CHAPTER TWENTY-FIVE

82 11 2
                                    

"I missed you" Bulong niya


Mariin akong napapikit at lumunok ng marahas


Iminulat ko nag mga mata ko at pilit na pinapalamig ang titig ko


Tapang tapangan ko siyang tinitigan at kitang kita sa nga mata niya ang panlulumo


Lumunok akong muli at humingang malalim


"Maybe you're not sure about your feelings for me" Pilit ngiti kong sabi


Sumama naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko


"I am sure about it Hon" Matigas niyang sabi


Inagaw ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at napamasahe ng nuo


"Siguro hindi sakin? Kay ano siguro? Yung sa girl best friend mo?" Pilit pang aasar kong sabi


Mas lalong gumatla ang kunot nuo niya sa mga pinagsasasabi ko


"Hon, Im-" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay natigil na


Biglang tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot ito


"Agent Carrel, reporting on suspension" Agad kong bungad


Ingay sa loob ng Investigation Department ang naririnig ko


"Cadiz Team is waiting you Agent Carrel" Seryosong sambit ni Uncle Henry


Tahimik na naka masid saakin si Zach at tila inaantay kung kailan ako matatapos sa tawag


"Cadiz Team? Where? What?" Naguguluhan tanong ko


Hindi ko naunawaan ng maayos ang sinabi ni Uncle Henry dahil sa titig ni Zach


"Cadiz Team is waiting you outside the Trinoma" Diretsong sagot ni Uncle Henry


Napamura ako sa isipan ko dahil sa sinabi ni Uncle Henry


"Ayoko ng tina track ako diba? Pwedeng hingiin address ko hindi yung itatrack pa" Asar kong saad kay Uncle Henry


Napabuga siya ng hangin at may kainausap saglit sa Investigation Department


Lumingon ako kay Zach na may pinagkaka abalahan na ngayon, kaya dahan dahan akong pumuslit para hindi niya mapansin ang pag alis ko


Tuluyan akong nakawala kay Zach kaya mabilis akong naglakad palabas ng Trinoma para tagpuin ang Cadiz Team na hindi nanaman pinakinggan ang order ko


Inayos ko ang shoulder bag kong kina lalagyan ng laptop ko at iba pang gamit ko dahil hindi maayos ang pagkaka suklit nito sa balikat ko


Tumigil ako sa may exit dahil hinanap ko pa ang badge ko,


Tumagal na ako ng halos tatlong minuto pero hindi ko padin ito mahanap kaya nag uumpisa na akong mairita


"Dang, asan na ba yun" Iritado kong saad


Nagpapapadyak na ako sa asar dahil napupurnada ang pag labas ko dahil duon baka maabutan ako ni Za-


"Ito ba ang hinahanap mo" Malamig na aniya


Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko,


At ayun andito na ang tinakasan ko kanina, naabutan na ako ni Zach


GETTING OVER YOUWhere stories live. Discover now