Sometimes the smallest details about a person are the biggest reason why you love them
Just like how i loved nature,
Even the smallest creatures on the earth can amaze me
Ipinalig ko ang ulo ko at humarap nalang kay Blythe na busy sa pagsasalita
"-His face was so lit!" Blythe laughed so hard
Kumurap kurap ako sakanya kasi hindi ko narinig ng maayos yung sinabi niya kanina
"I'm sorry, come again?" Nakakunot nuo kong sabi
Nawalan ng reaksyon si Blythe at tinignan ako ng walang emosyon sa mukha
"Shawntell, kanina pa ako nag eexplain, pang 4 na 'I'm sorry, come again' mo na yan" Urat na sabi niya sakin
"Sorry, I'm just preoccupied" Sinapo ko ang nuo ko at mahinang inumpog nang paulit ulit sa salamin dito sa tabi ko
"Preoccupied preoccupied ka jan" Umirap siya sakin kaya natawa ako
"Promise, I'm just preoccupied" Natatawa kong sabi
"Ang sabihin mo nag eenjoy kang sulyapan si Zach!" Malakas niyang sabi kaya tinakpan ko ang ang bibig niya
Nilakihan ko siya ng mata dahil baka marinig ni Zach yon dahil nasa salamin lang naman humahati saamin
"He might hear you!" I glared at her
Lumingon ako kay Zach na busy sa pag tuhog ng baboy sa stick dahil mag babarbeque kami ngayon, ewan ko ba sa mga yan
May mga bahay naman bakit ayaw mag si uwi, pusta puro agiw na yung mga bahay nila dahil hindi sila umuuwi don
Binalik ko kay Blythe ang tingin ko at humiga na siya sa tabi ko at ginawang unan ang hita ko
"So? Anong sinabi mo sakanya?" Curious niyang tanong
Napatingin ako sa langit na unti unti nang dumidilim at malalim na bumuntong hininga
"Im not ready for commitment" Binaba ko ang tingin ko kay Blythe na nakatitig saakin
"Not ready, huh?" Tinawanan niya lang ako ng pagak "Baka malaman ko bukas makalawa sinagot mo na siya"
Umayos siya ng upo sa tabi ko at sinaksak na ang LED lights namin dito sa balcony
Dinesign namin siya pang camping para nakaka engganyong tignan mamaya kapag kakain kami
"Tapos na kaming magluto" Sigaw ni Nathaniel sa kusina kaya napailing nalang ako
"Save by the food" Natatawang sabi ni Blythe saka tumayo sa kinauupuan para tumulong maghain
"Ava! Senorita Shawntell baka naman gusto mong tumulong ano?" Sarkastikong sabi ni Charles
"I'm Senorita! How dare you!" Pagsakay ko din sa sinabi niya para maasar siya lalo
"How dare me? Ako nagluto ng paborito mong ulam baka nalilimutan mo, Senorita" Tugon niya din sakin
Natatawa akong tumayo sa kinauupuan ko para tumulong sa pag dadala ng pagkain dahil gigol na si Charles
Dumeretso ako sa ref namin para kumuha ng mga canned beers, into wines kami ni Blythe pero nagtatambak din kami ng mga canned beers just incase na broken sila Charles at John may mapaglalaklakan sila
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...