18
"Lincoln, where are you?" inis na tanong ko sa phone habang naglalakad papauwi. Damn! Wala si Dos at naglalakad ako ngayon dahil akala ko ay susunduin ako ni Lincoln dahil lagi naman niyang ginagawa yun!
"I'm sorry, Lana. Si Mommy kasi may pinaasikaso sakin." seryosong sabi niya. Napataas ang kilay ko. He used to call me 'love' pero ngayon ay Lana na? Wow.
"Naglalakad ako pauwi dahil akala ko ay susunduin mo ako!" sabi ko sa kanya.
"I'm very sorry. Aayusin ko sa susunod, I'll hang up na. Sorry." sabi niya at naputol ma ang linya. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa phone ko. Did he really cut the line with out any sweet words or paalala? Damn, he's acting very weird since yesterday!
Huminto ako at tumawag kay Dos. Aabutin ako ng gabi kapag naglakad ako pauwi. Ayokong sumakay ng taxi nor jeep dahil mag isa lang ako. Mahirap na at babae pa naman ako.
"Why..?" Dos' sleepy voice made my heart jump. Nagising ko ata? Damn.
"Nagising ba kita?" nahihiyang tanong ko sa kanya. I heard his deep sigh.
"Uh..not really. Ikaw naman yan so okay lang maistorbo. Bakit? Where are you?" he really sounded sleepy. Napakagat ako sa labi ko. I used to disturb him sa lahat ng ginagawa niya pero hindi ko alam kung bakit ako nahihiya ngayon.
"Hindi ako nasundo ni Lincoln. Naglalakad ako ngayon...pwede pasundo?" nahihiyang sabi ko at napakagat sa labi. Bakit ba ako nahihiya kay Dos? At bakit ngayon pa ako nahiya?! Jusko, Lana.
"Okay, stay where you are. I'm comming." sabi niya sa kabilang linya.
"Thank you!" sabi ko at naputol na ang linya. I texted him where I am tapos pumasok ako sa malapit na kainan. Dos loves to eat so baka masiyahan siya kapag binilihan ko siya ng pagkain.
Bumili ako ng dalawang large Wintermelon Milktea at dalawang large French Fries. Iniinom ko na ang milktea ko habang inaantay siya. Iniayos ko ang mga gamit ko nang makita ang kotse niya. Agad akong lumabas.
Binuksan niya ang pinto at agad akong sumakay sa kotse niya. He's wearing plain black tshirt at itim na khaki shorts. Mukhang wala siya sa mood dahil hindi niya ako kinikibo.
"Do you want some? I bought this for you." sabi ko sa kanya at ngumiti. Hindi niya manlang ako tinignan. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hawak hawak ko ang milktea niya at ang milktea ko, nasa hita ko nakapatong ang dalawang fries. Napakagat ako sa labi ko dahil nangangalay na ang kamay ko. Dos is quiet, ayokong guluhin siya dahil naistorbo ko na siya sa pagtulog niya. Damn.
"I will take you home." sabi niya at kinuha sa kamay ko ang milktea niya. Nagtaasan ang balahibo ko nang dumampi ang kamay niya sa kamay ko. Fudge. Ano na naman 'tong nararamdaman ko?!
Sumandal ako at nagsimulang kumain habang nakatingin sa bintana. Hindi pumasok si Dos at hindi ko alam kung ano ang dahilan niya. Ayoko ng tanungin dahil mukha siyang wala sa mood.
Napataas ang kilay ko ng mapansin na iba ang dinadaanan namin. Nilingon ko siya. He's still quiet and placid.
"Saan tayo papunta? Hindi naman 'to ang daan papunta sa condo ko." sabi ko sa kanya at uminom ng milktea.
"I told you, I'll take you home. In my home. Bakit, ayaw mo ba, Lana?" his serious and deep voice sent tingles all over my stomach. Parang may mabubuhol na intestine sa sobrang kiliti na naramdaman.
Hindi na ako sumagot. He really looks so serious and deadly, parang kahit anong oras ay sasakmalin niya ako. Sana ay tawa na lang siya nang tawa. He really looks so scary when he's serious.
YOU ARE READING
Hooked
Romance[THROE SERIES 2] Lana Francess Hilario lives her life the best and the fullest. She believes that no one can stop her on wanting more. She wants more and she'll get more. Even if there's something who blocks her way, she disregards all of those. She...