34

23 2 0
                                    

34

It's been a week matapos ang nangyari at pagkagulo ng sistema ko. Isang linggo kong hindi muna kinausap si Dos. Maybe it was hellish for me pero kinaya ko. Mahirap na wala si Dos sa tabi ko. Sobra. Dahil nakasanayan ko na nasa tabi ko siya.

Napabuntong hininga ako at nag antay ng sundo. Si Lance ang taga hatid sundo ko ngayon dahil hindi ko pinapansin at pinapalapit sa akin si Dos.

Napamura ako dahil biglang bumuhos ang ulan. Napaurong ako at nabangga ang tao sa likod ko. Napalingon ako at agad na tumalon ang puso ko nang makita si Dos.

Seryoso ang mukha niya at binuksan ang payong na hawak niya.

"Use this. Ayokong magkasakit ka." seryosong sabi niya at iniabot sa akin ang payong. Napaawang ang labi ko ng bigla siyang naglakad papalayo sa akin. Muling nasaktan ang puso ko.

Nakatitig ako sa papalayong bulto ni Dos na unti unting nababasa at papalayo sa akin. Napakurap ako ng makarinig ng busina.

"Pumasok ka na." sabi ni Lance. Muli akong tumingin sa direksyon ni Dos pero wala na siya doon.

Mabilis akong sumakay sa kotse at inayos ang suot ng seatbelt. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sino ang nagbigay ng payong?" tanong ni Lance sa akin habang nakatingin sa payong na hawak hawak ko.

"Si Dos.." sabi ko at napakagat sa labi ko.

"Bakit hindi mo pa din pinapansin si Dos? Kawawa naman yung tao." sabi niya habang nagmamaneho.

"Hindi ko alam.." sagot ko at iniayos ang payong sa gilid.

"Pansinin mo na. He deserves to be forgiven." sabi ni Lance sa akin at ngumisi.

Napailing ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay gusto ko na makausap si Dos. Namimiss ko na ang mga yakap at halik niya.

Napatawad ko na si Dos. Hindi ko lang talaga lubos maisip ang mga nangyayari. I really want to see and talk to him.

Nagtetext naman kami at medjo nag uusap.  Humingi lang ako sa kanya ng space at pinagbigyan naman niya ako. Ayun nga lang ay wala pa kaming matinong pag uusap.

Ang alam ko ay nasa mansion siya ng Echavarria ngayon kasama si Clevin. Ilang buwan na lang at magtatapos na ako ng second year college. Damn, kaunti na lang!

Agad akong naghubad ng damit at pumasok sa banyo. Nagpakababad ako sa tubig habang nagbabasa ng libro. My kind of relaxation.

Nagsuot ako ng nightgown at humiga sa kama. Napakagat ako sa labi ko ng makita ang damit ni Dos na suot ng isa kong teddy bear. I missed him, a lot.

Yinakap ko yun at nagmuni muni.

I already forgave him because that's what he deserve. Nagkamali siya dahil tao lang siya. Naging duwag siya at hindi niya ako natulungan. Kuya Landon explained it to me. Maybe Dos' was a coward before but he make things right and clear now. Atleast hindi na siya uli naduwag ngayon. He became my witness. Siya ang naging daan para magkaroon ako ng hustisya.

Nagalit ako sa kanya. Kung tinulungan niya lang ako noon ay sana ay walang ganitong mangyayari. Wala sanang gulo at wala sana akong peklat na galing sa nakaraan. It was painful. I experienced being bullied, harassed, and I experienced hell.

I'm rich and pretty pero wala palang takas kahit gaanon ka pa kaganda. Kahit ano ang itsura mo, wala kang takas sa mapanghusga at mapanglait na lipunan. They will drag you down because you're not perfect for their eyes. Hindi mo napunan ang mga gusto nila na dapat ikaw at gawin mo.

Michelle and the rest really hated me to death. They even wished for my death. They are cruel. Hindi ko alam kung bakit nila nagawa sa akin yun. They really hate me so much to the point that they'll pay someone just to hurt or punish me. Wala akong ginawang masama sa kanila but they keep dragging me down.

HookedWhere stories live. Discover now