"GOOD MORNING, Tita Myca!" nakangiting bati ni Prue, pagpasok niya sa kusina ng magandang tahanan ng mga Pederico.
"Good morning, iha," sagot nito.
"Pinapunta ka ba dito ng Mama mo?"
"Opo, nagpapatulong po siya," sagot niya.
"Naku, salamat ha? Alam mo naman sa side ng Tito Ken mo, every month may family lunch dito," sabi naman ni Myca.
"Wala po iyon, maliit na bagay po ito kumpara sa laki ng naitulong n'yo sa pamilya namin,"
Marahan tumawa si Myca at umakbay sa kanya.
"Ikaw talagang bata, wala 'yon! Hindi na kayo iba sa amin, malaki nga ang pasasalamat ko sa iyo at mabuti kayong magkaibigan ni Makaio. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko sana ikaw na lang ang maging girlfriend niya," sabi ng magandang ginang.
Napamulagat siya sa narinig. "Po?" gulat na reaksiyon ni Prue.
Biglang natutop ni Myca ang bibig.
"Ay, ano ba itong pinagsasabi ko?! Huwag mo na lang akong intindihin, anak," natatawang sabi nito.
Natawa na lang din si Prue, kahit na biglang umahon ang kaba sa dibdib niya.
"Sige po," tangi niyang naisagot.
Napalingon silang dalawa ng Tita Myca niya ng biglang pumasok ang kanyang ina galing sa dirty kitchen.
"Oh, mabuti at nandito ka na. Anak, puwede bang ikaw muna ang maglinis sa kuwarto ni Makaio? May ginagawa si Raquel sa dirty kitchen, may hinihiwa siya para sa iluluto ko," sabi ng Mama niya.
"Sige po," pagpayag niya.
"At gisingin mo na nga rin ang lalaking iyon, tanghali na tulog pa rin," sabi naman ni Myca.
"Okay po," sagot ni Prue.
Kinuha niya ang vacuum at basahan saka umakyat sa second-floor kung saan matatagpuan ang kuwarto ng binata.
"Mak!" tawag niya sa binata habang kumakatok, pero walang sumasagot mula sa loob.
Muli siyang kumatok pero wala pa rin sumasagot. Nang subukan niyang pihitin ang door knob ay agad bumukas ang pinto.
"Hindi nagla-lock ang pengkum na 'to," sabi pa niya.
Pagbukas niya ng pinto, naabutan ni Prue na nakahiga si Makaio at tulog na tulog pa rin. Natigilan siya ng makitang wala itong suot na pang-itaas at naka-shorts lang ito habang nakadapa. Tumambad sa kanyang paningin ang malapad at makinis na likod nito. She imagined herself embracing him, napalunok siya sa naisip at agad na tumalikod. Tumikhim siya.
"Uy Makaio, gising ka na daw!" malakas ang boses na sabi niya.
Nagulat si Prue ng biglang may kamay na tumakip sa kanyang bibig, pagkatapos ay hinila siya nito kaya bumagsak sila sa kama. Sisigaw pa lang sana siya ng agad na matigilan pagdilat niya ng mga mata. Yakap na siya ni Makaio at nakatingin ito sa kanya. Tumambad din sa paningin niya ang malapad at matipunong dibdib nito.
"Ma-Mak, gi-sing ka na pala," nauutal na sabi niya, habang panay ang kabog ng kanyang dibdib.
Hindi ito sumagot, sa halip ay nanatili lang itong nakatingin sa kanya habang umaapaw ang emosyon sa mga mata. Bahagya pa niyang naiatras ang mukha ng hawiin nito ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik...