"HOW I WISH I can go home, miss na miss ko na ang Pilipinas," sabi ni Sofie kay Prue. Si Sofie ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan since high school. Ito rin ang ex-girlfriend ni Makaio. Kausap niya ito via video call ng umagang iyon.
"Oo nga, ilang taon na tayong hindi nagkikita," sagot niya.
"Sorry na bes, busy talaga ako dito. May part-time job kasi ako," sabi nito.
"Okay lang 'yon, naiintindihan ko. Pareho lang kaya tayo," sagot ulit niya.
Habang kausap ang kaibigan ay panaka-nakang bumabalik sa isip niya ang pag-uusap nilang mag-ina noong nakaraan gabi. Kaya napapatulala na lang siya, isang bagay na tila napansin ni Sofie.
"Are you okay? Why do I feel like something is bothering you?" tanong ni Sofie.
Malalim siyang napabuntong-hininga.
"Ay naku, sabi ko na nga ba. Hindi ka pa rin nagbabago, hindi mo talaga kayang itago kapag may problema ka," sabi nito.
"I'm okay," usal niya.
"No, you're not. Obvious sa mata mo, malungkot, now tell me, what's the problem?"
Hindi agad nakasagot si Prue. Hindi niya alam kung tama ba na sabihin dito ang tungkol sa problema niya dahil dati nitong nobyo si Makaio.
"Is it about Makaio?" hula nito.
Natigilan siya.
"Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa'yo 'to," aniya.
Napangiti si Sofie at marahan napailing.
"Did he finally had the courage to confess to you?" tanong pa nito.
"Alam mo?" gulat niyang tanong.
Tuluyan na itong natawa.
"My goodness, bes! Hindi mo ba talaga nahahalata? O sadyang bulag ka lang?"
"Wait, hindi ko maintindihan, paano mo nalaman?"
"Makaio had his eyes on you from the very beginning, and I mean, as a man to a woman and not as friends. He didn't realize it at first, until I told him so," sagot ni Sofie.
"What?"
Bumuntong-hininga si Sofie.
"Nakipag-hiwalay ako sa kanya dahil nakita ko na mahal ka niya ng higit pa sa magkaibigan. Yes, he loved me. Naramdaman ko 'yon. Pero unconsciously, mas matimbang ka sa puso niya. Sinasabi niya dahil mag-bestfriend kayo, pero iba ang sinasabi ng bibig niya, sa sinasabi ng bawat kilos at tingin niya kapag nariyan ka. He didn't realize he is already in love with you, until Bong came. Nakita ko kung paano siya nag-selos. I even saw him cry secretly, pagkatapos mong sabihin sa kanya na sinagot mo na si Bong. Noong kinompronta ko siya, at tinanong ng deretso, syempre, he denied it. Pero ako ang nagbukas sa kanya ng katotohanan, that what he feels for you is no longer love for a friend," paliwanag nito.
"Bes, naman! Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"
Tumawa si Sofie. "Sorry, nakiusap kasi sa akin si Makaio na huwag kong sasabihin sa'yo. Sa tuwing nagkakausap kami, palagi ko siyang tinatanong kung nag-confess na siya sa'yo. Hindi daw, ayaw daw niya dahil baka mawala ka sa kanya. Kaya kahit namamatay na siya sa selos sa tuwing kausap mo si Bong, nagtitiis siya," sagot ni Sofie.
Natakpan niya ang mukha ng mga palad, bago muling humugot ng malalim na hininga.
"I am so sorry, Sofie. Hindi ko alam na ako ang dahilan ng paghihiwalay n'yo. Ang buong akala ko dahil umalis ka kaya nag-decide kayong maghiwalay na lang," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...