10
Humikab ako at bumalik sa pagsusulat ng notes. Nakakaantok mag aral. Nakaupo sa harap ang professor namin. Pag natulog ako dito, baka ibagsak ako nito.
Napakunot ang noo ko ng magvibrate ang cellphone na nasa bulsa ng palda ko. Sino ang magtetext sa akin sa kalagitnaan ng klase?
Patago kong kinuha ang phone ko dahil dalawang beses pa siyang nagvibrate. Napataas ang kilay ko nang makita na galing kay Dos at Lincoln ang texts.
From : Dos
Nadaanan ko classroom niyo, inaantok ka na naman. Yari ka jan sa prof mo tignan mo.
From : Lincoln
Studywell. Wag kang matulog.
Natawa ako sa texts nilang dalawa. Nakakabuhay naman! Parang alam na alam ng dalawang 'to na antukin ako sa klase! Damn.
Nagtype ako ng reply kay Dos. Sinisilip ko pa si Prof dahil baka tumingin sakin at mahuli ako.
To : Dos
Sus, sinilip mo lang talaga ako eh >_<
Bumalik ako sa pagsusulat habang nag aantay ng reply ni Dos. Di ko alam kung may klase ba sila o wala, lagi naman pa petiks petiks yan si Dos pero matataas ang grades.
Kinuha ko ang phone ko ng magvibrate yun. Napangisi ako sa reply niya.
From : Dos
gAnDA muO eiH,,,sAraP mUo tiGqnAn.,,..nOtIxCe mIeH///,,,<<<333
Ngumisi ako at nagtype ng message.
To : Dos
you're so parang jejemon because sa typings mo. you're so kadiri katalk.
Bumalik ako sa pagsusulat, nasa ilalim ng notebook ko ang phone. Inaantay ko ang reply ni Dos. Mapipikon yun dahil sa pagiging conyo ng reply ko. He hates conyo. Tumigil ako sa pagsusulat at tinignan ang reply ni Dos. Muntikan na akong matawa dahil sa chat niya. Halatang pikon.
From : Dos
Pwede ba, wag mo akong kausapin kung conyo ka. Nakakairita kaya.
I typed my reply at pigil ang pagtawa.
To : Dos
i'm very sorry na bestfriend. i hope you can patawad me na 👉👈
Natawa ako dahil hindi na siya nagreply. Napikon na ata. Arteng arte kasi yun sa mga conyo kaya napipikon kapag nagcoconyo conyohan ako. Tinapos ko ang pagsusulat at nakinig na kay Prof.
Nawala ang antok ko dahil kay Dos. Jusko! Buti naman nawala ang antok ko dahil biglang nagpa exam si Prof. Confident naman ako sa mga sagot ko. At confident din ako na nasa average ang score ko.
Lumabas ako ng room at naglakad papuntang gym. PE ang next class ko. Volleyball. Marunong ako pero di magaling.
Pagkadating ko ay andoon sina Dos, nagbabasketball. Andoon na ang iba kong kablock kaya umupo na muna ako. Wala akong kaclose sa blockmates ko. Mga masusungit at famous ata kasi di naman sila nakikipag usap sakin. Bahala sila jan, kung ayaw nilang pansinin ako, edi wag.
"Girls, bihis na sa pang volleyball attire." sigaw ni Prof.
Nakita ko si Dos na nakaupo sa gitna ng court, kausap si Clevin. Nagulat ako ng ituro ako ni Clevin, ngumisi sa akin at umiling.
Di ko na lang pinansin. Dumiretso ako sa locker room at kinuha ang PE na pangvolleyball at sapatos. Nagbihis ako agad at itinali ang maikli konh buhok. Iniwan ko sa locker ang bag ko.
YOU ARE READING
Hooked
Romance[THROE SERIES 2] Lana Francess Hilario lives her life the best and the fullest. She believes that no one can stop her on wanting more. She wants more and she'll get more. Even if there's something who blocks her way, she disregards all of those. She...