Halos isang oras kalahati bago namin natapos ng matiwasay naming hapunan, kung matiwasay pang maitatawag yon dahil sa sagutan nila sa hapag
Hindi na ako sumisingit sa usapan nila dahil nung huling singit ko kanina ay pinagbabara nila ako
Kung hindi ako pinipigilan ni Zach ay baka naibato ko na sakanila yung tinidor ko
Nakaupo nalang kami at nagpapahinga saglit ng may pumasok na kalokohan sa isip ko kaya napangisi ako
Inilapag ko ang atm card ko sa mesa at mukhang naintindihan naman nila kaya kanya kanya silang lapag ng card nila
Kinuha ko yung mga card nila at binalasa iyong card
Tinawag ko na ang waiter at inilagay sa mesa ang shuffled card namin
"Kuya pili ka isa" Sambit ko kay kuya
"Ma'am?" Naguguluhan niyang tanong
"Pili ka isa Kuya tapos yun yung isa swipe mo dun" Ulit ko sa sinabi ko kanina
Dahan dahang kinuha ni kuya ang isang black card, at saka binasa ang pangalan ng may ari non
"Shawntell Carrel Flores po" Mahinang banggit ni Kuya sa pangalan ko
Bumagsak naman ang balikat ko at kita sa ngisi ni Blythe ang ngiting tagumpay
"Kuya that's mine" Lugong lugo kong sagot
Napatawa si Kuya saka kinuha ang card ko at pumunta na ng counter
Pabagsak akong umupo ulit sa sofa habang inaantay si Kuya
Natatawa nila akong tinignan
"Itawa nyo na yan baka sa kung saan pa lumabas" Asar na ani ko
Nagsihagalpakan naman sila ng tawa sa reaksyon ko
"Ikaw naman may pakana ah?" Natatawang sabi ni John
Simangot kong kinuha ang atm ko kay Kuya at pinirmahan ang resibo
Tumayo ako at naglakad na papalabas ng restau kaya sumunod na sila saakin
"Where to?" Tanong ko
"Thalia's Botique" Sagot ni John
Napaikot naman ang mata ko
"Makikipag landian ka lang naman kay Ate Thalia dun eh" Angal ko sakanya
Natawa sila sa ginawa ko, ano bang nakakatawa don?
"Hindi ah!" Pagtanggi ni John "Mag hahanap kayo ng susuotin niyo sa Réunion"
Pinaningkitan ko siya ng mata "Sure ka? Yun lang wala ka ng ibang gagawin?"
"And also the latter one" Sambit niya
Nauna na siyang maglakad at kausap pa rin si Charles sumunod sila Blythe at huli kami ni Zach
Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko
Tahimik kaming naglalakad papuntang Botique ni Ate Thalia
Pumasok kami at nakasalubong namin si Ate Thalia na kausap ang staff niya don
"Love" Tawag sakanya ni John
Napangiwi naman kaming lahat don, cringe bro
Lumingon naman saamin si Ate Thalia at napangiti ng makita kami, may sinabi siya sa staff niya at iniwan na ito
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...