2

40 3 0
                                    

2

"Ma, ayos nga lang ako. Yes, nagpaparty pa ako but I have my limitation." sabi ko sa kanya. Nagsskype kaming dalawa. Ako lang naman ang tao dito sa bahay eh.

"Siguraduhin mo lang ah. Kapag may nangyari na naman sayo, hindi na kita papabalikin jan sa Pilipinas!" sabi niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya.

"Ma, wala nang mangyayaring masama. Chill ka lang." sabi ko sa kanya.

Nag usap pa kami ni Mama tungkol sa pag aaral ko. Nangako ako sa kanya na walang sinco na grade ngayong second year college. Tamad at mahina ako sa pag aaral pero ginagawa ko naman ang lahat para maging maayos ang grades ko.

Tumayo ako sa sofa at kumuha ng ice cream sa ref. Busy si Kuya Landon sa business at ewan ko kung nasaan si Lance. Baka nambabae kung saan saan.

Nanood ako ng isang action series. Malapit na magkapasok kaya sulitin ko na 'to. Magiging busy na ako sa pag aaral sa susunod na mga araw.

Nagtaka ako ng may kumatok sa pinto. Wala naman akong bisita ah? Sinilip ko kung sino ang kumatok. Nakita kong si Dos yun kaya pinagbuksan ko agad siya.

"You need something?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong magawa eh. Bored." sabi niya at umupo sa sofa.

"Wala kang magawa kaya guguluhin mo ako?" tanong ko sa kanya at bumalik sa sofa na kinahihigaan ko.

"Ganon ang ginagawa mo sa akin dati. Gigisingin mo ako kasi sabi mo wala kang magawa." sabi niya sa akin at ngumisi.

Natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman yun eh, ganon kami noon. Ewan ko baka nagbago na ngayon.

"Bakit hindi si Eilly ang guluhin mo? Eh bestfriend mo yun diba?" sabi ko sa kanya at tumawa. Napataas ang kilay niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin, itinuon ko sa laptop at inayos yun.

"Jealous?" nakangising tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Nah. Why would I?" sabi ko at umiling. Such a liar, self!

"Ikaw ang bestbestfriend ko no!" sabi niya sa akin at ngumisi. I snorted.

"Bestbestfriend mo mukha mo." sabi ko sa kanya at tumayo. Pumasok ako sa kusina at naghanap ng pagkain. Ayaw tumigil ng puso ko sa pagwawala dahil kay Dos. Damn.

"Bestfriend mo yun, self. Ano ka ba!" bulong ko sa sarili ko at naghanap ng pwedeng pagkain na iluluto. Nakakahiya kay Dos dahil baka gutom na.

"Labas tayo. Kain tayo sa labas." aya niya sa akin. Napalingon ako sa kanya. He was leaning on the kitchen's door, hands in his pocket and he's smiling sweetly. Damn, this man is the definition of perfection!

"Tulo na laway mo." napakurap ako sa sinabi niya. Umirap ako sa kanya.

"Do you remember Aling Lala's Goto and Mami?" tanong niya sa akin. Inalala ko ang pangalan na yon. Napangisi ako ng maalala yun.

"That's our favorite place to eat after school." sabi ko at ngumiti.

"Bihis ka na. Magbike tayo papunta doon." sabi niya sa akin. Tumango ako at umakyat na sa kwarto para magbihis. Nagsuot ako ng leggings at loose shirt at kinuha ang wallet at phone ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Dos sa sala nakaupo.

"Tara, kunin muna natin yung bike sa bahay." sabi niya sa akin. Inilock ko ang pinto at nagsimula kami maglakad papunta sa kabilang bahay.

"Do you still live here?" tanong ko sa kanya. Mukhang nairenovate na ang bahay niya. Modern na ang itsura.

"Yep, I live here alone." sagot niya at binuksan ang gate. Dumiretso kaming dalawa sa garage at kinuha ang dalawang bike doon. Pinunasan muna namin yun dahil maalikabok.

HookedWhere stories live. Discover now