Eartha's POVAno nga ba'ng araw ngayon? Oo nga pala! Ngayon na gaganapin ang seremonya ng bagong pinuno sa aming nayon.
Ano'ng punto no'n? Tsaka wala naman siyang pakialam sa'kin. Mas pinapahalagahan niya pa iyan kaysa sa'kin.
Kumaway sa'kin si Myrtle, "Uy, Eartha! "
"Alam mo ba na ngayon gaganapin ang seremonya? " tanong niya.
"O-Oo! Nabanggit nga sa'kin ni Tiyo Glynis," Pilit kong iwinika.
"Dadalo ka ba? " tanong niya.
"Hindi na… Kaya niya naman 'yon, 'di ba? Tsaka, ibigay mo na lamang ito sa kaniya. Huwag mo pala sasabihin kung kanino galing," Saad ko.
"Sigurado ka ba na hindi ka talaga dadalo sa seremonya? " tugon niya.
"Hindi naman mahalaga para sa'kin ang mga iyon. Para sa kaalaman mo, wala akong itinuturing ina. Kaya kong mabuhay ng mag-isa," Sagot ko.
Umalis na ako at naglakad-lakad. Nasilayan ko ang mga dayan (decorations) na nakasabit sa mga poste.
"Teka! Hindi ba siya na lamang ang natitira sa kanilang angkan? Sa pagkakaalam ko ay dahil ito sa patayan ng tatlong angkan," Bulong ng isang babae.
Nang marinig ang 'di kaaya-ayang salita mula sa mga nilalang, walang ano-ano'y nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako nag-atubiling lumisan nang walang nakakikita sa akin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang kasagutan. Tulungan niyo ako! Ibigay niyo ang sagot! " sambit ko.
"Wasakin ... Wasakin ang lahat nang sumasaktan sa iyo, " Sagot ni Blackwell.
"Bago iyon, ibigay mo sa akin ang iyong kaluluwa. At bibigyan kita ng aking kapangyarihan, "Tugon niya.
Bago ko gawin iyon ay itinulak ako ni Alma pagkatapos ay itinayo. Para siyang buwan na nagliliwanag sa masukal na kadiliman. Nababalot pa ito ng mga kumikinang-kinang na mga bituin.
Ang aking mga tuhod ay nangangatog tulad ng isang halaya (jelly), "Alma?! Anong ginagawa mo rito? "
"Nais ko ring mag-ingat sa iyo. Ang soro sa iyong katawan ay isang makapangyarihang demonyong hayop na tumalikod sa ating nayon, at siyam na taon ang lumipas. Kaya't ibinigay ko sa iyo ang aking kanang mata, " Sagot niya.
"Kapag sapat na ang mga nalalaman mo ay magiging luntian ang matang iyan. Pagkatapos ay magiging dalawa," Tugon niya.
"Gano'n ba? Naiintindihan ko kung bakit mo ito ipinabibigay sa akin," Wika ko.
"Sige! Sa susunod na lamang! Mukhang may paparating na naghihintay sa iyo," Pamamaalam ni Alma.
"Eartha! Kumusta? " Malugod na pagbati ni Myrtle.
BINABASA MO ANG
Into The Unknown [BOOK 1] ✔️
FantasyBABALA. Binabalaan kita, hanggang ngayon ay binabasa mo pa rin ito, tama? Kung gusto mo talagang basahin ito ay mag-ingat ka. Ang aklat na ito ay nakalaan para sa mga nilalang na may malawak na imahinasyon. Inuulit ko, binabalaan kita. Pero ika...