19
"Lana." napalingon ako kay Michelle. Kablock ko siya ngayon sa subject namin at groupmates kami. I have no choice kundi pakisamahan siya.
"Bakit?" tanong ko at inihinto ang pagsusulat ko. Ako ang ginawang secretary ng leader namin dahil ayun lang ang maiiaambag ko sa kanila.
"Pakisabi naman kay Dos na sagutin niya ang mga tawag ko..." mahinang sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko. Nag uusap sila ni Dos?!
"Okay..." utas ko at bumalik na sa pagsusulat. Hindi ko alam na may communication pala sila ni Dos.
Napabuntong hininga ako sa sakit na naramdaman ng puso ko. Damn. Nanikip lang, baka kulang ako sa hangin. Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Calvin. Isa sa kagroupmate ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Nanikip lang ang dibdib ko. Ayos lang ako." sabi ko sa kanya at bumalik na sa pagsusulat.
Halos mapagod ang kamay ko sa pagsusulat. Ganito ang ambag ko sa tuwing may group activity, taga sulat. Ayaw na ayaw kong magpresent o magreport dahil baka masayang lang ang gawa namin. Minsanan lang ako magbigay ng opinyon dahil minsanan lang din ako tanungin. Kapag nasama ako sa grupo, asahan mong taga sulat ako.
"Ikaw na ba mag uuwi ng mga cartolina?" tanong sa akin ng group leader na si Liezel.
"Yup, ako na. Tatapusin ko sa bahay." sabi ko sa kanya at inirolyo ang sampong kartolina. Ewan ko ba kung bakit visual aids ang gusto ng professor namin, dapat ay naka projector na lang para mas presentable.
Anlaki pa ng problema dahil kailangan may borders para mas maging presentable tignan.
Bitbit ko ang sampong kartolina sa susunod kong klase. Inayos ko yun sa upuan ko at pagod na sumandal sa likod ng upuan.
"Hi, may nagpapabigay sayo." sabi ng isa kong kaklase at inilapag ang isang rosas at dalawang Ferrero Rocher na paheart ang hugis. Napataas ang kilay ko. Sino ang magbibigay sa akin ng ganito eh hindi naman Valentine's day?!
Nakita kong may message pa sa rosas. Nakadikit yun sa tangkay. Napataas ang kilay ko dahil anlinis ng pagkakasulat. Lahat capslock at pantay pantay. Wow, nakakainlove naman ang sulat.
HI,
I HOPE YOU LIKE THESE. I KNOW YOU LOVE CHOCOLATES. AND DID YOU KNOW THAT I LOVE YOU, TOO?
LOVE, DOC.
Napataas ang kilay ko. Is this from Lincoln? Damn! Pang apat na araw na siyang di nagpaparamdam tapos susurpresahin niya ako sa ganito? Halos hindi ko mapigilan ang pagngiti sa tuwing nakikita ko ang rosas na nasa lamesa ko. Itinago ko na sa bag ang dalawang chocolate. Ititext ko sana si Lincoln kaso dumating ang professor namin.
Wala akong nagawa kundi itago ang phone at makinig para matuto. Ganado ako sa pakikinig dahil nabubuhayan ako sa tuwing nakikita ko ang rosas na nasa lamesa ko. No one did this to me. Walang nagbibigay sa akin ng rosas. Si Lincoln pa lang.
"I'll help you." sabi ni Dos at tinulungan akong magbitbit ng mga cartolina. Wala pa din ang kotse ko, na kay Lance pa din. Nasira ang kotse niya, wala daw siyang pangchics. May Dos at Lincoln naman daw ako na maghahatid at sundo.
"Thank you, Dos." sabi ko at sumandal sa kotse niya.
"Mukhang madami kang gagawin ah. Kailangan mo ba nang tulong?" tanong niya habang nilalagay ang mga kartolina sa backseat.
YOU ARE READING
Hooked
Romance[THROE SERIES 2] Lana Francess Hilario lives her life the best and the fullest. She believes that no one can stop her on wanting more. She wants more and she'll get more. Even if there's something who blocks her way, she disregards all of those. She...