6
Hinihingal ako pagdating sa classroom. Fuck, nakasara na ang pintuan. Damn! Yari ako kay Prof. España! Sumilip ako sa bintana at nakitang busy sila sa paglelesson. Magagalit sa akin 'to kapag kumatok ako. Matandang dalaga pa naman. Fuck! Ano na ang gagawin ko?
Hindi ko na nga maintindihan ang mga nakaraang discussion about sa latest topic, tapos malelate pa ako sa bagong topic! Argh! Bakit ba kasi hindi ako nakikinig?!
"Cutting classes again, Frances?" napalingon ako sa nagsalita. It's Dos, mukhang may practice sila sa basketball. Napasimangot ako sa kanya at umiling.
"Nalate ako dahil kakatapos ko lang maghabol ng isang quiz kay Prof. Suarez. Alam kong hindi na ako papasukin ni Prof. España, mainit dugo niyan sakin eh." sabi ko at bumuntong hininga.
"Ako ang bahala." sabi ni Dos at kumatok sa pintuan ng classroom. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko, tangina, baka mapahamak pa ako lalo!
Nasa likod ako ni Dos. He's wearing basketball jersey, Echavarria no. 21. May puting tshirt siya sa loob non. Napakagwapo talaya!
"What can I do for you, Mr. Echavarria?" matigas na ingles na tanong ni Prof. España.
"Lana Hilario got excused but I forgot to give you the excuse letter. Mr. Damian talked to her because of some personal problems. I hope you won't mind letting her in, she's scared to knock because you might not let her in. Sorry for my inconvenience." tuloy tuloy na sabi ni Dos. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, he lied! Damn! Pagnabuking kami, yari talaga!
Tumango si Prof. España. She fixed her thick eyeglasses before she spoke.
"Send me the excuse letter after class. Ms. Hilario, pasok." sabi niya at bumalik sa harap ng klase.
Tumingin ako kay Dos na nakangisi at nakathumbs up.
"I got your back, don't worry. Mag aral ka ng mabuti para hindi masayang ang palusot ko." sabi niya sa akin at ngumiti.
Natawa ako sa kanya at pumasok na agad sa loob bago magbago ang isip ni Prof. España.
Madaming mata ang nakatingin sa akin pagpasok ko. Di ko sila pinansin, mga gandang ganda ata saken, nagbubulungan pa. Dumiretso ako sa likod at doon naupo.
Mabuti at may naintindihan ako sa lessons ngayon. Nangako ako kay Mama na walang sinco na grade. Kailangan ko ng tres pababa na grade para makuha ko ang gusto ko. Kapag natupad ko ang pangako ko kay Mama ay papayag na siyang tumira ako sa New York kasama ang half sister ko. Helga is nice. Nakasama ko siya noong nasa Canada ako. She's older than me. 2 years older.
My Mama was married to Tito Deo noong ipinagbuntis niya ako. While Daddy is married to Tita Grace. Ako ay nabuo sa isang pagkakasala. They were both married noong nabuo nila ako. Ako ang kasalanan na minahal nila. And I'm proud of it na kahit gawa ako sa pagkakasala ay hindi nila ako pinabayaan. Nag away si Daddy at Tita Grace noon, ganon din si Mama at Tito Deo.
Noon ay ayaw sa akin ni Tita Grace dahil anak ako sa labas ni Daddy. Ganon din si Tito Deo dahil anak din ako sa labas ni Mama. Oh edi sige, lalabas na lang ako mag isa. Mabuti at natanggap na din nila ako.
"Frances, tulala ka jan?" napakurap ako at napatingin kay Dos. Tinutulungan niya pala ako sa isang subject ko tapos di ako nakikinig sa kanya. Magkaiba kami ng course pero mas naiintindihan niya ang course ko. Damn, sana all!
"Naisip ko lang na anak ako sa labas ni Mama at anak ako sa labas ni Daddy. Anong tawag sakin?" tanong ko sa kanya.
"Anakan kaya kita para makinig ka na saken. Gusto mo?" sabi ni Dos sakin at nagtaas ng kilay. I snorted. Sumandal ako sa kanya at pabirong humilik.
YOU ARE READING
Hooked
Romance[THROE SERIES 2] Lana Francess Hilario lives her life the best and the fullest. She believes that no one can stop her on wanting more. She wants more and she'll get more. Even if there's something who blocks her way, she disregards all of those. She...