Chapter Three

966 74 4
                                    

MAKAIO's lips slowly moved, caressing hers. Naramdaman ni Prue ang paghapit ng binata sa kanyang ulo at mas lalong dumiin ang labi nito.

Biglang napakurap si Prue ng marinig ang malakas na tunog ng bell, doon lang siya napatingin sa Professor nila.

"Guys, don't forget to bring your ingredients tomorrow," paalala nito, saka halos sabay-sabay na nagsitayo at lumabas ng kuwarto.

Agad siyang nagmadali at kinuha ang cellphone pagkatapos ay pinicturan ang nakasulat sa white board bago pa man ito mabura.

"So, kumusta naman ang paglalakbay ng isip mo? Saan siya nakarating?" tanong ni Nigella.

"Ha?"

Natatawang napailing ito.

"Sabi na eh, lipad ang utak mo buong klase. Nakatitig ka lang sa white board, hindi ka nga halos kumurap. Buti na lang hindi ka nahalata ni Sir," sabi pa nito.

Napabuntong-hininga siya saka parang walang lakas na napaupo siyang mula sa silya, pagkatapos ay napatungo sa ibabaw ng kanyang desk.

"Ano ba kasi nangyayari sa'yo?"

"Alam mo na 'yon," sagot ni Prue.

"Ay naku, sabi na," ani Nigella.

Tumingin siya sa kaibigan.

"Dapat wala akong pakialam di ba? Una, hindi naman niya natatandaan na hinalikan niya ako. Pangalawa, alam ko naman na walang ibig sabihin iyon at dala lang ng kalasingan niya. Pero hindi ko talaga maiwasan maalala," pagmamaktol niya.

"Sabagay, hindi kita masisisi. Ganyan na ganyan din ako dati noong bigla na lang akong hinalikan ng damuhong Channe na 'yon pagkatapos niya akong pahiyain sa party. I feel you, struggle is real, lalo kung ang guwapo ng humalik sa'yo, ang hirap balewalain," ani Nigella.

"Salamat ha? Lakas mong manggatong ah," sabi pa niya saka hindi napigilan ang matawa.

"Ay excuse me, hindi kita ginagatungan! Bakit totoo naman ang sinabi ko, di ba? Aminin mo, guwapo si Makaio, sorry but no offense meant, pero mas guwapo siyang di hamak sa jowa mo," ani Nigella.

Natawa lang siya. "May sinabi ba akong hindi siya guwapo?" sagot niya.

"Alam mo girl, magkaiba ng level of handsomeness si Bong at Makaio. Nasa tall, dark and handsome level si Bong. Si Mak naman, puwedeng ihilera sa mga nauusong Korean idols ngayon," dagdag pa ni Prue.

"Sabagay, may point ka diyan. Pero team Makaio pa rin ako, loyal ako sa lahi ng original Tanangco Boys," sagot ni Nigella sabay ngisi.

"And speaking of Makaio, kanina pa pala siya padaan-daan diyan mukhang inaabangan ka."

"Talaga? Hindi ko siya napansin," sagot niya, sabay lingon sa may pinto.

"Eh, paano mo nga kasi mapapansin? Tulaley ka," sabi pa nito.

Agad na tumayo at naglakad patungo sa pinto. Sisilip pa lang si Prue para hanapin ang binata ng bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya. Bigla tuloy siyang napaatras dahil sa gulat, pero mabilis na umalalay sa likod niya ang isang braso ng binata.

"Oh, okay ka lang?" tanong pa nito.

Hindi sinasadyang mapatingin siya sa labi nito ng bahagya itong mag-wet lips. Muli, mabilis na nag-flashback sa isipan niya ang paghalik nito sa kanya. Ngayon na nasa harapan na ni Prue si Makaio, bigla na naman naging abnormal ang pintig ng puso niya.

Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon