Eartha's POV
Naglalakad-lakad lang ako sa loob ng ilang minuto. Biglang nadulas ang aking mga kamay sa madulas na dalisdis at ang aking guwantes ay pababang pag-ikot.
Pagkatapos, nakakita ako ng isang disenyo na may nakasulat na "Ellison o Meadow." Nakapagtataka ngunit ipinagbaliban ko na lamang ito.
May nasilayan akong lawa at hinugasan ko nang mabuti ang aking kamay. Ngunit hindi pa rin ito nabubura.
Habang tumatagal ay unti-unting tumutulo ng dugo ang aking mga mata. Nanlalabo na rin ang aking mga mata. Para bang may nakalagay na hindi pangkaraniwang bagay sa loob ng aking katawan.
Ano'ng nangyayari?! Bakit tila wala na 'kong marinig? Kahit ihip ng hangin ay hindi ko marinig.
Nasilayan ko si Gale na nakangisi. At ipinagtataka ko ay kung bakit may hawak siyang espada at nakatutok ito sa akin. Hindi siya nag-alinlangang gawin iyon sa akin. Kasama niya si Cesar Wyn at ang organisayong Hawkstone.
"Eartha…! Eartha…! " sambit ni Tiyo Glynis.
Nagising na lamang ako sa pagsigaw ni Tiyo Glynis. Pagkataranta akong nagising at kumalma. At inisip na imposibleng mangyari ang bagay na 'yon.
"Oh, may agam-agam ka ba ngayon? Maaari mo namang banggitin sa akin," Tugon niya.
"H-Huh? Wala po 'yun. Nananaginip lang po yata ako. Wala po kayong dapat ipag-alala," Pagsisinungaling ko.
"Siya nga pala, ipagpapaliban muna natin ang napag-usapan natin kahapon. Ipapatawag na lamang kayo kapag nakumpleto na ang mga detalye," Mungkahi niya.
"Gusto sanang ipagbigay sa'yo ito ni ate. Kaso sa sobrang pagmamadali niya kanina ay hindi na siya nakapagpaalam sa iyo. Alam mo ba ang araw ngayon? " sambit niya.
"Araw ng magulang at bata ngayon, 'di po ba? Kasasabi niya lamang po iyon kani-kanina lamang, idineklara niya po iyon para makapagpahinga siya. Ano naman pong koneksyon no'n? " sagot ko.
"Idineklara niya 'yon para naman ay magkasama naman kayo kahit sa napakaliit na oras lang. Matagal niya na itong pinag-isipan, alam mo ba 'yon? " tugon niya.
Ang kamay ko ay naging kamao at tumulo na parang talon ang aking mga luha, "Ayoko na po munang maintindihan 'yon! Hindi ko nga batid kung sino siya! Hindi ko rin po alam kung totoo ba ang mga binabanggit niya sa akin. Lahat ng napapaligiran ko ay hindi totoo kaya bakit pa po ba ako maniniwala sa aking katulad niya? Wala po siyang panahon para sa'kin! Wala pong nakaiintindi sa akin, kahit siya ang sinasabi niyong ina. Para sa akin, wala akong itinuturing ina, noong panahon na tinanggap ko siya. Ano po'ng ginagawa niya 'di po ba wala? "
"Alam mo kung ano talaga ang kailangan mo? Pag-ibig, iyon lang ang kailangan mo. Kahit na ina mo siya o hindi. Ngunit ang iyong puso ay palaging malugod na tinatanggap para sa kanya, tama? " sagot niya.
Hinawakan niya ang balikat ko, "Ang pagtitiwala ay isa sa pinakamahalagang bagay sa isang relasyon. Hindi ito gagana, kung hindi kayo nagtitiwala sa bawat isa. Tingnan ang iyong sarili sa salamin, ano ang nakita mo? Ito ay tulad ng isang halimaw na kumakain ng iyong tiwala."
"Kahit ano pa pong sabihin niyo. Hindi niyo po ako gaanong kilala. Kahit sa maliit na bagay ay sapat na para sa akin, sa umpisa pa lamang ay nag-iisa na lamang ako, alam niyo po ba 'yon? Umalis na lamang po kayo sa harapan ko, walang saysay kung pipilitin niyo po ako," Sagot ko na may pag-aalinlangan.
Tiningnan ko ang salamin at nasilayan ko ang pagpula ng aking mga mata. Inihagis ko ang salamin hanggang sa ito ay mabasag.
Lumabas muna ako para magpahangin. Nasilayan ko si Myrtle na kasama ang pamilya niya. Kumpleto sila… tama, kumpleto nga sila. Tinawag ako ni Myrtle at inayayang sumama sa kanila.
"Iha, ikaw ba si Eartha? " tanong ng nanay ni Myrtle.
