Eartha's POV
Lumabas muna ako sandali sa aming tahanan at nasilayan si Ina na nagsasampay.
"Ma, nasaan na si Tiya Hermione? Bakit 'di pa siya umuuwi? Mahal niya ba tayo?" tanong ko.
"Eartha, siyempre mahal tayo ng Tiya mo kaya naman hindi pa siya makauwi kaagad. Ginagawa niya ang lahat para mapangalagaan niya ang mga naninirahan sa bawat nayon," Sagot ni Ina.
"Bakit 'di ko pa siya nakikita? Hindi pa nga siya umuuwi kahit isang beses," Pagpapahayag ko.
"Eartha, alam mo naman na kauuwi ko lamang." Pagpapahayag niya at niyakap niya ako nang mahigpit.
Sumuntok siya nang malakas sa kalupaan at nagkaroon ito ng mga basag.
"Eartha... ilang beses ko ba sasabihin sa'yo nang paulit-ulit? " sambit niya.
Ilang segundo makalipas ay unti-unting nawawasak ang aming tahanan.
"H-Hindi! Ang utang—" Wika niya at nawalan ito nang malay.
"Nakauwi na 'ko! T-Teka? Maling bahay ba 'to? " Nagtataka si Tiyo Glynis.
"Hay... Dadalhin ko muna siya sa ospital. Siguradong napagod talaga si Ate Luna. Pwede kang sumunod kung gusto mo. Sige, paalam! " Lumisan na sila kaagad.
Nasilayan ko ang litrato na kasama sina Mama, Tiyo Glynis at si Tiya Hermione. Habang unti-unti kong tinanggal ang litrato ni Tiya at tumambad sa'kin ang mga litrato ng kasamahan niya samantalang ang litrato nina Ina at Tiyo ay punit.
Tumakbo ako nang mabilis at umupo sa isang bangko na malapit sa'min.
"Hi Eartha! Libre ka ba? " pag-aayaya ni Aileen.
"Oh, ikaw pala Aileen! May... kailangan ka ba? " tanong ko.
"Alam mo kasi, hindi ko alam kung sila ba ang mga magulang ko," Sagot niya.
"P-Paano mo naman nasabi 'yan? Malaki ang pagkakahalintulad niyong lahat," Sagot ko.
"Ano kasi… habang nakikinig ako sa usapan nila Mama kanina ay nabanggit nila ang pangalan ko at ang sabi ay ampon lang daw ako. Gusto ko sanang magpatulong sa'yo dahil pupunta raw sila sa Flamerock kasama ang Tiyo Glynis mo," Ani niya.
"H-Huh?! Hindi ko alam kung makakalusot tayo pero sisikapin ko," Sagot ko.
"Tiyo Glynis mo 'yon tama? Pwede mo siyang pakisabihan. Kung ayos lang sa'yo pero hindi kita pinipilit," Wika niya.
Hindi ko alam pero... para naman 'to kay Aileen.
"Oh ikaw pala, Eartha! May kailangan ka ba?" wika ni Tiyo.
"A-Ano po kasi... sabi kanina ni Mama na sasama kami sa'yo patungo sa Flamerock kaya naman kailan ba tayo aalis? " pagsisinungaling ko.
"Huh? Ahh oo nga pala! Hay, makalilimutin talaga ako kahit kailan. Buti pinaalala mo, Eartha. Kasama si Aileen, tama? Sige, tara na! Hintayin niyo pala 'ko sa labasan ng Earthall, " ani niya.
BINABASA MO ANG
Into The Unknown [BOOK 1] ✔️
FantasíaBABALA. Binabalaan kita, hanggang ngayon ay binabasa mo pa rin ito, tama? Kung gusto mo talagang basahin ito ay mag-ingat ka. Ang aklat na ito ay nakalaan para sa mga nilalang na may malawak na imahinasyon. Inuulit ko, binabalaan kita. Pero ika...