9

23 2 0
                                    

9

"Poochie. Stay there." sabi ko sa aso ko. Pipicturean ko kasi sila ng mga anak niya. Goldy delivered 6 puppies. Tig tatlo kami ni Lincoln. Apat ang babae at dalawa ang lalaki kaya hinati din namin. Tig dalawang babae at isang lalaki.

I named them Love, Lin, and Lan. They remind me of Lincoln. Goldy delivered them noong nasa US na si Lincoln. 63 days lang naman na buntis si Goldy and she delivered 6 puppies.

"Wow, ang cute naman." sabi ni Kuya Landon at binuhat ang isang tuta. Siya yung lalaki, kulay itim at may brown sa dulo ng buntot. Siya si Lin. Tapos si Love naman ay may paheart shape na ilong. Si Lan ay kulay Golden brown. They were cute and adorable puppies. Nadagdagan ang duty ko dahil sa mga anak ng anak ko.

Inaayos ko sila tuwing gabi sa tabi ni Pooch at Goldy. Nandito din si Goldy at ang iba pa dahil walang nag aalaga sa kanila dahil wala din doon sina Mrs. Guttierez.

Dumedede sila kay Goldy and lagi lang nakahiga. They were so adorable.

"Mommy duties?" nakangising tanong ni Dos. May dala siyang pizza. Ngumisi ako sa kanya.

"Duty mo na dalhan ako ng pagkain, bestfriend." sabi ko sa kanya at ngumisi.

Kumain kami ni Dos. Andito si Kuya Landon, humihingi ng tuta para daw may maalagaan siya. Gusto niyang kunin si Lin pero ang sabi ko ay si Love ang kuhain niya.  Pumayag naman siya.

"Kailan daw ang balik dito ni Lincoln?" tanong ni Dos sa akin. I shrugged my shoulders.

"I don't know. Maybe next week?" sabi ko.

Naging ayos uli kami ni Lincoln, but we're not in a relationship. Friends lang ganon. Dos was still mad pero syempre, dahil bestfriend niya ako, ayos lang sa kanya na maging kaibigan ni Lincoln. He admitted that he still loves me. I love him but let's just take it slow this time.

"Babalikan mo ba?" tanong niya sa akin.

"Tigilan mo ako. Tulungan mo na lang ako sa project ko wag na sa love life." sabi ko sa kanya at ngumisi. Pinitik niya ang tenga ko.

"Tamad ka talaga." sabi niya sa akin.

Sus, isa pa 'to. Kunwari ayaw ako tulungan tapos siya naman ang gagawa. Love na love talaga ako ng bestfriend ko.

"By the way, gusto mo sumama sa Blare mamaya?" tanong sa akin ni Dos. Ngumisi ako sa kanya.

"Ako pa ba tinanong mo? Malamang it's a yes." sabi ko sa kanya at sumandal.

Naamoy ko kaagad ang mabango niyang amoy. Sarap talaga amuyin nito ni Dos.

"Gusto mo ng pabango ko?" tumatawang tanong niya sa akin.

"Che!" sabi ko at lumayo na sa kanya.

Dos witnessed how much I cried for Lincoln. Taga abot pa nga siya ng tissue eh. He hugged me til I sleep. I'm so lucky to have him as my bestfriend.

Never ako pinabayaan at kinalimutan. Kahit nag iisa ko lang siyang kaibigan, di naman ako iniwan. And I'm very thankful to have him in my life.

---

"What's up party girl." bati sakin ni Haru Ngumisi ako sa kanya at agad na kumuha ng isang shot. Kasama ni Dos and ibang varsity players at iba pa. Puro lalaki naman sila at walang babae.

"Himala, wala si Clevin?" tanong ko kay Dos. He smirked.

"He was busy with his girl." sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.

"Sinong girl? Si Lianna?" naguguluhang tanong ko. Umiling siya at uminom ng beer.

"He was busy with Eilly. His target." sabi niya at ngumisi. Napataas ang kilay ko. His what?! Target for???

HookedWhere stories live. Discover now