1

53 3 0
                                    

1

Nabuhayan ang loob ko nang marinig ang malakas at maingay na tunog ng music sa loob ng Blare. I miss partying!

"Welcome back, party girl!" bati sa akin ni Walter. I grinned.

"I miss this!" hiyaw ko at tumawa.

It's been a year or two? Partying is my life since 16 years old. And I'm already 19 and still a party girl!

"Do you see Vandoss?" nakangising tanong sakin ni Mia. Umiling ako at lumagok ng isang shot ng Vodka.

"Hindi ko pa nakikita. Why?" tanong ko.

"So delicious." sabi sa akin ni Lesley at tumawa. Napailing ako sa kanila. They are still shipping me with Dos. Di makaget over!

"Tigilan niyo na nga ako jan. May bago na yung tao!" sabi ko sa kanila at lumagok uli ng isang shot. I saw him sa mall, he's with Eilly. I caught them hugging each other sa mall. Tapos sasabihin na hindi sila magjowa? God, ano yon!

"Sino ang bago? Wala naman." sabi ni Walter sa akin.

"Meron, bagong apak lang ata sa Nyuborn." sabi ko sa kanila. Mabait si Eilly and she's very beautiful. Malabong hindi magustuhan ni Dos.

Inilapag ko ang iniinom ko at tumayo na. Napangisi ako sa sobrang ingay na music. It's time to show who's the party girl!

Sumayaw ako kasabay ang mga taong hindi ko kakilala. Nag eenjoy ako sa pagsayaw ng may humawak sa bewang. Napangisi ako ng makita si Caleb. Batchmate ko noong highschool.

"Long time no see, Lana." sabi niya sa akin at nakipagsayaw. Nakangisi ako dahil sa kagagahan na mga pinaggagawa ko.

Hindi lang si Caleb ang naisayaw ko noong gabing yon. I danced with different guys. I flirted and talked with them. Iniiwan ko sila kapag alam kong gumaganti na sila sa panlalandi ko. Well, yes to landi, no to label. 

"Nagenroll ka na?" tanong sakin ni Lance.

"Yes." sagot ko sa kanya at ngumisi.

"Galing ka sa bar kagabi? Nakita ka ni Jace doon. Iba iba daw ang kasama mong lalaki." sabi niya sa akin at binigyan ako ng gatas.

"Landian lang. You know me." sabi ko sa kanya at ngumisi. Napailing naman siya.

"Yes, kilalang kilala kita." sabi niya at umalis na sa kusina.

Inubos ko ang gatas ko at pumunta sa living room. Nakita ko doon si Kuya Landon na busy sa laptop.

"Sabi ni Lance pumunta ka sa Blare kagabi. Totoo ba?" tanong niya sa akin. Ngumisi ako.

"Yes. Kuya, nakaraan na yon. Kalimutan na." sabi ko sa kanya at ngumisi.

"Nakaraan? Dalawang taon pa lang nakakalipas, Lana. Baka gusto mo ipaalala ko kung ano ang nakaraan na yon." seryosong sabi niya sa akin. I snorted.

"Kuya, move on na. Hayaan na lang." sabi ko sa kanya at umakyat na sa kwarto.

Naghanap ako ng susuotin kong damit dahil pupunta ako sa mall para bumili ng gamit sa school. Naalala ko na naman ang nakita ko noong nakaraan. Napailing na lang ako.

Kinuha ko ang loose white shirt ko at highwaisted shorts. Inilabas ko ang itim kong rubber shoes at dumiretso sa banyo.

Wala akong kasama magmall dahil wala naman akong close friend kundi si Dos lang. Sana pala ay naghanap ako ng madaming kaibigan noon para atleast may kasama ako ngayon. Sumasabit lang naman ako kina Mia at Lesley eh.

"Lance, samahan mo ako." sabi ko kay Lance na busy sa paglalaro ng computer.

"Saan?" tanong niya habang hindi tumitingin sa akin.

HookedWhere stories live. Discover now