Late morning when i woke up
It's already 10:00 in the morning
Tinignan ko muna yung phone ko kung mayroon akong natanggap na messages or emails galing sa trabaho at family
Ginawa ko muna yung morning routine ko bago lumabas ng kuwarto
Katahimikan kaagad ang bumungad saakin pag kalabas ko ng kuwarto na nakakapag taka dahil napaka rami namin dito tapos biglang tatahimik yung lugar
Tinahak ko ang daan papuntang tao doon kaya lumabas ako at pumunta ng sala
Nadatnan ko si Blythe na nanonood ng Korean Drama na Crash Landing on You, hindi ko pa yon napapanood kaya hindi ko tinuon don yung focus ko kase maiispoil ako eh Episode 6 na siya
"Good morning" Ani ko at inilibot yung paningin sa buong sala
"Morning, hanap mo bebe mo? Umattend ng Business meeting" Tanong ni Blythe at pinause muna yung pinapanood sa tv
"Bebe ka jan! Hindi ko bebe si Zach, okay?" Patalon akong umupo sa sofa at inabot yung camera ko sa coffee table
"Wala akong binanggit na pangalan, sweetie" Nakangisi niyang sabi saakin
"dZuh siya lang naman yung pinaparinggan mo diba? Tsaka wala akong bebe right now" Nginitian ko siya ng pilit dahil don
Alam ko namang hindi to titigil hanggat hindi niya nakukuha yung sagot na gusto niya e ano pa at naging County Agent siya, diba? Taga interrogate, magaling sa tanungan pero takot malaman ang katotohanan
"Asus Shawntell, lokohin mo na lahat huwag lang ako na pulit ulit nang naloko" Matabang niya akong tinignan na nginiwian ko lang
Parang tanga to, 4 lang naman ex niya andami pang sinasabi
"Dami mong say, ilan nga ulit ex mo?" Pambabara ko din sakanya
"4, ikaw aber?" Plain niyang sagot sakin at kinalikot ang cellphone para iolen ang Spotify ng cellphone niya na connected na sa tv
"2 lang pero flirt madami" Ngingisi ngisi kong sabi sakanya kaya nakatanggap ako ng hampas
Sinamaan ko siya ng tingin na ikina irap niya lang, ava kasama ata siya sa culto ni Zach ah
"Dyan, dyan ka magaling! Takot naman sa commitment" pang aasar pa niya sakin akala naman niya nakakatuwa
"Saya ka jan? Saya din ako" Matabang kong sabi sakanya saka binitawan yung camera ko sa coffee table
Hindi ko na inarrange yung pictures ng camera ko dahil na ayos naman na yon, hindi na siya makalat tas deleted na din yung mga magugulong kuha
"Nilutuan ka ng bebe mo ng almusal don, kainin mo nalang" Pagka sabi niya non ay nagpatugtog na siya ng kantang kalawakan at kinuha yung mga papers niya para aralin siguro
Tumayo na ako at pumunta ng kusina para kumain ng almusal
Ala sais na ng hapon pero kaming dalawa parin ni Blythe yung naandito kaya dala ng pagka bored nag punta ako sa private pool nitong suite at nagbabad pansamantala
Inilangoy ko nalang lahat ng bored ko hanggang sa mawala
Nag try ako ng back stroke, butterfly stroke at freestyle
Matagal na kasi simula nung nakapag swimming ako, although meron namang pool sa condo namin sadyang wala lang talaga akong time
I am a Field Agent, kaya madalas ako yung napapasabak sa mga pag aaresto, pag mamatyag o di kaya pagiging spy kaya hindi pwedeng patamad tamad ako sa buhay
![](https://img.wattpad.com/cover/234906093-288-k821777.jpg)
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...