Kabanata 9

19 16 0
                                    

Eartha's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eartha's POV

PAGKAIN, hindi ka mabubuhay kung walang pagkain.

Dumplings, noodles at siomai. 'Yan ang mga sikat na pagkain dito sa aming nayon.

"Libre mo naman ako, Eartha. Tutal kaarawan mo naman, di ba? " saad niya.

Nagbuntong hininga, "Alam mo nakakainis ka talaga. Sarap mo suntukin. Papakyawin mo siguro 'yan, tama? "

Lumaki ang kaniyang mga mata at bibig, "T-Teka si Binibining Luna? Hindi ba na sa ospital siya? Nakawala siya mula sa ospital sa isang araw lang ?! "

"Ano naman, ngayon? Alam naman natin na kahit sino kaya 'yun," Sagot ko.

"Binibining Luna…! Binibining Luna! " sigaw ni Hugo.

"H-Hugo? Anong mayroon? May mali ba? " tanong niya.

"Tara, Binibining Luna! Kain tayo! Sagot ni Eartha! " pag-aayaya niya.

Tsk. Nakakainis talaga 'to. Pati ako nadamay.

"Hindi na mukhang nagmamadali kayo. Tsaka busog pa naman ako," Sagot ni Binibining Luna.

"Binibining Luna… Inaayaya ka namin dahil nakawala ka na sa ospital, 'di ba? " sagot ni Hugo.

"Magdiwang tayo ! Tama ba, Eartha? " sambit ni Hugo.

Kaasar ka talaga. Bahala na, ayoko rin namang mabigo si Binibining Luna.

"T-Tama…! Oo tama nga," Pilit kong iwinika.

"Tamang-tama lamang. May kumpetisyon ngayon, baka gusto niyong sumali? Ngayon lang ito mangyayari sa buong taong ito," Wika ng may-ari ng tindahan.

"Sasali kami…! " sigaw ni Hugo.

Grabe. Napakasamang araw ngayon.

"Paunahan lang na makaubos ng isang daang mangkok ng noodles at mananalo ng isang coupon at panghabang-buhay na ito," Tugon ng may-ari.

"Payag na ako. Basta ngayon lang ito," Wika ko kay Hugo.

"Mag-uusap tayo mamaya, Hugo. Lintik ka sa'kin," Bulong ko kay Hugo.

"N-Ngayon lang naman ito eh," Tugon niya.

"Magsisimula na…! " sigaw ni Hugo.

"Humandaa na ... Umpisahan na! Ang kumpetisyon ay opisyal nang ginaganap! " sigaw ng may-ari.

Grabe ang dami nito. Hayss kaasar ka talaga.

"Sa wakas tapos na! " sigaw ko.

"T-Tulong. Tulungan niyo ako," Pagmamakaawa ng isang ale.

"May malalim siyang galos. Kailangan kaagad siyang gamutin," Sambit ko.

****

"Ngayon ay kailangan kaagad siyang maidala sa ospital. Kunin mo ito at sabihin na si Eartha mismo ang nagbigay nito sa'yo," Wika ko.

Into The Unknown [BOOK 1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon