Nature is really something
Something that will caught your attention
Something that fascinating
Something that bewitching
And it’s breath taking
As I explore the world, I always found it tantalizing, it always caught my attention, it’s really mysterious
“Mga mam ser, nandito na po tayo sa unang isla” Pagbasag sa katahimikan ni Tatay Manong
Napalingon ako kay Zach na busy pa din sa walang katapusang pagkalikot ng camera ko
Napakunot noo ako sa ginagawa niya kaya nilapit ko yung mukha ko sa camera, tinatransfer niya yung pictures sa phone niya!
“Hoy! Nagnanakaw ka ng pictures ko! Kakasuhan kita ng plagiarism! Copyright infringement, Section 172.1 and 172.2 of Republic Act No. 8293 otherwise known as Intellectual Property Code of the Philippines” Sigaw ko sakanya at pinagpapalo siya sa balikat na nagresulta ng muktik niyang pagkahulog sa tubig
Oh my baby camera, it almost fell in the water!
He looked at me like ‘you kiddo did a wrong move’, like dZuh? Ninanakaw niya pictures ko
“What?!” Padaskol kong tanong sakanya
Napalakas ata yung boses ko kaya napalingon yung mga taong pababa na sana ng bangka kaya napa peace ako sakanila
“Bakit mo ako hinahampas, huh?” Naiirita niyang tanong saakin
Aba siya pa may ganang mairita, hA! Ako dapat yon aH!
“Ikaw pa galit ngayon?!” Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya
“Ako talaga,bigla bigla ka nalang nanghahampas ng walang pasabi e!” Padabog niyang binitawan yung camera ko sa hita niya
Aambahan ko na sana siya ng panibagong hampas nang makatikim ako ng pitik sa nuo! Aba foul yon ah!
“Ano ba? Kailangan ko bang magpaalam na ‘Ay Zach, hahampasin nga pala kita sa braso mo, ilag ka ha?’ ganon ba?” Pambabara ko sakanya kaya ayown, nakatanggap nanaman ako ng pitik sa nuo!
“Kahit kailan hindi ka nawalan ng rason sa buhay mo” Napairap nalang ako sa sinabi niya
Babanat pa sana ako ng rason ko nang may tumikhim kaya napaharap kami don
“Hijo at Hija, hindi pa ba kayo tapos sa pagbabangayan?” Tanong samin ni Tatay Manong kaya napamulahan ako ng pisngi
Natawa si Zach sa reaksyon ko kaya siniko ko siya at padaskol na bumaba sa Bangka nang may matabang na emosyon
“Nakakatuwa kayo panoorin ng kasintahan mo, Hijo” Sambit ni Tatay Manong kaya napalingon agad ako
“Pasensya na ho Manong sa inasal ng kasintahan ko, sadyang ganon lang talaga iyon” Nakangiting sambit ni Zach kay Tatay Manong kayat napatawa din ng mahina si Tatay Manong
“Nako Hijo, ganyan din ang asawa ko kaya naiintindihan kita” Nakangiting asal ni Tatay Manong kay Zach
Tinignan ko ng matalim si Zach, pero ang hinayupak ngisihan lang ako ng mala demonyo
“Siguro’y magiging katulad din ng samahan niyo ang relasyon namin, Tatay” Aba nag upgrade ang hinayupak tatay nalang tawag
“Hijo, kahit na paiba iba ang ugali ng mga babae na minsa’y hindi mo na mawari ay huwag mo silang susukuan, regalo sila galling sa Maypakal” Matamis na sambit ni Tatay Manong na ikinangiti ko din
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...