Kabanata 19

4 3 0
                                    

Eartha's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eartha's POV

Sa isang tagong lugar ay nag-eensayo ako. Isang lihim na ensayo.

Isang hindi pangkaraniwang tunog ang aking narinig. Ngunit bakit walang tao? Ako lamang mag-isa ngunit bakit nagkakaroon ng mga misteryosong ganito.

"Alam kong nandiyan po kayo… Tiyo Glynis," Sambit ko.

"Dito ka pala nag-eensayo ngunit bakit sa tagong lugar pa? Maaari naman kitang tulungan sa mga bagay na 'yan," Mungkahi niya.

"Kung gano'n, maaari niyo po ba akong turuan sa paglunas. Tutal, isa po kayo sa mga angkan ng mga manggagamot," Mungkahi ko.

"H-Huh? Sige pero pangunang lunas pa lamang ang kaya ko. Pero maaari mo naman 'tong hiramin. Isa iyang kuwardeno na dekada na ang tanda, naglalaman iyan ng mga sikretong paglulunas na ang angkan lang natin ang nakaaalam," Sagot niya.

Napakunot noo ako, "T-Teka po muna, ang sabi niyo po ay pangunang lunas pa lamang ang kaya niyo. Ibig sabihin ay hindi niyo pa alam ang mga siruhiya (surgery)?! "

"Kapag hinuhusgahan mo ang iba, hindi mo sila tinutukoy, tinutukoy mo ang iyong sarili," Saad niya.

"Nakuha ko na, dapat po ay alamin ko muna ang na sa loob at hindi ang na sa labas na kaayuan ng isang nilalang, 'di po ba? " sagot ko.

"Wow! Hindi ko akalaing maiintindihan mo ang palaisipan na kagagawa ko lamang. Hayy, simula ngayon ay dito na ang taguan natin," Mungkahi niya.

"Earthall… mga hilaw na bahay! " sambit ko.

Lumikha ako ng bahay na gawa sa kahoy. Medyo mahirap ito pero gaya nga nang sabi ni Tiyo Glynis ay ito na ang magiging taguan namin.

"Kamangha-mangha! Sana ay makagawa ka pa ng ganiyan," Wika niya.

"Ugh… Madaling banggitin ngunit mahirap gawin," Bulong ko.

"May binabanggit ka ba? Muntik ko na talagang makalimutan! Heto pala ang mga impormasyon para sa gagawin ninyong tatlo," Tugon niya.

"Tatlo? Akala ko po ba ay isa po kaming grupo?" tanong ko.

"Tama ka, pero tatlo lamang ang kailangan para rito. Ang pangkat tatlo pa rin naman ang kasama mo," Dagdag niya pa.

"Sige po, aalis na po ako. Pakisabi po na… hindi bale na lamang po," Pamamaalam ko.

****

Nasaan na kaya 'tong tatlo. Hmph, lagi na lamang ganito. Tama! Bakit 'di ko kaagad naisip? Hays ang hina ko talaga!

Pumaroon ako sa tahanan nina Myrtle. Kumatok ako sa pintuan at naghintay.

"Oh, ikaw pala Eartha. May kailangan ka ba? " tanong ni Gng. Hawthorne.

"Paumanhin kung naabala ko po kayo, nais ko lamang pong malaman kung narito po ba si Myrtle? " tanong ko.

"S-Si Myrtle? Kaalis niya lamang, lumisan siya para kumain doon sa tindahan nina Mang Roberto," Sagot niya.

Into The Unknown [BOOK 1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon