Time flies fast, it's already sunday
Nasa airport na kami at inaantay sila John kasi malelate daw sila e pilipino nga naman, just kidding, we're just about 10 minutes here
Malapit lang naman kasi yung airport sa condo namin ni Blythe so maaga kaming nakarating dito, tapos sila John medyo malayo, sa cavite pa ata sila galing
So para hindi kami maboring ni Blythe sa kakaantay e naglalaro kami ng cod at para hindi kami mag mura nagsubo kami ng marshmallows
Well, a few minutes dumating na sila John, may katawagan parin sa phone si Charles hindi naman halatang busy sila no, ansungit kase ng isa pang engineer nung project nila e wala naman sa manila at nasa kasuluksulukan ng bansa tas wagas mag comply
"Engineer Charles, hindi naman halatang busy ka no?" Pambabara ko na ikinakunot lang niya ng nuo sabay tawa
"Kasi naman po, bigla ka nalang nag aaya, Agent Carrel, e umalis yung isang engineer kaya pag pasensyahan mo" Inirapan ko nalang siya ng wagas pero tinawanan niya lang ako
"Tara na hoi, iwan pa kayo ng eroplano dyan" Pagkasabi na pagkasabi ni John ay tumayo agad kami at sumakay na sa eroplano
Inayos ko yung gamit ko bago pumwesto para matulog dahil puyat ako kagabi kakalaro ng Call of Duty, e mga cancer naman kakampi mga walang ambag
Kinuha ko ang airpods ko at sinalpak sa tenga ko para may sounds, pinili ko ang music ng Ben&Ben na Leaves, it calms me every time
"CARREL, gising na"
"Bakit ba? Epal naman nento kitang natutulog e" I groaned
"Ah sige, ganon. Bahala ka jan, tayo nalang pasahero, nakakahiya nakatingin sayo yung gwapong piloto" Mabilis akong umayos ng pwesto para hanapin yung gwapong piloto na sinasabi ni Blythe
"Teh? Hala, asan?" Inilibot ko yung paningin ko sa buong eroplano para hanapin yung piloto na yon, pero wala naman
"Basta gwapo talaga, game na game kang babae ka. O siya hala, mag ayos ka na mukha kang panda" Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan lang ako, aba
Mabilis kong tinignan yung mukha ko sa salamin para tingnan kung mukha talaga akong panda ngayon, pero walastik hindi naman ah? Fresh fresh ko na, dZuh?
Lumabas na kami at inantay ang van na susundo samin papuntang hotel na tutuluyan namin for 1 week
"John, asan yung mga sinasabi mong kasama natin?" Napalingon ako kay Blythe sa tanong niya
Oo nga, bakit hindi namin kasama yung tinutukoy ni John isasama niya
"Andito na sila" Sagot ni John habang nakatitig padin sa cellphone niya
"SILA? Bat sila? Akala ko isa lang?" Napasigaw si Blythe kaya nagtinginan saamin yung mga tao dito kaya napalayo ako sakanila, nakakahiya sila
Napatingin ako kay Charles na lumalayo din sakanila at nagpipigil ng tawa. Blythe's reaction is priceless as ever. She looks cheated
"Bakit parang gulat na gulat ka?" Nag uumpisa nang matawa si John dahil nakabusangot nanaman ang mukha ni Blythe
"Hindi ka manlang nag sabi, aba!" Mukha siyang taga kalye na naghahamon ng away
"Nagsabi ako kay Carrel, no!" Maangas na sagot din ni John, at napatingin sila sakin
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...