Dun kami nagkita kita sa may grand carousel pagdating namin don, varsity boys pa lang kaya nagse selfie sila since wala namang magpipicture sakanila. Galing kaming cr nila rachel tapos nung papalapit na kami tinawag ni dylan si lily na picture-an daw sila nakakatuwa silang tignan parang dati lang they did silly poses and pa-pogi pictures daw for their IG
"oh si julia naman saka si Ryle, tutal wala naman sya kagabi"
"oo nga lahat kami may solo picture with you"
kailangan ba yon? napa tanong ako sa sarili ko etong si matthew maka asta samin kala mo 'di awkward para samin eh ginatungan pa ni lily. 'di madala sa tingin pinandilatan ko na lahat lahat tinuloy nya din sinasabi nya, para tuloy kaming 1st year na pinipilit pag picture-an yung mga tinutulak tapos uutusan kung ano yung gagawin kung aakbayan ba, holding hands o stand straight lang bugaw kumbaga.
tinutulak kami ng mga kaibigan namin sa isa't isa para mag picture katulad ng dati may nag direct pa kung anong pose gagawin namin tapos etong sila rachel sinisigawan pa akong ngumiti ng maayos, ginawa naman namin mga sinasabi nila tawa kami ng tawa nung nakita namin yung mga picture dumating na din yung ibang friends namin kaya nag pa picture kami sa mga dumaan.
naglalakad na kami papunta dun sa next ride tapos tinawag ako ni matthew at dylan nasa unahan si seb kasama si charles, they said sorry kung mainis man ako kasi pinagti-tripan nila ko kay Ryle. Onting deep talks lang with them ngayon ko nalang ulit sila nakausap after 6years naging kaibigan ko na din sila pero dahil nga yung mga boy friends na yan nagtatakipan lang ng kalokohan kaya 'di ko na sila kinausap.
dito kami sa may eroplano na bumabaliktad katabi ko si dylan sa likod namin si matthew at lily, ganto pala kahilo yon pucha sumakay ako dati dito noon kasi may malagkit akong nakita papalabas ng rio grande.
Pag baba namin lahat kami gume gewang sa hilo gusto tuloy nila uminom sa tagaytay after ng fireworks display deretso kami tagaytay tapos nag rialto kami kase paborito ko daw yon nag ferriswheel yung iba pero ako umupo nalang ako para ma feel yung hangin dito sa pinas sobrang lamig pa naman.
"lamig?" seb asked me may dala syang kape.
"akin yan?"
"hindi"
tinarayan ko sya na alam mo namang nagbibiro lang ako
"hawakan mo , sandali lang"
napalakas ata bulong ko inabot nya sakin yung kape bibilli daw sya ng para sakin alam nya daw kasing americano lang iniinom kong kape tinarayan pa ko bago sya umalis maya maya dumating na din sya naka cap sya na black ngayon bumalik ata ng van.
"urong don, oh kape mo akin na yan"
i smiled a bit he's still the same mawawala na lang sa mood bigla he asked me why i didn't join the others sa ferris wheel napa ilang nalang ako then laughed about the memory i remembered. kung naalala ko daw ba tumawa din tuloy sya.
"course mo?"
"civil engineering stomoyon?"
"HAHAHAHAH naks talino"
"ikaw? ano?"
"film" i answer him and take a sip at my cup
"seoul diba?"
"oo"
tatanungin ko pa sana sya pero dumating na sila magfa fireworks na kasi naka tayo lahat sa may carousel after a minute nag start na sobrang ganda, naiyak ako di ko din alam kung bakit. sobrang tagal pa bago ako maka balik to ill miss this vibe just having fun with fiends gala and everything.
"gwaenchana" (its okay)
"yeppeuda" ( pretty) napatawa tuloy ako sa pagbigkas ni sebastian sakin non
"how was it? yan lagi ko naririnig kay ashley sa bahay kaka-kdrama"
"gwaenchana"
after fireworks dumeretso na kami sa papa doms, sagot daw matthew kaya dapat daw magpaka lasing. 1hr driving lang naman pag walang traffic madami silang inorder di ganon kadami yung tao kaya nakahanap agad kami ng table sa labas sa may terrace na, 3 bucket na may red horse san mig at smirn off tapos may 2 pang tequila may 5 cocktails pa para sa girls.
"hoy magpapakamatay ba kayo? first time nyo uminom?"
"ang stressful ng college life at nakaka survive naman kami at ikaw naka survive ka don sa rehearsal at aral. we deserve this"
matthew said, i totally agree kailangan ko mag practice at mag aral pa ng malala. Nagtanungan kami kung ano yung mga cocktails namin tapos may dumating pang isang cocktail sabi namin wala kaming inorder kay seb pala yung sex on the beach.
"si Ryle magpapaka wasted ampucha,dadagdagan pa nya yan mamaya tignan nyo"
as the time goes by nalasing na din sila naka 3 dagdag pa kaming bucket di pa din ako nalalasing 'di ko din alam kung bakit samantalang sila mga tulog na pero shot pa din, tumayo ako at nag muni muni sa may terrace ang lala ng fog kaya maganda sinundan pala ako ni seb
"ingat ka don ah?"
"hmm oo naman hahaha"
may dala syang isang red horse while talking to me 'di ko alam kung lasing ba to o ano
"kamusta ka naman na? malungkot ba don?"
"medyo, tapos nahirapan pa ko nung 1yr ko don pero keri naman. ikaw musta engineering?"
"okay naman, kaso parang may iba pa akong gusto" ako ba 'to? hahaha my gosh my mind 'di ko alam kung anao tinutukoy nya pero parang sa course nya ata parang 'di na nya gusto ang engineering, bumalik na din kami sa table at nag order kami ng kape since 4am na sya na ang magda drive
"nag text ka ba kila tita? yare ka sa tatay mo"
"oo"
pinagbigyan na siguro ako nila mama sa korea puro rehearsal ang aatupagin ko, ako na ang nasa passenger seat at lahat sila tulog na. nagpatugtog nalang ako para di awkward, nahatid na namin sila sa kanya kanya nilang bahay last nya ko hinatid tapos ibabalik nya yung van kila matthew.
"thank you, ingat ryle"
"bukas na flight mo diba?"
"oo"
"ingat"