ANG KONTINUASYON NG KABANATA 12Eartha's POV
Palubog na ng araw at hindi pa rin kami nakakikita ng pergamino. Ang ikinabahala ko pa nga ay nag-iisa lamang talaga ito.
Batid kong nagsinungaling si G. Glynis para hindi kami magkasakitan. Pero mas lalong lala ang sitwasyon.
"Sa tingin ko ay kailangan muna nating magpalipas ng gabi rito," Wika ko.
"Sumasang-ayon ako," Sagot niya.
Bumubuhos ako ng init sa aking mga kamay. Narinig ko ang paos na salitang nagmamakaawa na huwag siyang paslangin. Nagmadali akong pumanta sa kinaroroonang iyon.
Bumungad sa'kin si Myrtle na wala nang lakas at punong-puno ng galos. Ihinahagis ko ang sampung kunai patungo sa lalaking iyon at bigla itong natumba ng gano'n na lamang.
"Sino ka? Ano'ng kailangan mo? " sambit ko.
"Eartha? Ba-Bakit? " pautal niyang itinanong.
"Ang tunay na mga mata ay napagtanto ang totoong mga kasinungalingan, " Sagot ko.
"He-Heto… Suko na 'ko. Pakiusap hayaan niyo akong makawala at sa inyo na 'to," Mungkahi ng isang lalaki.
Pahalagahan ang mga taong pinahahalagahan ang iyong oras.
"Tayo na, Myrtle. Batid kong hinihintay na tayo ni Gale," Tugon ko.
Tatlong shuriken ang pumarito sa'kin ngunit bigo siya. Nagawa kong ilagan ang mga ito sa pamamagitan lang ng pagkumpas ng hangin.
"Sinusubukan mo pa rin ba ako? O gusto mo na tapusin ko na ang laro? " Ang aking mukha ay sumisilaw sa ilaw.
Agad itong naglaho at itinusok nang mabilisan ang kunai na kaniyang hawak sa aking harapan. Dinuraan ko siya ng aking dugo at sinuntok siya. Halos isang daang metro ang layo nang pagkakabagsak niya.
Nagkaroon ako ng matigas na kalamnan at mga kasukasuan, "Lumilipas ang oras, alaala'y nawawala, umaalis ang mga tao. Ngunit, hindi makakalimutan ang puso."
Unti-unti akong nawawalan nang lakas. Nanlalabo rin ang aking mga mata. Pabagsak na rin ang aking katawan. Hindi ko na yata kaya. Hindi… hindi ko na talaga kaya.
"Paumanhin, ama. Nangako ako na bago ako mamayapa ay matutupad ko ang aking pangarap. Bigo ako ama."
Napapikit na lamang ako habang unti-unti akong lumuha. Nabigo ba ako?
Nagising ako sa isang napakasamang panaginip. Hindi ko batid kung totoo nga ba iyon.
"Sa wakas at gising ka na… Eartha," Wika ni Myrtle.
"Myr-Myrthle? Gale? Nangyari pala 'yon sa totoong buhay? " sagot ko.
"Huh? Ang huling tayo mo ay nang mawalan ka nang malay kani-kanina lamang. Mabuti't buhay ka," Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Into The Unknown [BOOK 1] ✔️
FantasíaBABALA. Binabalaan kita, hanggang ngayon ay binabasa mo pa rin ito, tama? Kung gusto mo talagang basahin ito ay mag-ingat ka. Ang aklat na ito ay nakalaan para sa mga nilalang na may malawak na imahinasyon. Inuulit ko, binabalaan kita. Pero ika...