Chapter Fourteen

875 50 3
                                    

"NA-MISS ko talaga mga pagkain dito sa Pilipinas," masayang sabi ni Bong.

"Alam namin 'yon, tumawag sa akin kanina ang Mommy mo, kabilinbilinan na kami na daw ang bahala sa pagkain mo, dahil hindi ka pa rin daw marunong magluto," sagot ni Myca.

"Don't worry about me, Tita. Nandito naman si Prue, she can cook for me, right babe?"

Pinilit ni Prue na ngumiti saka marahan tumango.

"Maraming school activities si Prue, bukod pa 'yong part-time job niya sa Flower Shop ni Tita Panyang. How can she cook for you? Pag-uwi niyan sa kanila, lagi ng pagod 'yan. Aabalahin mo pa siya, dito ka na lang kumain," sabad ni Makaio.

"Really?" tanong pa ni Bong, sabay lingon sa kanya.

"Oo, marami na kasing ginagawa ngayon, malapit na kasi kaming mag-OJT," paliwanag niya.

"Okay, pwede ka ng umalis sa part-time job mo. Ako ng bahala sa allowance mo, nasasayang lang ang oras mo sa flower shop na 'yon, matagal ko ng sinabi sa'yo na huwag ka ng pumasok doon," sabi pa ni Bong.

Nagkatinginan silang dalawa ni Makaio. Nakaramdam ng inis si Prue sa sinabi ng nobyo.

"Bong, pakiusap, watch your words. Kaibigan nila Tita Myca ang may-ari ng flower shop na pinapasukan ko. Isa pa, masaya ako sa trabaho ko doon at hindi pagsasayang ng oras ang ginagawa ko," saway niya sa nobyo.

Tumawa lang ito. "Sorry," tila wala sa loob na sagot lang din nito.

Mayamaya ay nilapag ng kasambahay ang ginisang ampalaya at hinain iyon sa dinner table.

"Wow, my favorite!" bulalas ni Bong.

"So, hanggang kailan mo planong mag-stay dito sa Pilipinas?" tanong ni Ken sa nobyo.

"Few weeks or so, plano ko na pong ayusin ang papers ni Prue, para mapadali na ang pagsunod niya sa akin," sagot ni Bong.

Natigilan siya. Nagulat si Prue sa narinig mula sa nobyo, wala itong sinasabi sa kanya tungkol sa plano nito. Ang usapan nila ay pagka-graduate niya ay saka nila ipu-push through ang pagsunod niya sa US. Nang mapatingin siya kay Makaio ay nakatingin na ito sa kanya at hindi nito maikakaila ang lungkot sa mga mata nito.

"Ang bilis naman yata," sabi ni Myca.

"Teka, hindi ba ang usapan natin after ko maka-graduate?" nalilitong tanong niya.

Napatingin siya sa kamay niya ng hawakan iyon ni Bong. "Sooner or later, wala naman pinagkaiba iyon, kaya bakit hindi na lang natin gawin ng maaga. Tutal, doon din naman ang punta natin," sagot nito.

"Hindi ako basta puwedeng umalis na parang wala akong magulang na kailangan isipin," sabi pa niya.

"I agree," sabad ni Makaio.

"Oo nga naman iho, hayaan mo muna si Prue," sang-ayon ni Myca.

"Two years na rin kaming hindi magkasama, and I miss her badly. Gusto ko lang makasigurado na hindi na siya mawawala sa buhay ko," sabi naman ni Bong.

"Hijo, don't you think you're rushing things too much? Baka mabigla si Prue, kung payag siya sa plano mo, then go, but you should ask her first. Because the way I see it, ikaw na ang nagpaplano ng buhay niya. Huwag mong kalimutan na may sarili siyang buhay at baka may plano siyang iba para sa sarili niya," payo naman ni Ken.

"Tito Ken, may usapan na kaming dalawa, right babe?"

Matipid na ngiti lang ang sinagot niya sa nobyo, saka pasimpleng binawi ang kamay mula dito. Napansin niyang nawala ang ngiti ni Bong, pero hindi niya alintana iyon. Naiinis siya sa mga naririnig dito, lumalabas na naman ang pagiging dominante nito.

Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon