Kabanata 2

192 37 99
                                    

ANG KONTINUASYON NG KABANATA 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ANG KONTINUASYON NG KABANATA 1

Eartha's POV

"A-Ama?! Ano't naririto ka?! " nag-aalala kong tanong.

"Nais kong maging mapayapa ang buong Oceania of Arizona, bago pa man ako mawalan nang hininga sa ilang sandali," Sagot niya.

"Kahit ama pa kita ay kalalabanin kita. Simula ngayon ay 'di na kita kinikilalang ama sa aking buhay," Wika ni Blaze.

Lumalabas ang aking mga ugat,"Taksil! Walang hiya ka! "

"Wala kang mapapala, matandang lalaki! " sigaw niya.

Ngumiti ako, "Ang ninja ay hindi kaagad natatalo. Wala akong ibang dahilan para kalabanin ka, Blaze."

Bumagsak ang panga niya, "Hindi mo alam kung sino ang kaharap mo, Eartha. 'Di mo ako gaanong kilala…"

"Bakit hindi mo 'yan banggitin sa iyong sarili, kapatid? 'Di mo gaanong kilala ang iyong sarili pagkat mali ang tinatahak mo," Sagot ko.

"Pasaway! 'Di ka talaga nagbabago gaya ng dati," Wika niya.

Isang malakas na pagbasabog ang naganap. Ngunit wala ito para hadlangan ang aking mga pangarap at mga hangarin sa buhay.

"Earth Style: Earthall barrier," Sambit ko.

"Death Clone! " sigaw ng ama ni Gale.

"Eartha… Umalis ka na pagkat mapanganib ang kaniyang kapangyarihan. Hindi mo siya kakayanin," Sambit ni ama.

Napabuga ako ng hangin, "Hindi kita maaaring iwan, ama. "

"Sige na, Eartha. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayong magkakapatid," Mungkahi niya.

Nag-pacing ako pabalik-balik, "Mahal din kita, ama. "

Naglaho ako na parang bula. Ngunit 'di ako umalis pagkat nagtago lamang ako. Gusto kong makatiyak na walang mangyayaring masama sa aking ama.

"B-Blaze, paumanhin ngunit dito na nalalabi ang aking buhay. Sana'y malaman mo ang mga natitira pang mga bagay na nais mong malaman." Pautal-utal na pagbigkas ni ama.

"Tumigil ka na! 'Di na kita kakailanganin pa! Oras mo na para mawalan nang hininga," Sambit ni Blaze.

"Anak… Napatawad na kita," Mungkahi ni ama.

"Ama! " sigaw ko at lumapit ako sa kaniya.

"E-Eartha… Patawad…" Wika niya.

Bigla akong lumakas pagkat ipinasa sa'kin ni ama ang malamahika niyang kapangyarihan.

Humihingal siya at umiyak, "Pasaway! Magsama na kayo, Eartha! "

Umiiyak ako na parang ilog,  "Taksil! Lapastangan ka sa pamilyang Ellison! Simula ngayon ay wala nang saysay ang ngalan mo sa aming pamilya! Huwag mong asahan na tatanggapin ka namin! "

Into The Unknown [BOOK 1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon