CHAPTER FOURTEEN

72 7 0
                                    

Nagising ako sa papatak patak na halik sa kamay ko na ikinapagtaka ko kaya minulat ko na ang mga mata ko at bumungad sakin ang maamong mukha ni Zach


Napatawa ako ng mahina kaya napaangat siya ng tingin saakin, binigyan ko siya ng isang ngiti na sinuklian naman niya ng halik sa kamay ko


Dahan dahan siyang lumayo saakin at inayos ang upo niya


“Andito na tayo, pack your things” He said,


Inayos ko na ang shoulder bag ko at tinignan ang mukha sa salamin kung presentable pa bang tignan


I fixed my hair and make up, humuhulas na kasi e


Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na kami sa kotse at naglakad lakad papunta sa office daw nila dahil mainit sa labas


“Engineer!” Tawag sakanya ng mga Construction Workers at sinaluduhan siya


“Yo Manong Efren” Nakangiting sagot sakanya ni Zach


Nasa likod lang ako ni Zach dahil hindi ko naman alam yung way papunta sa office nila, tahimik lang akong nag cecellphone


Nagi scroll sa instagram dahil nasagot ko naman na lahat ng messages ng friends ko and co-agents, also the emails about my future schedule and mission


Dire deretso ako ng lakad nang may mabunggo ako kaya napatigil ako at tumingin sa baba


Batang babaeng nakahawak ng doll yung nabunggo ko at namumula na yung mga mata niya at mag uumpisa nang lumuha kaya napaluhod ako


“Oh no, sweetie. Don’t cry please? Hush” I keep on touching her red cheeks


Napatulala ako sa bata nang mag umpisa na siyang lumuha ng walang ingay, marahan niya ding pinupunasan ang luha niyang tumulo sa mamula mula niyang pisngi


Nakarinig ako ng yapak sa likod ko kaya agad akong lumingon


“What happened?” Bungad na tanong sakin ni Zach at gumaya siya sa posiyon ko


“I didn’t notice her, sorry” I  bit my lips


Lumingon sakin si Zach nang nakakunot noo bago lumpit sa batang babae at binuhat ito sa isang braso, inoffer niya sakin ang isa niyang kamay para tulungan akong tumayo


“Hey sweetie, I’m sorry I didn’t notice you”


Ngumiti lang ang bata sakin na para bang walang nangyari


“It is okay, Miss” Magalang na sambit niya


Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakayakap sa bata habang buhat siya ni Zach, hinaplos ko  ng marahan ang mamula mulang pisngi ng bata


“So adorable” I planted a kiss on her forehead “I want to have a daughter like you, sweetie”


I was about to kiss this little girl again, when someone interrupt me


“The famous and gorgeous County Agent Carrel is here, omo!”  Iskandalosong sigaw ni Charles kaya naka agaw siya ng atensyon


Sinamaan ko siya ng tingin pero ang hinayupak tinawanan lang ako,


“Famous your face” Matabang kong sabi sakanya


“Famous your face” Pang uulit sakin ni Charles, dinagdagan niya pag ng pag ikot ng mata at hand gestures, pusang gala


GETTING OVER YOUWhere stories live. Discover now