"H-Ho? Ako nga po, bakit po? " sagot ko.
"Alam mo ba na matagal ka nang ikinukwento sa amin nitong ni Myrtle. Napakaganda mo pa lang bata. Bagay na bagay kayo nitong si Myrtle," Pagbibiro ng ina niya.
"Ma…! Hehehe, pagpasensyahan mo na si Mama. Ganiyan talaga iyan kapag may kasama ako minsan. Malakas talaga niyang mangbola," Tugon ni Myrtle.
"Ayos lang, ano ka ba! Napakasuwerte mo nga sa kanila," Umiiyak ang puso ko sa kadilim-diliman ng paghihinagpis.
"Siya nga pala, ito pala ang ama ko at siya naman ang ate ko. Shh, medyo baliw 'tong si ate kaya medyo mag-iingat ka," Bulong niya sa akin.
"Myrtle…! Ano'ng binubulong mo diyan? Lagi kang ganiyan! Umamin ka nga sa'kin, siya ba ang nobya mo? " tanong ng ate ni Myrtle.
"Huh? Hmm, pwede mo nang sabihin 'yon! " sagot ni Myrtle.
Sinuntok ko papalayo si Myrtle, siguro mga na sa isa o tatlong kilometro ang bagsak niya.
"Huwag kang magbibiro kung ayaw mong matikman ang Eartha's Lion Barrage," Sambit ko.
"Siya nga po pala, 'di ba na sa labas lang tayo kanina. Bakit na sa loob na po pala tayo ng bahay niyo? " tanong ko.
"Ang totoo, sa ilalim talaga ang bahay namin. Matagal na talaga 'tong nangyayari. Pagpasensyahan mo na kung minsan ganito talaga ito," Sagot ng ina niya.
"Narito kasi ang mga DNA test at mga resulta. Kami ang nag-aayos ng mga iyon. Kaya hindi kami sa pangkaraniwang bahay nakatira," Sagot ng ate niya.
"Pero, maaari po ba akong magpatest. Gusto ko lamang po na malaman kung totoo nga ang mga kasagutan na nakalap ko. Kung inyo po sanang mamarapatin," Hiling ko.
"Hindi na kailangan pa. Nagkataon na mayroon na talaga iyan, bago ka man ipanganak ay nagpupunta muna ang mga magulang mo bago pa man mangyari iyon kaya heto ang kasagutan. Paumanhin ngunit heto talaga ang kasagutan, imposibleng magkamali ang mga resultang naririto," Sagot nila.
"N-Negatibo? Nagsinungaling nga ang na sa paligid ko. Kung gano'n sino po ba talaga ang ina ko? " tanong ko.
"Hindi ko alam pero sa pagkakaalam ko ay isa sa dalawa mong tinuturing na Ina ang tunay mong ina," Sagot ng ina ni Myrtle.
"Malaking tulong na po ang nagawa niyo. Maraming salamat po," Pagpapasalamat ko.
Tatakbo na sana ako ngunit pinigilan ako ni Myrtle.
"Maaari ba tayong mag-usap sa labas? " pag-aayaya niya.
****
"Alam ko na puro poot na lamang ang na sa loob ng puso mo. Pero, kahit gano'n pa 'yun ay may natitira pa rin na kabutihan at pagmamahal sa puso mo," Wika niya.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Hindi mo alam ang pakiramdam na lahat ng nakasasalamuha mo ay may itinatago pala! " sambit ko.
"Naramdaman ko rin 'yan. Alam mo ba nang nasisilayan mo ay hindi ko talaga totoong pamilya, matagal nang patay ang tunay kong pamilya pero nagpapasalamat pa rin ako dahil narito pa rin sila," Sagot niya.
"Hindi mo maiintindihan kung hindi mo muna pakikinggan ang lahat. Tandaan mo, kahit ano pa ang na sa mundo, kahit paulit-ulit pa itong paikutin. Hindi ito magbabago dahil nakalatha iyon sa alaala nating lahat," Tugon niya.
🎶I see your monsters
I see your pain
Tell me your problems
I'll chase them away
I'll be your lighthouse
I'll make it okay
When I see your monsters
I'll stand there so brave
And chase them all away🎶Song name: I See Your Monsters
Song by: Timeflies ft. Katie Sky
Cttro of the resources.
BINABASA MO ANG
Into The Unknown [BOOK 1] ✔️
FantasyBABALA. Binabalaan kita, hanggang ngayon ay binabasa mo pa rin ito, tama? Kung gusto mo talagang basahin ito ay mag-ingat ka. Ang aklat na ito ay nakalaan para sa mga nilalang na may malawak na imahinasyon. Inuulit ko, binabalaan kita. Pero ika...