"NAKU GIRL! Mabuti na lang dumating ka na!" natatarantang salubong sa kanya ni Nigella habang pababa siya ng trycicle.
Matapos magbayad ay hinarap niya ang kaibigan.
"Bakit? Anong nangyari? Bakit parang takot na takot ka?"
Napansin ni Prue na panay ang lingon nito sa likod.
"Si Makaio, galit na sinugod ang pinsan niya! Nalaman niya kasi 'yong ginawa sa'yo ni Bong noong nakaraan gabi!" sagot ni Yelena.
"Paano niya nalaman?!" gulat na tanong niya.
"Sorry girl, huwag kang magalit. Hindi kasi mapakali si Makaio, iniisip kung bakit ka umiiyak noong gabing magkasalubong kayo. Eh nahalata niya na may alam ako, ayon, napaamin ako ng wala sa oras," mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Nigella.
Parang may sumipa ng malakas sa dibdib ni Prue. Nabalot ng matinding pag-aalala ang kanyang puso, kilala niya si Makaio kapag nagalit ng husto, at hindi malayong mangyari na magkasakitan ang dalawa.
"Tawagin mo si Tita Myca! Tapos sumunod kayo sa akin doon! Kailangan ko silang puntahan agad!" nagmamadaling sabi niya.
Hindi alam ni Prue kung anong klaseng takbo ang ginawa nila, at tila sa loob lamang ng ilang sandali ay nakarating sila sa bahay ni Bong. Tama ang kutob niya, tuluyan na nga na nagpang-abot ang dalawa doon sa loob ng bakuran. Bigla niyang nabitawan ang bag ng makitang sinuntok ni Bong si Makaio sa mukha. Nakita ni Prue na sinusubukan ni Ren na awatin ang dalawa, pero walang gustong magpa-awat.
"Bong! Makaio! Tama na 'yan!" sigaw niya, saka tumakbo palapit sa dalawa.
Napasigaw si Prue ng sipain ni Bong sa tiyan si Makaio, kaya napahiga ito sa damuhan.
"Bong, ano ba?! Tama na sabi eh!" sigaw ulit niya, saka nilapitan si Makaio at tinulungan itong tumayo.
"Diyan! Diyan ka magaling! Palagi na lang siya ang kinakampihan mo!" baling sa kanya ng nobyo.
"Wala akong kinakampihan sa inyo! Ang sa akin lang, hindi n'yo kailangan umabot sa ganito!" sagot niya.
"Huwag mong ibaling kay Prue ang issue, Bong! Anong karapatan mong bastusin siya?!" sabad ni Makaio.
"Mak, please! Tama na," baling niya sa kaibigan.
"Then what? Pabayaan siya? Gusto mong manahimik ako pagkatapos ng ginawa n'ya sa'yo?!" galit na galit na sigaw ni Makaio.
"Huwag kang makialam sa amin, Makaio! Girlfriend ko si Prue, at gagawin ko ang gusto ko sa kanya dahil may karapatan ako! If I want to f*ck her! I will f*ck her because she's mine!" giit ni Bong.
Hindi makapaniwala si Prue sa narinig niya mula sa nobyo. Napalingon siya dito, sabay agos ng luha niya.
"Kaya ba pinipilit mong may mangyari sa atin noon, kahit na umaayaw ako.
Dahil sa karapatan na sinasabi mo? Dahil pakiramdam mop ag-aari mo ako?! Hindi mo alam, sa ginawa mo, pinatunayan mo lang sa akin na wala ka ng respeto sa akin, bilang girlfriend mo at bilang babae! At proud ka pa na binabastos ako?!" umiiyak na sabi niya.
"Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na ako pa rin, na mahal mo pa rin ako!" katwiran nito.
Napapitlag si Prue ng biglang sumugod si Makaio, sabay sapak kay Bong.
"Maraming paraan! Pero hindi ang bastusin mo si Prue!" gigil sa galit na sagot nito.
Hinablot ni Bong ang kuwelyo ng t-shirt na suot ni Makaio.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Storie d'amore"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...