Kabanata 25

8 4 0
                                    

ANG KONTINUASYON NG KABANATA 24

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG KONTINUASYON NG KABANATA 24

Eartha's POV

Sino ba talaga ako? Ano ba 'ko? Kahit na kumpleto na kami, parang wala namang nangyari sa mundo ko. Punong-puno na 'ko ng alaala at pamamaalam.

"Eartha? I-Ikaw na ba 'yan? " Napanganga ang isang lalaking nilalang na ngayon ko lamang nasilayan.

"H-Huh? Ako po ba ang tinutukoy niyo, Ginoo? " tanong ko.

"Sino pa ba? Hindi mo ba alam ang ngalan mo? " sagot niya.

Parang pamilyar siya sa'kin. Hindi kaya siya 'yung kaibigan ni Tiya Hermione?

"Parang pamilyar ka po sa'kin. " Tinitigan ko ang mga nakakainis na mga mata niya na parang agos ng isang malamig na tubig.

"Hindi mo ba 'ko naaala? Hmm, sa bagay sanggol ka pa lamang nang magkita tayo," Pagpapaliwanag niya.

"Paumanhin po, Ginoo. Ngunit hindi po kita matandaan. Ano po ba'ng ngalan niyo? Maaari ko po bang malaman? "

Nanginginig na mga kamay at labi ang ipinamalas niya sa akin, "Kataka-taka ngunit ako si Bosc. Parehas talaga kayo ng ugali sa umpisa ng Tiya mo."

"Sabihin niyo, si Mama po ba talaga ang Ina ko? O nagpapanggap lang po siya? Isa po ba kina Tiya Hermione sa Ina ko ang totoong ina ko? " sambit ko.

"Bakit hindi natin subukan ang DNA test? Gusto mong malaman, hindi ba? " sagot niya.

Kinuhanan niya ako ng sample at inilagay ang isang nakatagong cord sa tagong lagayan.

"Ang cord na ito ay sa Tiya Hermione mo, dito natin malalaman kung siya ba o hindi ang Ina mo," Pagpapahayag niya.

Lumabas na ang resulta at... si Tiya Hermione nga ang totoong ina ko. Hindi ko akalaing pupunta ang landas ko sa ganito.

"M-Mukhang ang Tiya mo nga ang Mama mo. A-Ah sige, maiwan na kita—!"

Lahat nang nakapaligid sa'kin. Lahat nang nakasasalamuha ko... nagsinungaling sila! Hindi totoo ang pagmamahal na ibinigay nila sa'kin. Mga lapstangan sila! Bakit ba ang hina kong umintindi?! Sa umpisa pa lamang ay nag-iisa na 'ko.

"Eartha? Narito ka ba? " wika ni Tiyo Glynis.

"Sinungaling! Nagsinungaling ka po sa'kin! Bakit… bakit niyo po nagawa sa'kin 'to? Ano po ba'ng nagawa ko? " pagpapahayag ko.

"Eartha... kailangan pa rin nating iligtas ang Mama mo. Hindi dahil sa dugo ay magkakaganiyan ka na. Isipin niyo ang pagsasamahan niyong dalawa," Sambit niya.

-FLASH BACK-

"Mama, sa tingin niyo po. Nasa maayos po ba na kalagayan si Papa? " tanong ko.

"Eartha, alam mo naman na mahal na mahal tayo ng Papa mo kahit na wala na siya rito sa mundo," Sagot ni Ina.

Into The Unknown [BOOK 1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon