Chapter Eighteen

1.5K 96 10
                                    

"LALABAS na si Prue ngayon araw sa ospital, hindi mo ba siya susunduin?" tanong ni Ken sa anak.

Napalingon si Makaio sa ama, saka agad din bumawi ng tingin. Marahan siyang umiling.

"Hindi na po, nangako ako sa sarili ko na iiwas na muna ako. Ayoko ng magulo ang relasyon nila ni Bong, ayokong mapahamak na naman si Prue," sagot niya.

Napalingon siya kay Karin ng bumuntong-hininga ito saka pumapalatak

habang umiiling.

"Hay naku, Kuya! Wala na si—"

Hindi nito tinuloy ang sinasabi ng bigla itong paluin ng Mommy nila.

"Aray ko po!" daing nito.

"May lamok, anak," anang Mommy niya.

"Anong sinasabi mo ulit kanina?" kunot-noong tanong niya.

"H-ha? Ah, ang sabi ko, wala nang sakit si Prue, kaya puntahan mo na," sagot nito.

"Saka na," sabi niya, pagkatapos ay tumayo siya mula sa harap ng hapag-kainan.

"Oh, where are you going? Are you done? Konti pa lang nakakain mo, nak!" ani Myca.

"I'm done, Mom. I don't really feel like eating," sagot niya, saka dumeretso sa kuwarto niya.

Pagpasok doon, tila nakikita pa rin niya ang imahe ni Prue sa loob ng silid na iyon. Habang naglilinis ito ay panay ang tawanan nila dahil sa polka dots niyang underwear. Malungkot siyang napangiti.

It's been more than a week, since the accident happened. Huling beses niyang nakita si Prue noong nasa ospital at wala pa itong malay. He stayed there until the results of her tests came out. Nang sabihin ng Daddy niya na ligtas na sa panganib si Prue ay saka siya umuwi. Hindi na siya nagpakita pa sa dalaga. Ayaw niyang makadagdag sa burden nito. Masakit man, ngunit nakahanda siyang magparaya para sa ikatatahimik ng buhay ni Prue.

Humugot siya ng malalim na hininga saka binagsak ang katawan sa ibabaw ng kama. Inabot niya ang picture nilang dalawa na nakapatong sa bedside table. He stared at her, kuha ang larawan na iyon noong Senior High graduation nila. Ang saya nilang dalawa ng araw na iyon, para bang silang dalawa lang ang tao at wala ng iba.

Makaio missed her so bad, kung susundin niya ang sigaw ng puso, marahil ay nagmamaneho na siya papunta sa ospital ng mga sandaling iyon. At kapag nakita niya ang dalaga, ay saka niya ito ikukulong sa mga bisig at paulit-ulit na sasabihin kung gaano niya ito kamahal. Pero sa kabila ng lahat, sa bandang huli, hindi pa rin siya ang pinili ni Prue.

"Pare!"

Napabalikwas ng bangon si Makaio ng biglang magsipasok ang mga kaibigan niya.

"Bakit nagmumukmok ka dito?!" malakas ang boses na tanong ni Channe.

"Come on, Pare! Nagkakasiyahan kami sa labas," sabi naman ni Page.

"Ayoko, wala ako sa mood," tanggi niya.

"Ang KJ mo! Kailan ka pa nagkaganito?" sabi ni Channe.

"Ganoon talaga kapag broken hearted," ani Adam.

"Tara na sa labas, para naman gumaan ang pakiramdam mo," yaya rin sa kanya si Aven.

"Ayoko talaga, Pare! Sige na, okay lang ako dito," tanggi ulit niya.

"Nah, hindi puwede! Anong ayaw mo?! Tara na!" sabi pa ni Aven.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon