ang kanyang nararamdaman, pero hindi niya mapigilan. Her boyfriend desperately wants to kiss her, pero si Makaio, matalik niyang kaibigan, nagawa siyang halikan. Alam ni Prue na may mali sa lahat ng ito, lalong mali na hindi niya makalimutan ang halik na iyon. It shouldn't have happened in the first place.
Pero sa kabilang banda, wala naman may gusto o sadya sa nangyari. Lasing si Makaio at siya naman, kahit sa imagination ay hindi niya akalain na hahalikan siya ng kaibigan. Iyon din naman kasi ang unang beses na nalasing ito ng ganoon ka-grabe. Kung iyong may katawan nga hindi maalala na hinalikan siya nito, why would she feel guilty in the first place?
Lihim siyang napabuntong-hininga dahil sa gulo ng takbo ng kanyang isipan.
"I know," sagot niya.
"Iyong pangako mo, kapag naka-graduate ka, susunod ka sa akin dito para dito ka na mag-trabaho. Para magkasama na tayo," paalala ni Bong.
Pinilit ni Prue na ngumiti saka marahan tumango.
"Hindi ko naman nakakalimutan iyon," aniya, pagkatapos ay natahimik na naman siya.
"Prue, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may problema ba? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo? Alam mo naman puwede mong sabihin sa akin kahit na ano."
"Problema? Wala ah! Okay lang ako, marami lang talagang ginagawa sa school, alam mo na graduating na rin ako," sagot niya.
"Are you sure?"
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...