Dahil nga sa napag usapan kagabi na pumunta ng E.K hindi naging drawing ang plano. nagme make up na ko dahil 12pm nila ako susunduin, gagamitin nila yung van ng family ni matthew para katulad lang daw noon sa fieldtrip namin nung highschool.
I wore black fitted jeans paired with oversized navy green statement shirt and white sneakers, nag shades na din ako na black the round one dahil nga maaraw kami pupunta don.
Rachel called nasa baba na daw sila, nagpaalam na din ako kila mama bago ako umalis i brought small hand bag lang dahil lipstick,wallet,phone and my BB cream cushion. Buti na lang Rachel reserved a seat for me, sa likod ng driver's seat.
Katabi ko si rachel katabi naman nya si lily, sa likod namin sila bea,sophia,owen,carl, closest classmates ko nung hs sila matthew naman sa likod 5 sila kasama nila si lester yung isang classmate ko.
Ewan ko nga kung classmate ko pa yon highschool pa lang kami lagi nasa room yon nila matthew. Senior namin sila and part ng varsity team sila matthew, seb, dylan jake saka yung nagda drive si charles.
"daanan lang natin si boss"
nagtaka tuloy ako sinong boss sinasabi ni charles, dumaan kami sa lugar na pamilyar sakin. lagi ko pinupuntahan noon lalo na pag may game sya. At yun tama nga ako tumigil kami sa tapat ng bahay nila tangina nga naman oh parehas pa kaming nasa navy green. 'di nalang ako kumibo para di na kami asarin dito i just acted like the others na nagiintay sakanya dun sya umupo sa passenger seat.
"ayon di nyo naman sinabi may pa couple shirt dito, sana dinala ko jowa ko"
"hanap muna chel bago dalhin"
nabato tuloy ni rachel si dylan ng unan kaya nagtawanan lahat. Jusko kaya ba mag walang kibo na parang wala kaming past neto? for sure sya kaya nya 'di ko na nga mabilang naging babae nyan after namin. lumingon sya sa kinauupuan ko bago nya i buckle yung seatbelt nya at dahil matatag ako di ko sya iniwasan ng tingin napa smirk tuloy sya.
"Ryle bat di ka pala pumunta kagabi? sayang ikaw lang kulang dun"
lily asked while eating junkfood with rachel
"ah may tinapos lang akong presentation para sa monday"
"eh monday pa naman yon, kala mo talaga nagsi-sipag sus nag chix ka lang tanggap ka namin you don't need to lie bro"
"pakyu, ano sinasabi mo dyan"
muka lang akong natutulog i tried to sleep pero nagising ako sa sinabi ni charles. nakikinig lang ako ng music and put my shades may nag dm sakin sa ig so tinignan ko.
Ryle Mason Sent you a message
"u ok?"
mahihilo-hin kasi ako dati sa byahe ayoko amoy ng aircon kaya lagi akong may dalang ointment para maiwasan pagsusuka, i replied yes and go back to listening to music.
"hoy ms. Kpop wag mo kami tinutulugan ah"
bat ba ayaw ako tantanan neto ni matthew sobrang dami sinasabi ang puta
"eto na nga eh,epal to"
'di na ko nag earphones at nakipag chikahan na lang kila rachel. they're both studying B.S biology sobrang hirap nga daw pero dahil magkasama sila kaya naman daw, sa aming tatlo ako yung di gaano ka galing sa acads silang dalawa talaga yung nagta top sa class.
nasa SLEX na kami at nag decide kami na kumain muna ng lunch. tinanong nila ako kung san ko gusto kumain dahil para sakin naman daw 'tong alis namin, so i chose chowking one of may faves fastfood here.
Sila dylan nalang yung nag order kinuha ang order nila rachel pero sakin hindi baka sinabi na ni rachel since nag cr kami nila lily at bea.
dumating na yung mga order nila pero sakin yung last,halos lahat sakanila Fried chicken lauriat sakin lang yung chaofan with steamed siomai saka may chicharap pa Gosh I'll miss this. After namin mag si kain umalis na din kami at nag picture muna sa parking lot 5mins bago kami umalis lahat malapit nalang naman yung E.K dito.
naiwan ako sa labas dahil tumawag si seohyun unnie she just reminded me mga pinabili nya sakin like pancit canton at tuyo nagdala kasi ako non nung first year ko as a trainee. rinig ko kasama ko sya na magde-debut next year.
"josimhaeyo unnie, ne" ( take care unnie ) *unnie yung tuwag ng babae sa mas matanda na babae*
si ryle pala hinihintay ako sa kami nalang hindi pumapasok sa van.
"sino yun?"
"unnie"
"ah colleague"
"kelan alis mo?"
"the day after tomorrow"
"ah"
pumasok na ko sa van sumunod na din sya inasar pa kami kasi baka daw nag closure kami, parang mga tanga talaga. Katuwaan na lang naman dahil nga ang tagal na din trip lang talaga kami.
-------------------------------------------------------------------Translator app : Papago naver
* unnie yung tawag ng babae sa mas nakakatandang babae*
I'm not fluent in korean i just know some things dahil kakanuod ng kdrama.