I woke up with a heavy head
Gumalaw ako ng kaunti para pakiramdaman ang katawan ko kung nasa anong kundisyon
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang pag aapoy sa init ng katawan ko
Pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit na ang lambot lambot na ng mga buto ko at parang mababali na
Tinahak ko ang daan papuntang pintuan kahit na hindi pa ako nakakapag hilamos ng mukha at suklay ng buhok kaya malamang sa alamang mukha na ako nitong aswang ampupu
Pagkalabas ko ay diretso ang tingin ko sa orasan, alas otso na ng umaga ay mukhang napahaba ang tulog ko na ni hindi ko manlang naramdamang may nag palit na ng bikini ko kagabi na pinatungan lang ni Blythe ng tuwalya bago ako binuhat ni John
I gasp when i remembered what happened last night, dang dude. Anxiety just visited me last night, dapat pala naentertain ko siya baka mas lalo pang napatagal ayun baka nakapag patiwarik na ako, ayos iwas problema
"Good morning everyone" I tried to greet them with a jolly voice but i failed
Nagcocoffee sila sa kitchen at malamang yan yung breakfast nila dahil mga tinatamad silang magluto at maghugas
"Oh Shawntell, you're awake na" Tumayo sa Charles para sana alalayan ako pero tinapik ko lang ang kamay niya at binigyan siya ng masamang tingin
"Charles calm down, okay?. I'm not baldado, dZuh?" Pataray kong sabi para hindi mahalata ang pagkatamlay ko
Dahan dahan akong naglakad papunta sa inurong na upuan kanina ni Charles, dahan dahan lang dahil pag minadali ko mapapansin nila na
"Shawnt may lagnat ka" Lumingon ako kay Charles na pabalik na sa pwesto niya at kinapa rin kunwari ang leeg ko saka nagpanggap na walang alam
"Oh really?" Sambit ko din na parang hindi makapaniwala
Nakatanggap lang ako ng irap kay Blythe at tawa galing kayJohn at Charles
"Oh really?" OA na panggagaya sakin ni Blythe kaya naghanap ako ng maibabato sakanya pero malayo lahat ng gamit saakin except sa cellphone na hindi ko alam kung kanino kaya agad kong dinampot
"Not that, honey. Not that one" I saw the horror on Zach's eyes but i just rolled my eyes
"Honey, huh? As far as i know you have a girl best friend who happen to be a engineer also" Matabang kong sabi sakanya
Narinig ko naman ang prenteng pagpaparinig nila Nathaniel
"What do you want me to do, then?" Nangingiti niyang sabi na ikinakunot nuo ko
"Nothing. I just want to say that wow, im not impressed" Pabara kong sabi sakanya
"Ehem ehem" Pagpaparinig nila Nathaniel, Blythe at Charles, trio yan eh pare parehas takbo ng utak
"Hmm, okay. But still honey, not my phone" Malambing niyang sabi na inirapan ko lang
Baka dahil ayaw niyang masira yung phone niya e may picture sila don nung best friend niya na may gusto sakanya amp
"Oh edi iyo na" Padabog kong binalik yung phone sakanya kaya medyo nahampas ata
"Aba" Hindi makapaniwala niyang sabi, nakanganga pa nga
"Baket?" Nakataas kilay kong tanong
Narinig ko naman ang pagtikhim nila Blythe at Nathaniel na halatang nagpipigil nang tawa nila, si Charles naman ay napainom ng kape niya at paglingon ko kay John ay masama niya ako tinitignan kaya napangiwi nalang ako
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...