Chapter Twelve

640 51 4
                                    

HABANG sakay ng kotse ni Makaio si Prue, tahimik lang siya at hindi mapakali. Hindi niya alam kung paano iha-handle ang sarili matapos ng mga nalaman. Kanina, bago mangyari ang confession ni Jethro, pinilit lang niyang maging kaswal at kumilos na parang wala siyang narinig, pero ang totoo ay labis ang kanyang kaba.

"Hey, are you okay?" tanong pa ni Makaio sa kanya.

"H-ha? Ah, oo," kabadong sagot niya.

"Parang ang lalim ng iniisip mo, may problema ka ba? O baka naman iniisip mo pa rin ang confession kanina?" tanong pa nito.

"Hindi iyon," sagot niya.

"Eh ano?" pag-uusisa pa ni Makaio.

"Wala, wala, promise okay lang ako,"

Hanggang sa makarating sila sa Tanangco ay tahimik pa rin siya. Bababa na sana siya ng pigilan siya ng binata.

"Can we talk?"

Napalingon siya kay Makaio, sa pagkakataon na iyon ay seryoso ang boses nito. Muling bumalik ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.

"Tungkol saan?"

Imbes na sumagot ay buntong-hininga lang ang narinig niya mula dito.

Pagkatapos ay tahimik na pinasok nito ang kotse sa loob ng garahe.

"About us," sagot ni Makaio.

"Ayoko," tanggi niya.

"Prue, there's something that I need to tell you," sagot nito.

"Please, huwag mo ng sabihin. Natatakot ako sa puwede kong malaman," kinakabahan pa rin na sabi niya.

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata niya. Kahapon habang nasa campus siya, nakita niya si Adam at Makaio, lalapitan sana niya ang dalawa pero hindi niya inaasahan na marinig ang usapan ng dalawa. Tumambad sa harapan niya ang katotohanan tungkol sa halik na nangyari noong gabi ng birthday ni Makaio. Ang akala niya, bilang bestfriend ng binata, alam na niya ang lahat tungkol dito, hindi pala. All these time, wala siyang kaalam-alam sa tunay na damdamin nito para sa kanya. At natatakot siya na iyon ang sabihin nito sa kanya, natatakot siya sa maaari niyang maging reaksiyon, na baka hindi mapigilan ang sarili at lumantad ang damdamin na pilit niyang pinipigilan. Ang katotohanan na gaya ni Makaio, higit na sa pagkakaibigan ang pagmamahal niya dito. That she's in love with her bestfriend, at kapag hindi niya inagapan ang sariling damdamin, tiyak na masasaktan si Bong.

Akma siyang bababa ng kotse ng maramdaman niyang pinigilan siya ni Makaio. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya.

"Don't leave me, please?" garalgal ang boses na sabi ng binata.

"Mak," usal niya.

Bumaba ito ng kotse, pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto. Dinala siya ni Makaio sa loob ng Love Confessions Society hide out.

"Ano ba 'yong gusto mong pag-usapan?" tanong niya, pagkatapos ay naupo siya sa may gilid ng stage. Tumabi sa kanya si Makaio, at tumingin ito sa mga larawan na nakasabit sa dingding ng mga couple na naging successful ang confessions.

"Sa tingin mo, nasaan tayong dalawa ten years from now?" tanong pa nito.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam, ako siguro, by that time, nasa US na ako," sagot niya.

"Kasama si Bong?"

Marahan siyang tumango. "I have a promise to him, kailangan kong tuparin iyon."

Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon