"HUY, SAAN ka pupunta?" untag nito sa kanya.
Napalingon si Makaio kay Prue.
"Aalis saglit, pupuntahan ko lang 'yong babaeng sinasabi ng confessor sa sulat niya," sagot niya.
"Saan 'yon?"
"Dito lang din sa Pasig. Nakausap na kasi siya ni Tita Panyang, pumayag si Jethro mag-confess, ang gusto nga niya this week agad," sagot ni Makaio.
"Malapit lang ba 'yon? Puwede ba akong sumama?" tanong ni Prue.
Tumingin siya sa suot niyang relo.
"Puwede rin, tara! At least may kasama ako habang naghihintay," sagot niya.
Sumakay sila sa kotse niya saka agad na umalis. Mga fifteen minutes halos ang binyahe nila bago nakarating sa lugar kung saan nakatira ang babae. Pinarada ni Makaio ang sasakyan sa di kalayuan.
"Saan dito nakatira si girl?" tanong ni Prue.
"Ang sabi ni Jethro, dark green daw 'yong kulay ng gate at mint green naman ang kulay ng bahay, malamang ito iyong sinasabi niya," sagot niya, sabay turo sa isang bahay, halos tatlong bahay ang layo mula sa pinaparadahan nila.
"Paano natin malalaman kung sino 'yong ex ni Jethro?"
Pinakita niya ang printed photo ng babae.
"Alicia Reyes, his ex-gilrfriend, twenty-six years old. Ang sabi ni Jethro, sa isang private company nagta-trabaho si Alicia. Sa iisang building ang opisina ng pinatatrabahuhan nila pareho, at doon sila nagkita ulit. Ang kuwento niya, na-destino daw siya noon sa Singapore, pinadala siya ng management sa main branch ng company nila. May nakilala siyang ibang babae doon, one-night stand, hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon, he cheated on Alicia, na naging cause na hiwalayan ng dalawa. Pero hindi rin nagtagal ang relasyon nila dahil hindi maganda ang ugali ng babae. Sising-sisi daw siya dahil pinaglaruan lang siya ng babae, pinerahan at saka iniwan. Ilang taon silang hindi nagkita ni Alicia, until recently, he fell in love with her again, and he decided to pursue her again."
"Iyong binili na flowers ni Jethro sa shop, tinanggap ba daw ni Alicia?"
Tumango siya.
"Which I guess gives him the courage to confess," sagot niya.
"Sana maging okay ang confession at tanggapin ulit siya ni Alicia," sabi pa ng dalaga.
"Sumama ka kapag confession day na, para ma-witness mo kung anong nangyayari sa Love Confessions Society," aniya.
"Sure!" mabilis na pagpayag nito.
Kinuha ni Prue ang larawan ni Alicia. "Ang ganda niya, sayang lang at nagawa iyon ni Jethro. Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa," sabi nito.
Mayamaya ay natahimik si Makaio, habang nakatingin sa katabi. Napalingon ito sa kanya, at napakunot-noo.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tanong nito.
Ngumiti siya, saka umiling. "Wala, may naisip lang ako," sagot niya.
"Ano naman 'yon?"
Bigla siyang bumawi ng tingin, saka bumuntong-hininga.
"Okay na ba kayong dalawa?" tanong ni Makaio.
"Hindi pa. Hindi pa rin siya tumatawag simula noong magtalo kami," sagot nito.
"Sinubukan mo siyang i-message and explain?"
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...