CHAPTER EIGHT

89 9 0
                                    

Hindi nawala ang mumunting ngiti sa labi ko buong maghapon na magkasama kaming dalawa, na para bang kapag magkasama kami'y walang problema


Hindi ko man aminin ay unti unti niya nang nakukuha ang tiwala kong siyang hirap na hirap akong ibigay


I have a trust issue since i was cheated and i am really trying not to be rude on everyone because they're not like him so i should treat them fair


Padilim na nang mapagpasyahan naming umuwi na, madami kaming ginawa sa buong araw na to, nakaka ubos ng lakas


Mabuti nalang at may naka istambay na magbabangka sa pampang kaya mabilis kaming makakauwi


"Sakay ka na" Pagpapauna sakin ni Zach saka niya ako inalalayang makasakay sa bangka


Maraming nakatingin samin ngayon kahit gabi na kaya nakakahiya, agaw atensyon ba naman kasi tong kasama ko walang patawad hutek kahit gabi jusko


Pagkasakay ko ay sumunod naman siya, magkatabi kami ngayong dalawa pero malawak pa yung pwesto sa gilid ko kaya malamang may uupo pa dyan kapag may umabot pang pasahero tapos hindi pa kami nakakaalis


Napatingin ako kay Zach na inaayos yung bag naming dalawa sa baba ng bangka


Naramdaman niya ata yung titig ko kaya sinulyapan niya ako at tinaasan ng dalawang kilay na siyang inilingan ko naman


Wala nang dumating pang pasahero kaya pinagana na ni Kuyang bangkero yung bangka


Napatingin ako sa kalangitang mayroong napakaraming bituin, may kanya kanyang taglay na kagandahan ang mga bituin pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang luna na bilugang bilugan at kulay ginto pa


"So are you Selenophile or Asterophile?" Napalingon ako sa tanong ni Zach


"I'm Selenophile" I answered and smiled afterwards "Ikaw ba?"


Napaisip naman siya sa tanong ko


"Uhm? Audiophile I guess"


"Audiophile, huh?" I formed a smirk "So you're rich, hmmm?"

Tumabang naman yung mukha niya sa tanong ko, so cute


"I'm not rich, An Musicophile then"


Natawa ako sa sinabi niya kaya inirapan niya ako, hindi naman siya marunong umirap


"Huwag mo kong irapan, para kang nangingisay" Nakangiwi kong sabi sakanya


Napahawak naman siya sa braso niya na para bang nasaktan ng sobra sa sinabi ko, dZuh? Totoo naman


"Pardon?" Nangungunot noo niyang tanong sakin


"Hakdog, kako" Pambabara ko sakanya saka siya inirapan


dZuh? Maganda ako kahit umirap hindi tulad niya na parang nangingisay


Aambahan niya na sana ako ng pitik sa nuo ng mabilis kong hinablot yung cellphone niya sa hita niya kaya umayos nalang siya ng upo


Hindi ko pinakawalan yung cellphone niya sa kamay ko habang kinakalikot ko yung cellphone ko para tignan yung kinuha naming pictures sa phone ko bukod sa camera na dala ko


Iniliko ko yung katawan ko paharap kay Zach para sana hingin yung password ng cellphone niya ng marinig kong humikab siya, siguro sa pagod din kaya tinapik ko yung balikat ko


GETTING OVER YOUWhere stories live. Discover now