"HEY, YOU okay?"
Napalingon si Makaio kay Hajime. Ang kaibigan niyang pure Japanese, pero ilang taon ng naninirahan sa bansa at fluent na itong magsalita ng tagalog. Bata pa lang sila ng dumating sa Tanangco si Hajime kasama ang buong pamilya nito, dahil katabi lang bahay nila ang tinutuluyan ng mga ito. Naging kaibigan na nilang lahat ito hanggang ngayon. Hajime is one of Makaio's closest friend.
"Ha?"
"Lalim nga ng iniisip mo, tinatanong ko kung okay ka lang?" tanong ulit nito.
"Ah, sorry, yeah, I'm okay," sagot niya.
"Para naman hindi, you can tell me anything, ano bang problema?"
Huminga siya ng malalim. "Actually, hindi siya problema, pero nagtataka lang ako," aniya.
"About?"
"Prue," sagot ni Makaio.
"Bakit? Nag-away kayo?"
"Hindi, pero lately, napapansin ko na parang iniiwasan niya ako," sagot niya.
Napakunot-noo si Hajime. "Really? That's new, eh hindi nga kayo mapaghiwalay no'n, did you ask her?"
Marahan siyang umiling. "Hindi ko nga siya ma-tyempuhan eh. Kapag tumatawag ako, madalas hindi niya sinasagot, kung sagutin man, laging nagmamadali. Kapag tine-text ko, hindi rin nagre-reply. It's been a week, pare. I know her, hindi ganito si Prue. She never did this to me before," sagot niya.
"Are you worried?" tanong ni Hajime.
"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi. She's my bestfriend, we always do things together," sagot niya.
"Ah, nami-miss mo siya," sabi nito.
Bahagya siyang napangiti. "Parang ganon nga," aniya.
"Tell me honestly, pare. Usapan lalaki at usapan magkaibigan. We both know Prue is beautiful, simple lang siya, but her beauty stands out. Didn't you feel attracted to her just a little?"
Bigla siyang natigilan. Iniwas ni Makaio ang tingin niya sa kaibigan.
"Pare, bestfriend ko si Prue, girlfriend ni Bong, my cousin. I'm not allowed to feel anything for her besides friendship, isa pa, ex-girlfriend ko si Sofie, her highschool bestfriend. Nai-imagine mo ba kung gaano ka-komplikado ang lahat?" paliwanag niya.
Napatingin siya ulit dito ng bigla itong natawa.
"Masyado ka naman defensive, meron o wala lang ang isasagot mo. But never mind, I think I know the answer," natatawa pa rin sabi nito.
Kumunot ang noo niya. "What?"
Imbes na sumagot ay may bigla itong nginuso sa di kalayuan.
"Speaking of Prue," ani Hajime.
Napalingon si Makaio direksyon na tinuro nito. Napatitig siya kay Prue at sinundan ng tingin ang dalaga. Abala ito sa pakikipag-kuwentuhan sa mga kaklase. She's wearing a formal business attire, an above knee black skirt, high-heeled black shoes, red blouse inside her black coat.
He suddenly felt a familiar emotion in his heart. Sa paglipas ng sandali, biglang nawawala sa normal ang pagpintig ng puso niya. Nang tanggalin ni Prue ang coat na suot, namalayan niya na nakatulala na lang siya sa dalaga. Lalong tumingkad ang ganda nito sa suot na kulay pula na blouse. Prue has shoulder length hair with side bangs, mas maliit ito sa kanya, sa katunayan ay hanggang baba lang niya ang dalaga. Hindi ito mestiza, pero mas mapusyaw sa kayumanggi ang kulay ng balat nito. Isang bagay ang nagustuhan ni Makaio sa kaibigan ay ang magandang mga mata nito, she has deep set pair of brown eyes, and lovely long eyelashes. Hindi gaanong matangos ang ilong nito, ngunit bumagay iyon sa bilugan nitong mukha. And her lips, those natural red lips—
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...