Chapter Eleven

696 52 0
                                    

"KAYA PA BA?" tanong sa kanya ni Adam.

Napalingon si Makaio sa kaibigan. "Ang alin?"

Napatungo siya sa dibdib ng ituro nito iyon.

"Iyan, kung kaya pa," sagot nito.

Napangiti siya. "Still holding on tight," sabi niya.

"Hanggang kailan? Wala ka bang planong bumitaw para masabi mo sa kanya ang totoo?"

He let out a deep sigh, and smile sadly, pagkatapos ay marahan siyang umiling.

"Ayokong magulo ang relasyon nila ng pinsan ko. Minsan, gusto kong umasa na pwede kami, pero kilala ko si Prue. Importante sa kanya ang pangako, hindi niya tatalikuran ang sinabi niya kay Bong," sagot ni Makaio.

Si Adam naman ang napabuntong-hininga.

"Buti hindi nakahalata si Prue sa'yo, noong araw na may nangbully sa kanya. You're too obvious that day, galit na galit ka doon sa dalawang lalaki. Pare, halos mabangas mo sa suntok iyong isa. Kung hindi ka pa naawat ni Ren, hindi ka titigil," sabi pa nito.

"Naabutan ko siyang binabastos, natural magngitngit ako sa galit," depensa niya sa sarili.

"Alam ko, kahit naman ako ganun din ang gagawin ko. Pero iba ang galit mo ng araw na iyon, daig mo pa ang boyfriend," sabi nito na may halong panunudyo.

"Iyon lang ang puwede kong gawin para sa kanya," aniya.

"How long are you going to pretend that you see her as a friend? Iyong gabi ng birthday party mo, alam kong ginawa mo. Sinadya mong halikan siya, bakit?"

"Because I cannot contain my feelings that time, hindi ko napigilan. Nagbaka-sakali ako ng gabing iyon, na maramdaman niyang mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya ng higit pa sa pagiging magkaibigan," sagot ni Makaio.

Bilang matalik na magkaibigan, halos lahat ng detalye tungkol sa buhay ng isa't isa ay alam na ni Prue at Makaio. They grow up together, do things together as friends, gaya ng ibang magkakaibigan, nag-aaway sila pero nagbabati rin. Ngunit ang isang bagay na hindi alam ng dalaga tungkol sa kanya ay ang lihim na damdamin para dito. Kailan nga ba nagsimula iyon?

Makaio wasn't aware of his feelings at first for Prue. Not until his cousin, Bong, met her and told him how much he likes her. Hanggang sa nauwi sa ligawan ang simpleng pagkakagusto ng pinsan niya sa dalaga. Nang mga panahon na iyon ay girlfriend naman niya ang highschool bestfriend ni Prue na si Sofie.

Nang malaman niyang sinagot ni Prue si Bong, doon nagsimulang magbago ang tingin niya sa kanyang matalik na kaibigan. Nang ang dating oras na sa kanya nito nilalaan ay napunta sa nobyo, hindi niya napigilan makaramdam ng selos. Sa tuwing nakikita niyang nakaakbay o nakahawak si Bong kay Prue, natatagpuan na lang niya ang sarili na hinihiling, na sana'y siya na lang ang nasa posisyon ng pinsan. At ng isang beses, nahuli niyang hinalikan ni Bong ang dalaga sa labi. He told himself, he should've been that person.

Ang hindi niya alam, bago pa man din dumating si Bong sa buhay ni Prue, napapansin na pala ni Sofie ang kakaibang pagtrato niya sa bestfriend. Hindi niya makakalimutan noong araw na nakipag-hiwalay sa kanya ang dalaga.

"Don't think I  didn't know anything, that I didn't notice you. Nakikita ko sa mga kilos mo, si Prue ang priority mo. Sa tuwing kailangan ka niya, madali para sa'yo na i-cancel ang lakad natin makapunta ka lang sa kanya. Kapag nagkakasakit siya, mas doble ang pag-aalala mo kaysa sa magulang niya. Kapag umiiyak siya, you're always there for her, at hindi ka umaalis hangga't hindi siya okay. And you are obviously jealous with Bong, huwag mong itanggi dahil halata ko sa mga kilos mo. How I wish, you do those things for me too, dahil ako ang girlfriend mo. But I guess, you weren't really that in love with me. Dahil ang totoo, all these time, you've been in love with your bestfriend."

Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon