Eartha's POV
Isang hindi ko pa ring mabatid-batid na pangyayaring naganap sa aming angkan ang naganap. Gusto kong balikan ang lahat-lahat. Sana ay... sana ay... sana ay... panaginip na lamang ang lahat.
Kulang na kulang ang lahat ng natutuna't kaalaman na alam ko. Hindi pa 'ko sapat isa pa rito ay kung paano kung malaman nila ang sikreto ko. Ang sikreto ko na maaaring ikapahamak ng lahat. Hindi lang lahat kung 'di lahat-lahat.
Ang onyx na naghahati ng tatlong kapangyarihan na hinati ni ama para 'di makuha ng tuluyan. Nanghihina pa ang mga oniks na na sa akin. Ibinigay ko ang isa kay Gale ngunit kanino ko naman ibibigay ang puting oniks?
Sabi ni ama, ibigay ko raw ito sa dalawang taong pinakaimportante sa'kin. Hindi... hindi... wala na 'kong ipagbibigay pa nito. Wala nang... wala nang importanteng tao para sa'kin.
"Mukhang napakalalim ng iniisip mo, Eartha. May problema ba? " tanong ni Tiyo Glynis.
"Gusto ko po na malaman kung sino ang pinakaimportanteng tao para sa'kin. Pero sabi ng puso't isip ko na masaksaktan lang ako kapag nawala rin ang taong 'yun. May punto naman po sila hindi po ba?" Pahayag ko.
"Eartha... Napupuno ng kaguluhan ang mundong ito. Kaya naman, hindi ko masisisi ang nararamdaman ng isang katulad mo. Nakuha mo ba ang punto ko?"
"Tiyo kayo po... may importanteng tao po ba na natitira sa iyo?" wika ko.
Nanlamig ang mga mata niya at napakagat nang unti-unti ang kaniyang mga labi, "N-Napaslang ko ang nag-iisang importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko batid kung nangyari ngunit batid ko na nabuksan ko ang kapangyarihan ng mga mata ko ng 'di sinasadya. Nawalan ako ng kontrol at nakita ko na lamang ang kapiraspong balahibo ng liyon."
"Masasabi ko na, napakasuwerte mo pa rin kahit na hindi mo alam kung sino ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo. Huwag kang mag-alala malalaman mo rin 'yan," Sagot niya.
Kumaway si Myrtle, "Eartha! Eartha!"
"M-Myrtle? "
"Maiwan ko muna kayo. Magkita na lamang tayo sa bahay mamaya Eartha. At ikaw Myrtle... binabantayan kita, alam mo?"
"Pasensya na kung naabala ko ang usapan ng Tiyo mo, Eartha."
"H-Huh? Hindi naman, Myrtle…."
Napatingin ako sa dala-dala ni Myrtle na mga dumplings na talaga namang nagpatakam sa lalamunan ko. Hindi, kailangan kong pigilan ang sarili ko.
"Eartha, heto mga dumplings na galing kay Mama. Sabi niya gusto mo raw nito."
"H-Huh? S-Salamat. Pwede magtanong, Myrtle? "
"Pa'no kung mapunta tayo sa 'di pangkaraniwang mundo, ano'ng gagawin mo? " tanong ko.
"Ha? Kung mangyari siyempre maghahanap ako ng paraan para makaalis tayo roon. Maliban na lamang kung may ibang dahilan," Pagpapahayag niya.
Bumubulong ang hangin at biglang nagsimulang mahulog sa lupa ang mga dahon. Si Gale ba ito? Gusto niya ba akong makausap?
"Amm Myrtle. N-Naiwan ko yata ang wallet ko sa bahay. Siguro pupunta ako! Paalam! "
Kainis 'tong Gale na 'to. Hayss ok kailangan kong kumalma at tumakbo nang mabilis. Arghh! Bakit ngayon pa? Tsaka ano ba'ng kailangan no'n?
"Late ka na rin palagi, Eartha." Isang malamig na tinig ang umihip sa aking tainga.
"G-Gale! Hahaha amm may ginawa lang ako. Pasensya na kung nahuli ako ng ilang segundo—"
Hindi pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang may bumukas na portal na biglang hinigop kami papasok. At napunta kami sa hindi pangkaraniwang mundo. Pero, teka! Nasaan kami?!
Napanganga ako sa kabiglaan at nanlaki ang aking mga mata,"N-Nasaan tayo? Tsaka ano'ng lugar 'to?!"
