hindi ko na alam mararamdaman ko bat naman maga-aya ng coffee 'to lintek na buhay nga naman oh tahimik na eh, 'di ako nag like or reply sa reply nya sa tweet ko baka pinagtitripan lang talaga ako netong kumag na 'to.
napa-coffee tuloy ako dami ko ng iniisip dumadagdag pa sya ano ba yan 'di ko makulit sila lily dahil nagaaral alangan kausapin ko nanay ko edi kinaltukan ako non, naalala ko pinakilala ko pa si ryle kela mama before the day ng birthday ni ate celine takot na takot sya non dahil nga ang maldita ng muka ni mama pero maldita talaga yon.
"laureen, may bisita ka" papa called me. wala naman akong inimbitahan na bisita kaya lumabas ako ng gate i saw a matte black Lincoln mks. shit i know na who's this.
"'di mo ko nireply-an eh, i bought you some coffee and donuts para kela tita. hi tito mano po"
tapos dumeretso na sya sa loob ng bahay inakbayan pa sya ni papa parang gusto ko na mamatay ng maaga dito, mama saw him kaya nilakihan ako ng mata ng nanay ko ano pa nga ba diba. umupo sya dun sa sala kung san sya umupo dati nung pinakilala ko sya.
"nako ryle nag abala ka pa, salamat ah"
"wala po iyon tito" he smiled back to my dad, ano ba pakay neto leche talaga
"ano pakay mo dito madami pa kong gagaw-"
"Ryle 'di na pwede mag boyfriend si julia"
at nag salita na nanay ko, ma hindi naman ata yan yung pinunta nya ma jusko naman po lord pray for me 'di ko na kinakaya mga kaganapan dito sa bahay.
"ha? ay tita di po kami ni julia"
"ha? bakit naman kala ko kayo ulit" sumagot pa 'tong tatay ko after drinking my coffee,ano po gusto ko na umalis ano ba naman ito..
"julia can we talk?" nanlalaki mata ng nanay ko yare talaga ako dito mamaya
"about what?" kukunin ko sana yung coffee na binili nya pero magaan na ubos na nga ng tatay ko, my parents gives us space sa may garden kami nag usap.
"nahihiya din naman ako pumunta dito pero kasi mom wants to see you before you go, sorry pero kinukulit kasi nila ko"
even we're not together tita esmeralda always contacts me pero 'di na masyado nung nagka girlfriend ulit si ryle, but she greets me on my special occasions pa din. i can't say no to tita this time nung kami pa ni ryle i really feel like i belong to their family and she treated me like her own daughter.
"magbibihis lang ako, ipaalam mo ko kila papa. ayusin mo paalam mo ah!"
umakyat na ko sa room ko and changed clothes i just wear a sleeveless baby blue bow cami blouse paired with jeans,my ankle buckle strap red heels and michael kors round sling bag. nilagyan ko din ng scarf na red para match na outfit ko i just bun my hair tapos hinayaan ko lang yung baby hairs ko.
light make up lang naman pero nag red ako na lipstick and syempre perfume. bababa na sana ako pero pumasok si mama sa kwarto she looked at me from head to toe.
"may meet and greet ka? 'di ka pa naman idol ah"
"ma its tita esmeralda i should see her before i leave"
"hoy julia laureen anak kita kaya kilalang kilala ko buong pagkatao mo"
"yes ma, promise its just tita ok? you don't need to be worried."
bumaba na kami ni mama we saw them together laughing napatayo sila nung nakita nila kami. malapit lang naman bahay nila samin kaya in just 30mins. nakarating na kami i was shocked their whole family waiting us at the gate, alam kong mali itong ginagawa ko pero hayaan mo na.
"hi iha im sorry ah i just want to see you bago ka sumikat hahaha" nag mano ako sa parents nya and his sister hugged me tight.
pumasok na kami sa loob at kumain all my fave foods are here, ano ba yan di naman ako na inform meet the parents part 2 pala ito. nagkamustahan lang kami ang nagkwento ako kila tita about my training there, kahit naghuhugas kami ng plato ni tita nagda daldalan pa din kami.
"omg ryle, i really missed julia"
"syempre, sya lang nakakatapat sa daldal mo ma eh"
nag kwentuhan lang kami ulit sa sala nila tita and his sister told me na if i meet bts (bangtan sonyeondan) a kpop group magpa autograph daw ako andami nyang bilin jusko, her dad just gave me an advice about living alone.
hinatid na din ako ni sebastian 8pm pa lang naman kaya inaya nya ako sa antipolo sight seeing daw, 'di ako naniniwala charot. naka rating na kami sa may bakanteng lote na kita mo city lights, nagdala pa nga ng beer.
"are you fine?hmm.. wala im just wondering kasi parang dami mong iniisip"
"i still miss my old life, miss ko din lumandi"
"baliw ka talaga. I'm proud of you buti nalang nanuod ako ng mga shows mo dati kasi sisikat ka na pala hahaha"
"sira hahaha"
"I'm happy for you jul"
tinignan ko sya i thought he's just joking around but he's serious, that's the name na tinatawag nya sakin nung hs i mean nung kami pa. he's the only one calling me that name.
i missed him. i'll miss him