"Maligayang pagdating sa aking laboratoryo ... Namiss mo ba ako, ha? " Ngumisi si Hecate.
"Hecate… Ano't dinala mo kami rito? "
"Huwag masyadong maraming tanong, Galaxia.…"
Nanginginig ang kaniyang mga labi halos pabagsak na ito,"G-Galaxia? Ano'ng ibig sabihin nito, Eartha? " wika ni Gale.
"Gale... Ako ay—"
"Ayoko na... Ayoko na ng mga kasinungalingan mo. Ano'ng ibig sabihin nito?! " saad niya.
"Ako si Galaxia Meadow. Isang prinsesa ng buwan sa angkan namin na ngayon ay wala na,"Pagpapahayag ko.
"P-Prinsesa? Kailan pa?—"
"Itinuturing mo ba'ng kaibigan ang nilalang na ito ha, Gale? Na puro sikreto lamang ang itimatago sa iyo. Alam mo naman na matagal nang hindi kakampi ang angkan nila, kaya naman sumama ka na lamang sa amin at paghigantihan ang pagkawala ng Ina mo."
"Ano? Ang ina ko ay pinaslang ng mga Meadow?! " sambit ni Gale.
Napabuntong hininga ako at nilakasan ang loob ko, "Lapastangan! Alam ko ang lahat-lahat kaya hindi mo kailangang bilugin ang ulo niya! "
"Gale...Makinig ka, nandito ako para sa iyo at binigay ko ang itim na oniks na iyon upang protektahan ka kahit na anong mangyari. Alam ko na pinanghihinaan mo ako ng loob mula ngayon ngunit lubos itong makakatulong sa iyo."
"Hinihiling ko sana na pumikit ka at damdamin ang ligaya't lungkot nating dalawa," Hiling ko.
Hinila ni Gale ang kamay ko at binuksan ang portal na nagpalabas sa'min. Himala ba ito? Nakalabas kami na walang nangyari.
"Eartha..." Nakita ko si Gale na nakaupo sa sangay ng puno.
"Paumanhin kung inilagay muna kita sa ilusyon. Hindi ko talaga gustong gawin 'yun."
Napatingala ako at napatulala, "I-Ibig sabihin ang lahat ng 'yun ay... ilusyon?! Pinagloloko mo ba 'ko ha, Gale? Alam mo ba na naghalong galit, lungkot, at saya ang mga iyon?! " sambit ko.
"Alam ko ngunit alam ko rin na ikaw ang prinsesa ng angkan niyo. Ayokong mangyari ang ipinakita ko sa'yo," Tugon niya.
"Tumahimik ka! Dahil sa ipinakita mo, hindi ko na alam ang gagawin ko! Bakit? Bakit ako? "
Tumulo na ang aking mga luha kasabay nang pagdaloy ng init ng aking dugo, "Ahh alam ko na. Pinaglalaruan mo lamang ako para sa kaligayahan mo, gano'n ba 'yon ha? Ano? Sumagot ka! "
"Mahirap ipaliwanag—"
"'Yan... Diyan ka magaling sa pagpapalusot mo! Alam mo ba nung sinabi ko sa'yo na mahal kita ay mahal talaga kita? Kalokohan! Tsk! Sino ba naman ang magsasalita sa'yo ng gano'n?" pagsisinungaling ko.
"Si Alma... Nagpatotoo rin siya sa'kin kahit na alam kong ang bata ko pa, o ikaw, o kahit siya," Pahayag niya.
"Buti alam mo! Ang tang* mo! Hindi mo alam kung ang nilalang ay nagsasabi ng totoo o hindi. Wala ka ba'ng nararamdaman sa mga binanggit ko o kahit sa'yo? " pahayag ko.
Napailing siya, "Nararamdaman? Ano't ibig sabihin nito?"
Hinawakan ko ang kamay niya at itinatapat sa puso niya, "Diyan nanggagaling ang lahat-lahat."
Magkakaayos pa ba kaya sila o magbabago pa ito?
CTTRO OF THE VIDEO
BINABASA MO ANG
Into The Unknown [BOOK 1] ✔️
FantasiaBABALA. Binabalaan kita, hanggang ngayon ay binabasa mo pa rin ito, tama? Kung gusto mo talagang basahin ito ay mag-ingat ka. Ang aklat na ito ay nakalaan para sa mga nilalang na may malawak na imahinasyon. Inuulit ko, binabalaan kita. Pero ika...